Sadyang isa nga si Vice Ganda sa mga sinuwerte sa buhay. Nag-umpisa bilang komedyanteng host sa mga comedy bars hanggang sa nabigyan ng pagkakataong maipakita ang kanyang husay at galing sa isang istasyon. Isang pagkakataong kanyang niyakap at pinagsikapang angkinin ang ningning ng tagumpay at nakamit niya ito dahil pinangarap niya at ginusto niya.
Namayagpag nga siya at kinilalang isa sa mga maimpluwensiyang celebrity sa mundo ng musika, telebisyon at pelikula. Naglipana ang supporters kaya naman umariba rin ang kanyang karera at endorsements.
Kasabay ng kasikatang kanyang tinatamasa, hinarap din niya ang ilang pagsubok sa kanyang karera. May mga naging kaaway siya at may mga sumuporta parin sa kanya.
Maraming nagsasabing nag-iba ang kanyang pag-uugali. Matalas ang dila sa pananalita at walang preno ang bibig masabi lang daw ang gustong sabihin at masunod lang ang kanyang kagustuhan.
Maraming paratang pa ang kanyang natanggap mula sa kampo ng sinasabi nilang ayaw sa kanya at inggit sa kanya. May mga nagsabing kinain na raw ng sistema ang bibig ni Vice na minsa'y nasabihan pa siyang mabaho ang hininga at amoy imburnal at kung anik-anik pang pang-iintriga.
Sa naging tagumpay mo Vice sa buhay at karera, sa dami ng pera mo na minsay sinabi mong hindi kana kailanman maghihirap at mauubusan ng pera, sa kabila ng yaman mong naipundar na alam naming pinaghirapan mo, wala kaming ibang hiling kundi sana ang maibalik mo ang dating pag-uugali mo! Yung dating hindi mapagmataas kundi mapagkumbaba! Yung dating alam pa ang salitang makikiraan po, salamat po, opo at patawad po!
Ilang beses ka na ring kinalabit, mismong mga tagahanga mo pa minsan ang nangangalabit sa iyo at hindi na ang mga kaaway mo! Sana, huwag kang silaw sa kasikatan, huwag kang silaw sa tagumpay at pera at yaman, sana maibalik mo ang dating ikaw na kapag nakasalubong namin ay nakayuko parin! Di tulad ngayong nakatanghod ka at taas noo pang nakakasalubong namin!
Yang larawang yan, ang ganda kung titingnan dahil nandiyan yung ikaw noon at ikaw ngayon! Hindi ba't kaygandang pagmasdan ang kahapon at kung sino ka ngayon? Ang traspormasyon ng buhay ay mahiwaga at ito'y selebrasyon dapat ng pasasalamat at hindi selebrasyon ng yabang at taas ng pagtingin sa sarili!
Isang larawan na magpapaalala lang sa iyo na dapat mapagkumbaba lang tayo dahil sa paalalang sa isang pitik lang ay maaring mawala sa atin ang lahat ng yaman sa mundo. Mas magandang kung maalala tayong mabuting tao sa ating kapwa at nabuhay ng patas sa mundong ibabaw!
Anupaman, saludo kami sa iyong tagumpay. Saludo kami sa iyong pamamayagpag. Saludo kami sa iyong ingay! Pero sana lang, huwag nating kalimutang pahiram lang ang lahat!
No comments:
Post a Comment