JED MADELA HATAW SA OUT OF TOWN AT OUT OF THE COUNTRY SHOWS

Nakauwi na ang ating World-class performer at World-class champion na si Jed Madela mula sa kanyang mga ganap abroad kasama ang kanyang buong team.

Unahin na natin ang kanyang pagbibigay saya kamakailan lang sa ating mga migrant workers sa HongKong bilang pangunahing entertainer nitong June 2 para sa OWWA Migrant Workers Day.

Naging matagumpay ang naturang event. As usual, airport palang ay pinagkaguluhan na si Jed ng ating mga kababayang hinintay ang kanyang pagdating.

Sinundan naman ito ng isang event kung saan kailangang lumipad ni Jed patungong Tokyo, Japan para naman sa naka-eskedyul nitong pagbibigay entertainment sa ating mga kababayan doon para sa selebrasyon ng Philippine Expo Tokyo 2024 na ginanap sa Ueno Park.

Suportado si Jed ng filipino community doon ganoon din ang japanese people.

Jampacked ang lahat ng venues both from HongKong and Tokyo kung saan sinamahan din si Jed ng ilang local performers from Japan and filipino performers natin sa Japan.

Pagkauwi ng Pinas ay sumalang naman kaagad si Jed para sa kanyang rehearsals para naman sa nalalapit niyang ' Welcome To My World ' Concert na gaganapin ngayong July 5 sa Music Musem.

Mukhang walang pahinga si Jed this month sa dami ng kanyang commitments at engagements huh! Mukhang rumaratsada siya sa kanyang karera at halatang flying high si Jed!

Well, patunay lang din na hindi mo matitinag ang kanyang estado at kakayanan bilang isang sikat na singer. Hindi mo rin naman talaga matatawaran ang bawat kantang kanyang bibigkasin dahil sa napakagandang boses niya noh! 

" It’s been a very busy 2 weeks for me! Thank you very much to all of our kababayans in Hongkong and Japan for the very warm welcome! I definitely felt all your love! These trips will forever be a core memory for me. I will be back to perform for all of you very soon! Maraming Salamat po! " paglalahad pa ni Jed Madela sa kanyang Facebook post.

No comments:

Post a Comment