PAALALA NG CIA WITH BA VAWC HINDI MAARING MAG-AREGLO

Paalala ng ‘CIA with BA:’ VAWC, hindi maaaring ma-areglo!

Binigyang-diin ng ‘CIA with BA’ na hindi dapat balewalain kung may nangyayaring violence against women and children o VAWC.

Sa segment na 'Yes or No' sa episode na ipinalabas nitong Linggo, ika-5 ng Mayo, tinanong ni Aya ng Mariteam: "Maaari po bang i-areglo ang VAWC sa barangay o sa korte?"

Agad na tumugon si Senador Alan Peter Cayetano ng mariin na "no."

“Maraming dahilan,” paliwanag niya. “Ang isang dahilan nga, aside from it’s a crime, is that alam natin na if you sweep that under the rug, tuluy-tuloy lang na mangyayari ito,” he explained.

Ginamit naman ni Senadora Pia Cayetano ang mga pag-aaway ng mag-asawa bilang halimbawa upang ilahad ang karaniwang kaisipan kaugnay nito.

“Dati kasi, at nangyayari pa rin ngayon, ang pangkaraniwan na reaksyon ng kahit barangay man ‘yon or sabihin na nating leader ng community, ‘ah, away mag-asawa lang ‘yan,’” she said. “[Pero] sinabi ng batas… na ‘pag may alam kayong ganyan, kailangan niyong tulungan ‘yung babae—ilayo niyo—o ‘yung anak o kung sino man [because] it affects the community, it affects the human life.”

Ipinagpapatuloy ng ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

“Anumang ‘di pagkakaunawaan, anumang katanungan, anumang bagay na nangangailangan ng kalinawan… makakaasa kayong patuloy nating aaksyunan dahil para sa amin nina Kuya Alan at Ate Pia, gabay natin ang batas para itama ang mga mali at tulungan ang mga naaapi,” emphasized Boy Abunda, addressing the viewers. “At sa patuloy nating pag-aksyon, makakaasa kayong bukal sa aming puso ang pagtulong,” giit niya.

Pinangungunahan nina Alan, Pia, at Boy Abunda, ang ‘CIA with BA’ ay ipinapalabas tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV sa sumunod na Sabado ng 10:30 p.m.

No comments:

Post a Comment