Ina ng batang na-bully, humingi ng payo sa ‘CIA with BA’
“Maraming mga bata ang may mental health problems… bukas ang programa para sa mga problemang ganito,” giit ni Boy Abunda sa pagtatapos ng segment ‘Payong Kapatid’ sa episode ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Marso 10.
Dumulog si Betty sa programa upang humingi ng tulong at payo tungkol sa kanyang anak na nabiktima ng cyberbullying ng isa nitong kaklase.
Ibinahagi niya na noong 2021, natuklasang mayroong bipolar disorder ang kanyang anak. Ito ay na-trigger umano ng pag-uusap sa kanilang group chat na may mga ‘di magagandang salita, dahilan upang subukan ng kanyang anak na tapusin ang kanyang sariling buhay.
Na-confine ang kanyang anak sa National Center for Mental Health (NCMH), isang ospital na nakatutok para sa mental health care services.
“Ayon sa batas, lahat ng schools — elementary at high-school, public and private — ay kailangan po ay may mekanismo para sa anti-bullying at may mekanismo ‘pag may nag-complain. And ‘yung mismong batas ay may mga minimum guidelines,” paliwanag ni Senador Alan Peter Cayetano. “So you can actually complain sa school. You don’t have to go out of the school pa.”
Ayon kay Kuya Alan, may iba’t-ibang aspeto na dapat tingnan sa mga kasong katulad nito.
“One is medical. Secondly is the legal, at do’n kami magbibigay ng advice sa ‘yo, at kasama sa legal ‘yung administrative, meaning sino ba dapat ang nag-minister o nag-administer, which is the school. [And] this applies to all school around the Philippines,” sabi niya.
Ikinuwanto rin ni Betty na pinagharap sila ng magulang ng batang nam-bully sa anak sa guidance office ng paaralan. Bagama’t ‘di niya ramdam na sinsero, humingi naman daw ng tawad ang kabilang panig.
“Irrelevant kung feeling mo, sorry o hindi,” prangkahang sinabi ni Alan. “But in this case nga, it’s the mechanism nung anti-bullying e. So if it happened once, and it was explained to them and they say ‘sorry,’ nagawa nung school ‘yung oblisgasyon nila. Hindi obigasyon kasi ng school to make you feel na sincere ‘yon e.”
Ngunit ipinarating naman ni Alan na naiintindihan niya si Betty bilang isa ring magulang.
“I think ‘pag anak, and then may nagyayari, you really want to be mad at someone e… kasi nga ‘yung puso mo, masyadong nandon sa bata. But ‘yun nga, ‘wag mo munang isipin ‘yung ugali ng parent, ‘yung ugali nung anak, etc. Isipin mo muna anak mo,” aniya. “If they’re willing to say ‘sorry’ at tatanggapin naman nung anak mo at ikagagaling naman niya ‘yon, ‘di ba? Whether talikuran mo muna o ipasa-Diyos mo kung sincere sila o hindi, kasi ibang usapan ‘yon e.”
“Then on the medical side, kung may matutulong kami, alam naming mahabang usapan ‘to, magastos, etc. But one thing we can do is to help you with the medical [needs],” pangako ng mambabatas na co-host.
Para naman kay Senador Pia Cayetano: “Ayoko naman gamitin ‘yung salitang ‘move on.’ Ang gusto kong sabihin is, sa ngayon pansamantala… pwede siguro ‘yung energy mo ibuhos mo dun sa kung anong maitutulong mo sa anak mo at kung ano din maitutulong namin.”
“For your sake, to be the best possible mother your child needs now, rely ka talaga dito sa mga professionals and give your daughter all the love and support that she needs,” dagdag pa ni Ate Pia.
Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7
No comments:
Post a Comment