Siya rin ang nagbigay pugay sa mga mamamayan ng Batangas who attended the said opening ceremony that afternoon.
Kasama ang aming grupo sa entertainment media ay inikot namin ang buong event venue na merong ginawang tatlong naglalakihang event stages para sa magkakaibang palabas mula March 14 hanggang March 16.
Humarap din sa amin si Ate Vi para sa media conference kung saan sinabi nitong ito na ang pangalawang taon ng Barako Fest headed and organized by Mentorque Production Genius na si Bryan Diamante.
Ayon kay Ate Vi, bilib na bilib ang kanyang buong pamilya sa talino at sipag ni Bryan na siyang pasimuno ng nasabing event. Sinabi rin nitong taon-taon ng mangyayari ang Barako Fest dahil gustong-gusto daw talaga nilang muling maibalik at mas makikilala pa ang kapeng barako ng Batangas hindi lang dito sa Pinas kundi sa buong mundo.
Natutuwa diuamno si Ate Vi dahil sa ikalawang taon ng Barako Fest ay lalo pa itong sinusuportahan ng tao at lalo pang tumitindi ang dagsa ng mga artistang nakikisaya sa kanila.
Nakakatuwang makita na the whole time ay nasa tabi ni Atw Vi ang kanyang anak na si Ryan na super asiste ito sa kanyang tabi.
Noong March 14 ang opening ceremony nito kung saan dumating sa nasabing 1st day of event ang ilang kilalang influencers.like Bisayan Squad at si Boy Toyo na amin ring nakasalamuha that day!
Kagabi naman, March 15 ay halos hindi mahulugang karayom ang crowd na dumalo dahil sina Vice Ganda at Juan Karlos lang naman ang naging panauhin nila at ngayong gabi naman ay sina Arthur Nery at Janella Salvador naman ang aariba sa entablado ng Barako Fest 2024.
Ayon pa kay Bryan Diamante ng Mentorque Productions, asahan natin na sa susunod na taon ay lalo pang magiging mas masaya, mas may puso at talino ang Barako Fest 2025!
Winner!
No comments:
Post a Comment