ICE IS COMING TO CLOWNS REPUBLIK THIS DECEMBER 13 NA!

Ice Is Coming To Clowns aarangkada na sa Clowns Republik sa Disyembre 13

Kung may Christmas song na "Santa Claus Is Coming To Town," si Ice Seguerra naman ay may Pamaskong handog na "Ice Is Coming To Clowns" na gaganapin sa Clowns Republik sa Disyembre 13, 2023.

Ang "Ice Is Coming To Clowns," na benefit show para sa Philippine Movie Press Club (PMPC), ay produced by Fire & Ice Media and Productions Inc. nina Ice at Liza DiƱo in cooperation with Precision Image Digital Broadcast Solution by Samantha.

Makakasama ni Ice sa naturang intimate concert sina Ryan Gallagher at Ima Castro plus special guests na kinabibilangan nina Sarah Javier, Laverne Arceo, Gem Castillo, Cye Soriano, Christi, Janah Reyes, Orange, at Mike Villamor.

Ang entrance ticket ay nagkakahalaga ng P1,000. For reservation maaaring tumawag o kumontak sa 09277489834 o sa 09156590836.

Kaya makisaya at maki-sing along na kay Ice at sa kanyang guests sa "Ice Is Coming To Clowns" sa Clowns Republik sa Quezon Avenue, Quezon City sa Disyembre 13.

No comments:

Post a Comment