BOY ABUNDA HUMANGA SA ' CIA WITH BA ' CO-HOSTS NITONG MAGKAPATID NA CAYETANO

Tunay na kahanga-hanga’: Boy Abunda, pinuri ang mga co-host sa ‘CIA with BA’ na Cayetano siblings

Nagpahayag ng paghanga ang award-winning TV host na si Boy Abunda para sa magkapatid na Senador Alan Peter at Pia Cayetano, ang kanyang mga co-hosts sa ‘CIA with BA.’

Sa ikalawang bahagi ng ‘Producer’s Cut’ ng public service program na ipinalabas nitong Linggo, Nobyembre 12, inilarawan ni Tito Boy kung paano hinaharap at ineestima ng mga Cayetano ang mga kaso at problema na kanilang dinidinig mula sa iba’t-ibang tao na dumuduog sa show.

 “Dito, [nakikita] natin si Ate Pia [at] Kuya Alan kung paano maging objective bilang mga abogado – nakikinig sa detalye, nagpro-problem solve, ika-nga,” kwento niya. “They listen and they dispense pieces of advice na nanggagaling sa isipan ng mga abogado. Tunay na kahanga-hanga.”

Pinunto ni Abunda kung anu-anong klase ng mga isyu ang higit na nakakaapekto sa mga host na mambabatas.

“May mga issues na nagiging emosyonal si Kuya Alan at Ate Pia – si Kuya Alan sa mga governance issue, sa mga public service na usapin; [si] Ate Pia, pagdating sa mga kaso na may kinalaman sa children’s rights, women’s welfare, she is involved, she fights,” sabi niya.

Bukod sa kanyang mga co-host, inihayag rin ni Abunda ang kanyang mataas na pagtingin sa mga tao na matapang na nagbabahagi ng kani-kanilang kwento sa programa, sila man ay hihingi ng tulong o nais magsilbing inspirasyon para sa iba.

“Pero hindi lamang si Kuya Alan at Ate Pia ang hinahangaan ng mga humihingi sa atin ng payo,” ani-Tito Boy. “Lahat tayo maraming natutunan, hindi lamang sa mga abogado – Kuya Alan, Ate Pia. Madalas, marami tayong napupulot na aral sa mga taong humihingi ng payo, sa mga taong humihingi ng tulong.”

Kasalukuyang nasa ika-apat na season na ang ‘CIA with BA’ mula noong umere ito noong Pebrero 5, 2023.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

No comments:

Post a Comment