JEROME PONCE AT KRISSHA VIAJE BIDA SA VIVA ONE SERIES NA ' SAFE SKIES, ARCHER ' NGAYONG NOVEMBER NA!

SAFE SKIES, ARCHER 

A VIVA ONE ORIGINAL SERIES

STARRING: KRISSHA VIAJE, JEROME PONCE, HEAVEN PERALEJO, MARCO GALLO, BEA BINENE, GAB LAGMAN, AUBREY CARAAN, NICOLE OMILLO, JAIRUS AQUINO, ANDRE YLLANA, FROST SANDOVAL, HYACINTH CALLADO, DANI ZEE

DIRECTOR: GINO M. SANTOS

BASED ON THE BESTSELLING BOOK WRITTEN BY: GWY SALUDES

SEASON PREMIERE: NOVEMBER ON VIVA ONE


Buhay na buhay pa rin University Series fever! Matapos ang massive success ng The Rain in España, magpapatuloy ang journey ng paborito niyong barkada at may ipapakilalang bagong mga bida na siguradong aabangan at bagong love story na susubaybayan ng lahat. Fasten your seatbelts, dahil lilipad na ang SAFE SKIES, ARCHER sa Viva One ngayong November. 


Matapos ang successful cast reveal ng Safe Skies, Archer, patuloy ang pagpapakita ng suporta ng University Series fans sa ating UNIVERKADA – Heaven Peralejo bilang Luna, Marco Gallo bilang Kalix, Bea Binene bilang Via, Gab Lagman bilang Sevi, Aubrey Caraan bilang Sam, Nicole Omillo bilang Kierra, Frost Sandoval bilang Leo, Andre Yllana bilang Adonis, at si Krissha Viaje bilang Yanna. Mas lalaki pa ang barkada sa pagdating nina Hyacinth Callado bilang Elyse, Jairus Aquino bilang Shan at Jerome Ponce na gaganap bilang Hiro. Ipapakilala rin sa series ang up-and-coming child actress na si Dani Zee na gaganap naman bilang Avi. 


Sa second book ng University Series na sinulat ni Gwy Saludes na mayroon nang mahigit 610 million reads sa Wattpad, bibida ang love story nina Yanna, isang sexually empowered tourism student, at Hiro, ang dashing young pilot at mechanical engineering student. Ang no-strings attached relationship nila ang siya ring magiging dahilan sa pagkadurog ng puso ni Yanna. Unti-unti siyang mahuhulog kay Hiro kahit na alam niyang hindi magtatagal ang kanilang relasyon dahil sa plano ng binata na tuparin ang kanyang pangarap na maging piloto sa Florida, USA. Sa lahat ng hirap, pagod, at pagkasawi sa pag-ibig, masasandalan ni Yanna ang kanyang pamilya at barkada, lalo na si Sam. Sila ang magiging support system ni Yanna para muling makabangon at maging mabuting ina kay Avi, ang anak nila ni Hiro. After five years, kung kailan matured at mga professionals na, muli silang magkikita, at mari-realize rin nila na hindi pa sila nakaka-move on sa isa’t isa. May chance na kaya silang mabuo at maging masayang pamilya? 


Ang SAFE SKIES, ARCHER ay mula sa direksyon ng young box-office director na si Gino Santos, na nakilala sa kanyang mga hit movies na Ex With Benefits at Love Me Tomorrow, at ang katatapos lang na youth series na Teen Clash. 


Abangan ang new set of soundtracks na magbibigay ng kakaibang kilig at hugot sa SAFE SKIES, ARCHER, mula ito sa music genius at founder ng OC Records na si Kean Cipriano. Ang KISAME ni Rhodessa na mayroon ng mahigit 24 Million streams sa Spotify, ang dreamy vibe music ng Healy After Dark na ISIP, at ang fresh track ni Aly Remulla na I JUST WANT TO KISS YOU, na nasa Indie Pop playlist ng Spotify, ay ang mga official soundtracks naman ng series. 


Ngayong November, dadalhin tayo sa alapaap ng love story nina Yanna at Hiro – SAFE SKIES, ARCHER, soon on Viva One. Mayroon ding exclusive sneak peek para sa preparations ng exciting series na ‘to, ang one-hour docu-special na READY FOR TAKEOFF: THE ROAD TO ‘SAFE SKIES, ARCHER’ ay mapapanood na sa Viva One. 


No comments:

Post a Comment