BOY ABUNDA NAGDIWANG NG IKA-68TH BIRTHDAY SA ' CIA WITH BA '

‘CIA with BA,’ ibinunyag na iskolar ni Boy Abunda sina Kaori Oinuma at Aljon Mendoza

Ipinahayag nina Kaori Oinuma at Aljon Mendoza ang kanilang pasasalamat kay Boy Abunda sa pagtulong nitong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pagdiriwang ng award-winning TV host ng kanyang birthday sa ‘CIA with BA.’

Ibinulgar ng public service program na pinangungunahan ni Abunda kasama ang magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano nitong Linggo, Oktubre 15 na ang dalawa sa mga pinaka-in-demand na batang celebrity ngayon ay mga iskolar ni Tito Boy.

“I’m not very open about this. Actually, very rarely do I talk about my scholars,” sabi ni Abunda. “Ang kontrata ko lang sa kanila, ‘pag nakatapos ka, mangako ka sa akin na magpapa-aral ka ng isa.’”

“Nabigyan din ako ng help, mula kay Tito Boy, na makapagpatuloy sa studies ko. Syempre parang ako, ‘Anong kailangan kong gawin, Tito Boy, para masuklian ko ‘yung help na ginawa ninyo sa’kin?’” sabi ni Kaori sa kanyang surprise video message para kay Boy. “Ang sabi lang din ni Tito Boy, sana daw one day, kung ano ‘yung ginagawa niya sa’min ngayon, magawa rin namin sa ibang tao.”

Para naman kay Aljon: “Sobrang laking pasasalamat ko po dahil tinulungan niyo po akong makabalik sa pag-aaral after four years. Hindi niyo po alam kung gaano kalaking bagay sa’kin ‘to at hindi ko po [ito] ite-take for granted ang binigay niyong blessing sa’kin. And I know, mas ibe-bless ka pa po ni Lord dahil napakabuti ng inyong puso. Maraming salamat po.

Unang nakilala ng dating ‘Pinoy Big Brother: Otso’ housemates si Abunda paglabas nila mula sa nasabing reality show.

“Una ko pong nakilala si Tito Boy way back 2018, mga late December. Memorable para sa’kin na sinabi niya, ‘not knowing is the beginning of knowing.’ Sinabi niya, ‘importante [na] magtanong palagi ‘pag hindi mo alam,’” pag-alala ni Aljon. “One thing I love about Tito Boy is that he loves his mother so much. ‘Yon din ‘yung nakaka-relate ako sa kanya.”

“Mas lalo ko siyang nakilala nung nagkaroon kami ng workshop sa Rise [Artists Studios],” masayang pagbabahagi ni Kaori.

“Tito Boy, maraming-maraming salamat po na tinulungan niyo ‘kong maipagpatuloy ‘yung pag-aaral ko ngayon. And I promise na balang-araw, kapag okay na rin ako, makaka-help din ako ng ibang bata na makapagpatuloy ng pag-aaral,” sabi niya. “Happy birthday, Tito Boy!”

Sinorpresa rin nina Alan at Pia ang co-host sa presensya ni Deborah Sun, isang artista at malapit na kaibigan ni Abunda.

Sa Oktubre 29 ang aktwal na kaarawan ni Tito Boy. Hino-host niya ang program kasama ang mga Cayetano linggo-linggo mula noong Pebrero 5, 2023.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

No comments:

Post a Comment