KATHNIEL MAGPAPAKASAL NA RIN BA?

Kabarkada at katropang celebrities ang invited ni Direk Cathy Garcia-Molina sa katatapos lang nitong simpleng beach wedding kay Louie Sampano na ginanap sa Zambales. Kasama dito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa agawan ng bride's bouquet at groom's garter, pinalad man o sinadyang sina Kath at Daniel ang nakasalo nito, bonggang pinag-uusapan na ito ngayon ayon narin sa isang video.

Ayaw pa nga'ng itodo lagay above the knee ni Daniel ang garter kay Kathryn kaya naman pinutakti ng kantiyaw si Daniel at napapabungisngis nalang si Kathryn.

Simbolo naraw ba ito na susunod na sa pagpapakasal sina Daniel at Kathryn? Ayon naman kay Karla Estrada, tuwang-tuwa siya nung makita ang viral video at sinabi nitong tanging sina Kath at Daniel lamang daw ang makapagsabi kung kelan nila gustong magpakasal at kung anu-anong magiging plano nila sa buhay. 

Nasa tamang edad naman daw ang dalawa. Halatang sa komento ni Karla ay handa na rin ito para sa kaligayahan ng kanyang anak. Well, ang maganda rito, both parties o parents ay sumusuporta sa dalawa mula noon hanggang ngayon! Susunod na ba talaga sina Kath at DJ? What year kaya? Saan? 

No comments:

Post a Comment