BLAGADAG ANG BATANG QUIAPO SA VOLTES V

Ayon pa sa mga naglabasang post sa katatapos lang na pa-presscon ng Batang Quiapo serye ni Coco Martin na hindi ko napapanood, aba'y abangan daw ang mga pasabog pa sa serye na mukhang itinatakwil raw ng mga taga-Quiapo dahil hindi naman daw ito nakakatulong sa kanilang pangkabuhayan doon kundi nakakaperwisyo naraw. 
Anu-anong pasabog ba ang ipapakita pa sa serye na ayon pa sa ilang netizens ay wala namang magandang ipinapakita sa serye at hindi paraw magandang napapanood ng mga bata dahil sa tema ng script nito? Aba, wait, baka kasama pa sa pasabog daw na ito ay ang pagtatagal pa sa ere ng Batang Quiapo na balak na naman yatang pahabain pa ni Coco ng mga 5 years to 7 years huh! 
Nakakasulasok na ang kuwento ng Batang Quiapo sa ilang buwang pananatili palang nito sa ere huh! Tapos sasabihin na naman nilang atleast marami silang natutulungang manggagawa sa indistriyang ito! Ayusin niyo kuwento niyo, walang bago, puro luma! Lumang-luma! Hindi ka talaga oobra sa Voltez V! Ang lakas!

No comments:

Post a Comment