NIC GALANO'S FIRST SOLO CONCERT NGAYONG AUGUST 11 NA SA MUSIC BOX, TIMOG

Sorpresa ang kahusayan nitong baguhang male singer na si Nic Galano. Sa meet the press na ipinatawag ng kanyang ArTalent Management kamakailan, naghandog ng isang kanta si Nic sa press. Kinanta niya ang ' Buwan ' ni JK Labajo. Magaling siya. Binigyan niya ng kanyang sariling version ang kanta at lumabas itong napakasarap sa tenga. May recall ang boses ni Nic. Mahiyain man pero kapag nasa entablado na, naku, nag-iiba ang kanyang atake at napakalakas ng karisma bukod pa sa pakaguwapo nito.

Siya si Nic Perry A. Galano na ipinanganak noong August 24, 1998. 23 years old na siya ngayon. 5'6 at 120 lbs. Ipinanganak sa Tuguegarao City, Cagayan. Parehong mga Doktor ang kanyang mga magulang na sina Dr. Nicasio Galano Jr. at Dr. Vigilyn Alan-Agustin.

Nag-aral si Nic ng kanyang elementary grade sa Isabela Unified School sa Ilagan City. Nag-secondary naman sa Casa del Nino Montessori of Ilagan City at nag-college naman sa Feati University Theology.

Narito pa ang kanyang mga naging achievements. Aparri Bible Seminary Singing Journey, Lucky 9 Boyband member. 2018 Idol Phililpines Season 1 Qualifier. 

Hobbies naman ni Nic ang Photography, Videoke singing, pagko-compose ng kanta, maglaro ng video ganes at basketball.

Baguhan man sa larangan ng musika, kapag nabigyan lang ng magandang break si Nic ay malayo ang kanyang mararating. Kampante kami kasi ngayong August 11, 2022 ganap na ika-7 ng gabi ay mangyayari na ang kanyang first solo concert sa The New Music Box, Timog na produced naman ng kanyang ArTalent Management sa pangunguna mismo ng kanyang manager na si Dr. Art Cruzada na naglipana ang negosyo.

Nangunguna ang kanyang ArTalent Management. Sa kanya rin ang Queen Eva Saloon, Luminescence, Le Premier Language International, Ol Day Samgyup and Eu Coffee Shop at may dalawang bubuksan pang branches ng Saloon ngayong August 17 at 18 sa Tagaytay at Nasugbu.

Umaasa ako personally sa magandang future ni Nic Galano at sa iba pang talents ng ArTalent Management. 

Goodluck!!!

No comments:

Post a Comment