CLOE BARRETO PAKAHUSAY SA COMEBACK FILM NIYANG TAHAN

Invited ako sa katatapos lang na Private Screening ng pinag-uusapang comeback movie ni Cloe Barreto Ang pelikulang ' Tahan ' na produced by 316 Media Network ni Nylinaj Ollirrac at Mentorque Productions ni Bryan Dy at kauna-unahang movie project naman ni Direk Bobby Bonifacio Jr. para sa Vivamax! Excited ako personally to watch it dahil mapapanood ko ito sa big screen, finally, for the first time!

Pambungad na eksena palang ng pelikula, ginawa na kaagad ni Direk Bobby ang eksenang tatak Vivamax! Yes! Bongga ang entrada at ikakaloka ng buong madla! Tuloy-tuloy lang ang kuwento ng pelikula. Lumabas ang Jet Delgado na kahit sinabi niya sa akin noong kabado siya sa gagawin niyang eksena, sa napanood ko, Jet nailed it! Cute ng role niya. Higit sa lahat, guwapo at sexy si Jet na apo ng sikat na beteranang aktres na si Marissa Delgado. Umeksena ang  Alvaro John Oteyza na laging nalilinya sa mga sexy roles. He nailed it too. Magaling din siya sa kanyang ginampanang role at palaban siya talaga at walang takot! Nabigyan din ng role sa movie ang sikat na basketball player na si Mark Cardona who played his role very well at diko inaasahang marunong pala siyang umarte at hindi lang bola ang alam laruin na ayon mismo kay Mark ay natupad din ang gusto niyang maging artista naman sa pelikulang ito. Si Karl Medina, well, acting wise, he did it! Magaling! Bumagay sa kanya ang role niya! 

Si JC Santos, given naman ang pagiging magaling nito kaya kahit sinong artista ay gusto nilang makatrabaho ang sikat na aktor. And here comes the Jaclyn Jose na kapag hindi ka marunong o magaling umarte, promise, lalamunin ka niya. I just love her character sa film. Iba talaga ang kaledad sa pag-arte ni Jaclyn Jose. That's why wala pa akong nabalitaang kumabog sa kanyang galing! Mahirap ang ipinakitang emosyon ni Jaclyn sa film! Ang bigat! 

Pero higit sa lahat ay tinutukan ko ang ariba ni Cloe sa kabuuan ng pelikula. Tiningnan ko ang bawat pagbitaw niya ng linya. Ang kilos o galaw ng kanyang mga mata. And Cloe, again, nailed it! 

Hindi lang kasi ang kagandahan niya at kaseksihan o kahubdan niya ang mapapanood sa pelikula. Kung naging mapangahas siya at walang takot sa mga seksing eksena niya, hindi tumalikod kundi hinarap ni Cloe ang kinang ng mga mata ni Jaclyn Jose sa mga eksena nilang dalawa. Hindi nagpakabog kundi she gave, sa totoo lang, her best sa pelikulang ito. Pakahusay ni Cloe! Ibang level na nga ang galing niya! Sinabayan niya ang galing ng isang Jaclyn Jose! Walang pagod na sumayaw sa tugtog ni Jaclyn na mismong si Jaclyn Jose narin ang nagsabing ' magaling ' si Cloe! 

Maganda ang kinalabasan ng pelikula. Bagay na ikinagulat mismo ng isa sa mga bida ritong si Alyssa CariƱo na siya ring nag-isip at nagsulat ng script nito! Mapangahas ang istorya. Malalim kung bakit. At sa huli, masasabi mong napaka-brilliant nung nagsulat ng script. The ending, naku, huwag kang bibitaw sa bawat eksena! Kakaiba ang script at dahilan din ito kung bakit binigay rin ni Direk Bobby ang kanyang best shot sa pelikula! Halos lahat ng bumida, pasok sa galing! Higit sa lahat, kinalabutan ako sa husay ng isang Cloe Barreto! Bagay na bagay kay Cloe ang kanyang role na kung nagputol ng sex organ sa launching film niyang ' Silab ' noon, kaabang-abang naman ang kanyang ginawa sa pelikulang ito.  

Kaya save the date na July 22 dahil mapapanood niyo na sa Vivamax ang Tahan na isang sexy-thriller movie!

No comments:

Post a Comment