SOFI FERMAZI GAGAWIN LAHAT PARA SA PANGARAP

Isang invite ang aking natanggap mula sa MPJ Enyertainment Productions to attend the Virtual Media Conference para sa baguhang female singer na si Sofi Fermazi. Nakilala nga namin kahit papano si Sofi while ongoing ang virtual tsikahan sa kanya with Direk Perry Escano na tumatayong manager niya.

Well attended ang virtual mediacon kasama ang ilang kaibigan sa Press. Kung anu-anong tanong ang ibinato sa kanya. In-all fairness ay walang atrasan ang peg ni Sofi and she answered well graciously dahil matalino siya! 

Halata na may pinag-aralan ang dalagang itey na magre-record na ng kanyang mga kanta soon sa bakuran ng Star Music. 

Natuwa ang karamihan ng Press sa kanya dahil napaka-articulate niya sa pagsagot sa lahat ng tanong sa kanya huh! 

Pangarap niya na raw talagang maging isang singer. She's not after the kasikatan according to her. She's after sa nagawa niya ang kanyang gustong gawin sa kanyang buhay, ang maibahagi raw sa tao ang kanyang talento bilang isang mang-aawit! Bongga diba?

Ayon kay Sofi, nakahanda na siyang makipagsabayan sa karera sa mundo ng musika and she'll do anything and everything dahil gusto niya diumano ang kanyang ginagawa at suportado siya rito ng kanyang mga magulang at pamilya.

Actually, nakilala ni Direk Perry si Sofi sa isang workshop na ipinatawag ni Direk. Pinakanta daw ni Direk si Sofi at nakitaan niya raw kaagad ito ng potential kaya kinausap niya ito at wagi nga si Direk bilang manager na ngayon mismo ni Sofi.

Goodluck Sofi and MPJEP!

No comments:

Post a Comment