DIREK LOUIE IGNACIO PINAGPAWISAN KAY SEAN DE GUZMAN SA PELIKULANG INFLUENCER

Una ay nabisita ko ang set ng pelikulang ' Influencer ' na pinagbibidahan nina Sean De Guzman at Cloe Barreto sa direksiyon ni Louie Ignacio. Dalawa ang producer ng pelikulang ito. Sina Len Carrillo ng 316 Media Network at Bryan Dy ng Mentorque Productions. Sa pagbisita ko sa first shooting day ng pelikula ay nagkaroon ako that time ng pagkakataong makatsikahan si Direk Louie Ignacio habang nagse-set-up ang production para sa isang seksing eksena ni Sean sa ibabaw ng isang couch. Lumabas ako ng set kasi they have to limit lang ang tao sa loob habang kinukunan ang eksena. 

Pagkatapos kunan ni Direk ang seksi at maselang eksena ay kaagad ko siyang tsinika.

" My God! Pinagpawisan ako! " bulalas pa ni Direk Louie.

" First time kong gawin yan sa pelikula ko. Sobrang seksi. Pero pinagpawisan ako. Plus ang galing ni Sean and the girl, newcomer siya pero she's magaling! Parang beterana na! Magaling! " aniyang muli.

Natawa ako kay Direk kasi sa totoo nga naman, ito ang kauna-unahang pelikulang seksi na kanyang ginawa. 

Aminado siyang may excitement sa part niya kasi nga first time niyang mag-direk ng isang sensual movie. Pero what's the most important point kung bakit niya tinanggap ang pelikula?

" Nung nabasa ko ang script, sabi ko, i love it! May laman ang script at gusto ko agad gawin. Ayan. We're done na today. " tsika pa sa amin ni Direk nung makausap namin sa last shooting day ng movie sa may Corte Bar, Tomas Morato, Quezon City.

Sinulat mismo ni Quinn Carrillo ang script ng Influencer. Si Quinn din ang nagsulat ng script ng pelikulang Tahan na comeback film at nauna ng ginawa ni Cloe. 

Dahil kuwento nga ng bagets at napapanahon ang pelikulang ito ay nasa movie rin sina Tiffany Grey, Daniel Almojera, Karl Aquino at Quinn Carrillo.

No comments:

Post a Comment