NA-SCAM DAW SI TOM RODRIGUEZ?

Ikinagulantang ng madlang pipol ang hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana. Maraming nagulat. Marami ring nasabing dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawang showbiz couple. Maraming espekulasyon na diumano ay may 3rd party involved at kung anu-ano pa. 

Pero just lately ay may nabanggit o nasabing kasabay ng hiwalayang ito ay ang diumano ay nawalang pera ni Tom Rodriguez dahil nabiktima siya ng scam o dahil na-scam siya.

Isang tao o kaibigan ang aking nakausap. Nabanggit ko sa kanya ang diumano ay milyong pisong na-scam kay Tom.

Sa inisyal na reaksiyon ng aking kausap, ramdam ko na hindi siya kumbinsido sa naturang balita. Halatang pakulo ito at mukhang totoo nga ang sinasabi ng iba na tanging ang dalawa lang daw na sina Carla at Tom ang nakakaalam ng katotohanan. 

Ang aking kausap ay hindi kumbinsido. Dasal ng kausap na magiging maayos din at matatahimik din ang lahat. 

Kung ating matatandaan, si Tom Rodriguez ang 1st nominee para sana sa AMP Partylist o Anak Maharlikang Pilipino na ako pa mismo ang humawak ng PR nito na hindi naman natuloy o itinuloy ng kanilang grupo kasama ang ilan pang kaibigan ni Tom.

Well, mula sa akin, matatapos din at matatahimik din ang lahat. At lalabas din ang katotohanan sa bandang huli!

No comments:

Post a Comment