PROCLAMATION RALLY NI DAVE ALMARINEZ NA TUMATAKBONG CONGRESSMAN SA SAN PEDRO, LAGUNA DINUMOG NG SUPPORTERS

Ramdam namin ang happiness sa mukha nina Ara Mina at Dave Almarinez na tumatakbong Congressman  ng makatsikahan namin ito right after ng proclamation rally ni Dave na ginanap sa Rosario Complex sa San Pedro, Laguna last Sunday.

Ang expected number lang daw ng dadalong tao sa kanyang proclamation ay nasa 10,000 plus pero hindi raw inaasahan ni Dave na umabot ito sa 20,000 plus kaya naman habang nagsasalita siya sa entablado ay naiyak ito.

Grabe rin ang suportang natanggap ng mag-asawa mula sa mga kaibigan nila sa entertainment industry where Ara came from dahil nandoon din ang mga kaibigan ni Ara tulad nalang nina Sunshine Cruz, Radah, Bugoy Drilon at Martin Nievera.

Nag-umpisa ang programa around 8pm at natapos ito bago mag-12 midnight sa pamamagitan ng isang bonggang fireworks.

Naging maayos ang lahat kaya naman masayang-masaya ang mag-asawa na kahit walang boses o paos si Ara ay hiningi nito sa mga taong naroroon ang boto nila para kay Dave Almarinez na proven na rin ang nagawang maganda sa San Pedro, Laguna.

Bago pala ang naturang proclamation rally ay galing pa sa isang motorcade ang dalawa at kasamahan nila sa buong San Pedro na naging maganda raw ang naging tugon ng kanilang kababayan sa mainit nitong pagtanggap sa kanila sa lansangan! 

Mabuhay ka future San Pedro, Laguna Congressman Dave Almarinez! 

PDEA ADVOCACY FILM NA THE BUY BUST QUEEN DAPAT PANOORIN

Tagumpay ang katatapos lang na presscon con premiere night ng pelikulang The Buy Bust Queen movie na pinagbibidahan ni Phoebe Walker sa direksiyon ni JR Olinares na ginanap sa Sky Theatre ng One Mall sa Valenzuela.

Nasa event sina Christian Vasquez at Jeric Raval kasama ang mahahalagang PDEA personalities na hindi ko na isa-isahin pa dahil ramdam naman namin ang suportang ipinakita nila that night.

Sa mga kasamahang nakapanood ng movie that night dahil nauna na kaming umalis, ayon sa kanila, matino ang pelikula at may nilalaman ito. 

Tinalakay daw sa pelikula ang halaga ng buhay, ang epekto ng droga sa lipunan at kung paano ito sinasalakay ng mga PDEA agents partikular na ang mga babaeng miyembro ng PDEA.

Ipinakita raw sa PDEA advocacy film na ito ang kakayanan din ng mga PDEA agents inspired by PDEA Buy Bust Queen na nasa event din that night.

Ayon na rin sa kuwento nina Christian, Jeric at Phoebe, hindi raw pala ganoon kadali ang trabaho ng isang PDEA agent ayon na rin sa kanilang naging experience mismo habang ginagampanan nila ang kani-kanilang role.

Pero ang interesting dito ay ang kuwento mismo ng PDEA Queen agent na ito ay isang sakripisyo sa kanyang pamilya. Minsan daw, bago sila mag-jump-off para sa isang buy bust ay naisip niyang kapag sinuwerte ay buhay pa siyang makakauwi sa kanyang pamilya. Pero kapag minalas daw, lalo na't may mga palabang kalaban sa gagawing buy bust ay bangkay na silang makikita.

In all fairness, matino ang movie at sa ngayon palang ay marami na ang umaasang mapapanood nila ito sa mga sinehan soon! 

BIYAK LEAD ACTRESS QUIN CARRILLO BEAUTY AND BRAIN

Beauty and Brain! Yan ang totoong tingin ko kay Quin Carrillo na anak ni Len Carrillo ng 316 Events And Talent Management at 316 Media Network na ilulunsad na sa pelikulang ' Biyak ' sa direksiyon ni Joel Lamangan na sinulat mismo ni Quin ang script nito sa tulong ni Throy Espiritu.

When i first heard about the script nung mag-late dinner kami sa Alfredos with Direk Joel Lamangan ay on the spot na nakaisip ng script si Quin sa feed sa kanya ni Direk Joel. 

Talagang ideya palang yun ni Direk pero si Quin at rumolyo na ang kanyang utak para sa isang istorya ng magkapatid na pinaglayo ng tadhana.

Hanggang sa matapos niya ito kasama na ang mga karakter at natuloy na ang storycon ng pelikula at nag-shoot na kaagad. 

Kakabilib si Quin at hindi mo talaga siya hindi puwedeng purihin dahil sa kanya rin nanggaling ang nabuong script ng comeback film ni Cloe Barreto na ' Tahan ' na magso-shoot na rin soon!

Higit sa lahat ay kaya niyang pagsabayin ang kanyang paga-artista at pag-aaral huh! Beauty and brain talaga si Quin.

Anyways, isang punky girl naman ang kanyang ginagampanang role sa Biyak. Nung tinanong ko siya while ongoing sng shooting ng Biyak kung kamusta naman ang kanyang role, agad nitong sinabing she's enjoying it at masaya siya dahil alam niyang she did her job sa paggawa ng script.

Ibang Quin Carrillo talaga ang mapapanood natin sa film na ito ni Lamangan. Wala naman daw siyang kailangang patunayan kundi alam niyang sa kabuuan ng pelikula ay ginawa niya ang kanyang makakaya para sa kanyang role.

Happy naman ang kanyang Mommy Len at nakita rin ni Len Carrillo kung papano na ngayong niyakap na ng kanyang anak na si Wuin ang mundo ng entertainment.

Suportado si Quin ng kanyang buong family and friends while shooting the said film. Why not, diba? Napaka-smart na babae ni Quin sa totoo lang. Walang inhibisyon at pretensiyon sa buhay that's why she's truly beautiful inside and out just like her Momshie Len!

Abangan ang pelikulang Biyak! Soon!

BIYAK ACTRESS ANGELICA CERVANTES KABADO SA LOVESCENE WITH VANCE LARENA

Sa tabing dagat at loob ng kotse kinunan ang pakikipag-lovescene ni Angelica Cervantes kay Vance Larena sa last shooting day ng pelikulang Biyak ni Joel Lamangan na produced ng 316 Media Network.Naka-4 shooting days din ang movie sa Noveleta, Cavite at 3 shooting days naman sa Manila. 

Before the said scene, halatang kabado si Angelica but prepared kung saan panay pa ang biro ng kanyang mga kapatid sa 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo sa kanya na sina Christine Bermas, Sean De Guzman, Cloe Barreto, Itan Magnaye at Marco Gomez na nasa location noong last shooting day ng movie.

First time kasing gawin ito ni Angelica pero ayun na rin sa baguhang seksing aktres ay hiningi ito ng kanyang role at kahit papano ay pinaghandaan niya.

Malaki raw ang tiwala ni Angelica kay Direk Joel kaya naman ramdam niya ang pagiging kampante sa kanyang role ganoon din sa kanyang lead actor na si Vance Larena.

Dalawa sila ni Quin Carrillo na ilulunsad sa pelikulang ito kasama sina Vance Larena, Albie Casino, Jim Pebangco, Maureen Mauricio at Melissa Mendez.

Kakaiba ang istorya nito. Istorya ito ng magkapatid na malalagay sa isang kumplikadong sitwasyon pagdating ng panahon. Mismong si Quin ang nagsulat ng script kasama si Throy Espiritu. 

Si Quin Carrillo din ang sumulat ng script ng comeback movie ni Cloe Barreto na Tahan that will start filming soon at 316 Media Network parin ang magpo-produce nito.


SAD LOVE STORY ANG KUWENTO NG PAGMAMAHALANG KIT THOMPSON AT ANA JALANDONI

Bugbog sarado ang mukha at katawan ng seksing aktres ng pelikulang MANIPULA na si Ana Jalandoni at kasalukuyang nasa Tagaytay  Medical Center na halos hindi naraw maidilat ni Ana ang mga mata nito at maigalaw ang  katawan.  

Bugbog sarado ang seksing aktres daw sa jowa nitong si Kit Thompson na kasalukuyan namang nasa Tagaytay Police Station at nakakulong na. 

Hindi pa detalyadong naikuwento sa amin ni Joms Dela Rosa na kaibigan namin pareho sa grupo kung ano ang pinag-ugatan ng pananakit o away ng mag jowa kagabi.

Hindi pa tapos ang imbestigasyon magpahanggang ngayon at wala pang inilabas na statement ang kampo ni Ana pero ang Cornerstone Management ni Kit ay naglabas na ng kanilang statement kaninang umaga. 

Sa isang hotel daw sa Tagaytay nangyari ang insidente kaninang 6am, araw ng biyernes! 


BIDA KAYO KAY AGA NGAYONG MARCH 26 NA SA NET 25!

Sa isang zoom conference ay nakausap namin ang nag-iisang Aga Muhlach. Ito ay may kaugnayan sa kanyang bagong show sa Net 25 TV titled BIDA KAYO KAY AGA na mapapanood na natin simula March 26, 2022, 7pm sa Net 25 TV right after RESPONDE.

Kakaiba ang tatakbuhing kuwento nitong bagong show ni Aga every episode. Dahil likas na nga kasi sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin at maka-kapwa.

Nabatid naming si Aga Muhlach talaga ang napisil ng Net 25 para gawing host nitong kaabang-abang na show dahil kahit sino ang tanungin mo ay bidang-bida naman talaga si Aga hindi lang sa pelikula, kundi ganoon narin sa mga commercials at game shows.

Aabangab natin sa Bida Kayo Kay Aga na isang feel good reality show ang mga OOHD o outside of home Daddies, DIY Daddies, Daddy Foodie, Dads Entertainment, Digital Dads, Bida Boss, Bida sa Life at Bida Best.

Hindi alam ng mga kakausaping Daddies ni Aga na makakausap nila at makakaharap mismo nila si Aga Muhlach to do the interviews. Kakaiba nga!

Well, fit na fit nga si Aga sa reality show na ito. Bibida ka nga sa show dahil bilang daddy ay kuwento mo ang ikukuwento ni Aga Mihlach. Interesting, diba? 

Abangan simula March 26 sa Net 25 TV!  

SENATORIABLE ARIEL LIM PUWEDE SA SENADO


Bunsong kapatid pala ni Marlene Dela Pena na isang sikat na filipina singer based sa Japan itong si Ariel Lim na tumatakbong senador ngayon. Nakasalamuha namin si Ariel Lim sa pamamagitan ni Nanay Jobert Sucaldito who invited me last week para sa isang meryenda tsikahan. 

Kasalukuyang national chairman si Ariel Lim ng TODA o samahan ng nga tricycle drivers and operators at nagsilbi na rin sa gobyerno natin partikular sa transportasyon. 

Dekada na rin ang kanyang ginagawang public office and service kaya naman pakiramdam niya'y kuwalipikado na siyang tumakbo bilang Senador at handa na diumano siyang lawakan pa ang kanyang pagtulong sa mga usaping trasportasyon.  

Hindi raw ganoon kadali ang kanyang naging desisyong tumakbo bilang senador pero kailangan niya diumano itong gawin para sa mga taong kailangang-kailangan siyang lapitan ng mas madali dahil kailangan na diumano ang isang kamay sa senado para sa problem sa transportasyon.

Nagpasalamat din si Ariel Lim sa mga taong bukas palad siyang tinutulungan ngayon. May mga kilala at hindi kilalang supporter si Lim kaya naman puspusan na rin ang kanyang ginagawang kampanya bilang isang independent senatoriable. 

But when asked kung sino ang gusto biyang gumanap naman bikang Ariel Lim kapag isinapelikula ang kanyang buhay, naging deretsahan itong si senatoriable Robin Padilla naman ang kanyang napipisil.

Actually, nabalitaan din naming dapat sana ay gagawin ng pelikula ang kanyang buhay sa Viva. Yun nga lang, dahil sa pandemic ay naudlot ito. 

Well, maganda ang kanyang hangarin kaya puwede natin siyang pagbuksan ng pinto senado ngayong Mayo 2022 noh! Why not! Iboboto ko siya! 

QUEZON CITY GAGAWING CITY OF STARS NI MIKE DEFENSOR KAPAG NANALONG MAYOR

Sa intimate update mini-presscon na ipinatawag ni Nanay Jobert Sucaldito para kay Congressman Mike Defensor na tumatakbong Mayor ngayon para sa Quezon City ay walang kiyeme nitong inaming bet na bet niyang si Aga Muhlach ang gaganap para sa kanyang bio-flick! Nakakatuwa si Mike Defensor dahil game na game siya sa mga showbiz questions na ibinabato sa kanya ng entertainment media during the said intimate interview. Napaka-touchy niya rin at higit sa lahat ay napaka-charming na yan dapat ang isa sa mga kailangang personality ng isang public servant.

Kunsabagay, dekada na si Mike Defensor sa public service kaya naman sanay na sanay na itong makisalamuha sa tao mula sa pinaka-ibaba sa pinakamataas na aspeto kaya naman kung supporters lang ni Mike ang tatanungin ay buhos ang nagpaparamdam nito sa kanya ngayon. 

Pasok na pasok kasi ang entertainment industry sa kanyang buhay at lalo naming ikinagalak nang sabihin nitong matutuloy na ang pagiging City of Stars ng Quezon City kapag siya ang mabanalong Mayor ngayong May 2022 elections.

Kung ating matatandaan, isa ito sa pangarap ni Kuya Germs Moreno noong buhay pa ito na gawing City of Stars ang lungsod Quezon dahil karamihan sa mga celebrities natin ay sa Quezon City nakatira o residente.

Bongga diba?

INSPIRING ANG 40 DAYS MOVIE NI POLA MAYOR INA ALEGRE

Sa imbitasyon ni Pola, Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre o Jennifer Cruz ay nagkaroon ako ng pagkakataong masilayan ang ganda ng simpleng munisipyo ng Pola at masaksihan ang premiere night ng pelikulang 40 Days ni Direk Neil Buboy Tan na pinagbibidahan ni Mayor Ina, James Blanco, Mygz Molino at Cataleya Surio. 

Ginanap ito sa municipal gymnasium ng Pola kung saan buong residente na yata ng Pola ang nakiisa sa panonood kasama ang mga ilang politicians na kakampi man o hindi ni Mayor Ina like Ejay Falcon na ilang taong hindi namin nakasalamuha na ang rason ay kinakamada na pala ang kanyang pagtakbo bilang Vice-Governor sa lalawigan ng Oriental Mondoro.

Beautiful ang story ng 40 Days in all fairness. Meaning, maganda ang script na bitbit ang nakakaantig na kuwento ng pagmamahal sa pamilya at nakakapanindig balahibong paglalakbay para lang muling makapiling ang mga mahal sa buhay. 

It's all about courage in life and love na sa bawat eksena ay paluluhain ka ng pelikula. Napapanahon ito because patungkol sa experience ng isang anak at ina ang ipapakita rito. Ang kanyang sakripisyo at pangarap na dahil sa pandemic ay ginawa niya ang lahat para lang makauwi sa kanyang probinsya.

Obviously, 40 Days siyang naglakad mula Manila hanggang Mindoro dahil nawalan siya ng trabaho at inabutan ng lockdown. Simple lang ang istorya pero yung bawat hakbang ni Ina Alegre sa pelikula ay ramdam mo ang hirap at pagod sa kanyang mukha.

Ina Alegre was so good in this film. She acted well. Natural ang pagkakaganap niya at mapapaluha ka. Sabi pa ni Mayor Ina, siya mismo, habang pinapanood niya ang pelikula ay hindi naiwasang mapaluha kahit kami that night.

Isang advocacy film ito according to Mayor Ina at kaya pala doon mismo sa Pola naganap ang movie premiere dahil gusto niyang makilala ang munting munisipyo ng Pola sa mundo ng showbiz dahil taga-roon siya. 

Dalawa na sila actually ni Ejay Falcon na taga-Pola na parehong nasa mundo na rin ng politics at proud silang pareho. 

During the said movie premiere ay kitang-kita rin naming pinagkaguluhan si Mygz Molino na isa rin sa mga bida ng pelikula. Maganda rin ang naging role nina Michelle Vito, James Blanco at Cataleya Surio.

Abangan nalang natin kung saan ipapalabas na digital platform ang pelikula. Balak din daw itong isali nina Mayor Ina at Direk Buboy Tan sa ilang international film festival. Bongga!