Nasa event sina Christian Vasquez at Jeric Raval kasama ang mahahalagang PDEA personalities na hindi ko na isa-isahin pa dahil ramdam naman namin ang suportang ipinakita nila that night.
Sa mga kasamahang nakapanood ng movie that night dahil nauna na kaming umalis, ayon sa kanila, matino ang pelikula at may nilalaman ito.
Tinalakay daw sa pelikula ang halaga ng buhay, ang epekto ng droga sa lipunan at kung paano ito sinasalakay ng mga PDEA agents partikular na ang mga babaeng miyembro ng PDEA.
Ipinakita raw sa PDEA advocacy film na ito ang kakayanan din ng mga PDEA agents inspired by PDEA Buy Bust Queen na nasa event din that night.
Ayon na rin sa kuwento nina Christian, Jeric at Phoebe, hindi raw pala ganoon kadali ang trabaho ng isang PDEA agent ayon na rin sa kanilang naging experience mismo habang ginagampanan nila ang kani-kanilang role.
Pero ang interesting dito ay ang kuwento mismo ng PDEA Queen agent na ito ay isang sakripisyo sa kanyang pamilya. Minsan daw, bago sila mag-jump-off para sa isang buy bust ay naisip niyang kapag sinuwerte ay buhay pa siyang makakauwi sa kanyang pamilya. Pero kapag minalas daw, lalo na't may mga palabang kalaban sa gagawing buy bust ay bangkay na silang makikita.
In all fairness, matino ang movie at sa ngayon palang ay marami na ang umaasang mapapanood nila ito sa mga sinehan soon!
No comments:
Post a Comment