NATHALIE HEART, SID LUCERO, CINDY MIRANDA AT JOHN ARCILLA BIBIDA SA SEXY-SUSPENSE THRILLER MOVIE NA REROUTE SIMULA NA NGAYONG JANUARY 21 SA VIVAMAX

May kasabihan na “minsan kailangan mong mawala para mahanap ang iyong sarili,” pero paano kung hindi mo ito magawa? O mas malala, paano kung hindi ka na mahanap? Ng kahit na sino man. I-fasten ang mga seat belt at I-ready na ang GPS dahil parating na ang Reroute sa Vivamax ngayong January 2022

Isang sexy-suspense thriller na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na si John Arcilla. Ang Reroute ay kwento ng mag-asawang si Trina (Cindy Miranda) at Dan (Sid Lucero) na nagkakaroon ng problema dahil pinaghihinalaan ni Dan na may iba si Trina. Sa gitna ng problemang ito, napagpasyahan ng mag-asawa na bumisita sa nag-aagaw buhay ng tatay ni Dan sa probinsya 

Sa kanilang pagbyahe, mahaharang sila ng isang roadblock at aabisuhan na sumubok ng ibang daan at mag-reroute. Sa pagod sa pagmamaneho, maiinis na si Dan dahil aabutin pa ulit ng isang oras kapag nagbago sila ng ruta, dito niya mapapagpasyahan na dumaan sa isang shortcut, sa isang masukal at malubak na daan. Sa pinagkamalas-malasan ay masisiraan pa ang kanilang sasakyan sa gitna ng daan, dito nila makikilala ang isang misteryosong lalaki na aalukin silang tulungan, si Gemo (John Arcilla). Iimbitahan ni Gemo ang mag-asawa na magpalipas ng gabi sa kanyang bahay at kinabukasa’y tutulungang ipaayos ang nasirang sasakyan. Sa pagod ay papayag ang dalawa kahit na pinaghihinalaan na ni Trina ang mga galaw at mga pagtatanong ni Gemo tungkol sa buhay nila ng kanyang asawa. 

Sa pagdating nila sa bahay ni Gemo, makikilala rin nila ang asawa nito, si Lala (Nathalie Hart), na misteryosa rin at bihira lang kung magsalita. Sa pagtuloy ni Trina at Dan sa bahay ni Gemo ay siya ring patuloy nitong pagtatanong ng mga personal na bagay tungkol sa buhay nilang mag-asawa, at lalo nang maghihinala ang dalawa. 

Ang kakaiba at misteryosong kwento ng Reroute ay nangangailangan ng mahusay na pagganap. Kasama ni John Arcilla sa pelikula ay si Sid Lucero na may makailang ulit nang nanalo ng best actor awards at mayroon ding nominasyon sa International Emmy Awards. Parte rin ng Reroute ang mga prime actresses ng Viva na sina Cindy Miranda at Nathalie Hart, na gumagawa na rin ng kanilang sariling pangalan sa larangan ng pag-arte at patuloy na pinapatunayan na karapat-dapat sila sa mga role na ginagampanan nila.  

Kasama ng mga batikang aktor ay isa ring award-winning director, ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Lawrence Fajardo na nagdala sa atin ng internationally-acclaimed movie na Amok. Si Fajardo rin ay nanalo na ng iba’t ibang awards para sa pagiging direktor at editor, dalawa rito ay mula sa Gawad Urian. Noong nakaraang taon ay binahagi rin ni Fajardo ang mga pelikula niyang Nerisa, Mahjong Nights, at ang MMFF entry na A Hard Day 

Mula sa kaabang-abang na mga aktor at kahanga-hangang direktor, walang duda na isa na naman ang Reroute sa magiging trending at pag-uusapang pelikula sa pagpasok ng 2022. Mula sa Viva Films, markahan na sa kalendaryo ang pagdating ng Reroute sa Vivamax ngayong January 21, 2022. 

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. 

Para sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad naman gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para naman sa magbabayad gamit ang  Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay  SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood rin ang Reroute sa Vivamax Middle East, para sa mga Pinoy sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, mapapanood na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.   

Ang Vivamax ay mapapanood na sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

No comments:

Post a Comment