CHRISTINE BERMAS, PAOLO GUMABAO, KYLIE VERSOZA AT VINCE RILLON SI-SISID NA SIMULA JANUARY 19 SA VIVAMAX PLUS AT MARCH 18 SA VIVAMAX

Inihahandog ng VIVA Films at Center Stage Productions ang pelikulang sisisid sa malalim na dagat ng pag-ibig, mula sa award-winning director na si Brillante Mendoza, “SISID.” Tampok sina Kylie Verzosa, Christine Bermas, Paolo Gumabao at Vince Rillon.

Si Jason (Paolo Gumabao), isang Marine Biologist, at ang kanyang asawa na si Abby (Kylie Verzosa) ay magpupunta sa Pola, Mindoro, kung saan aatasan si Jason na pamunuan ang rehabilitation at preservation ng isang fish sanctuary. Doon makikilala ni Jason ang kanyang diving assistant na si Dennis (Vince Rillon), at mabilis silang magkakasundo. Habang magkasama sa trabaho, mas makikilala nila ang isa’t-isa. Makikilala ni Jason ang pamilya ni Dennis sa kanyang mga kwento, at bilib si Dennis sa pagmamahal ni Jason sa kanyang trabaho. Malalaman din nila ang kani-kanilang malalaking problemang hinaharap. Nabuntis ni Dennis ang kanyang girlfriend na si Tanya (Christine Bermas), habang si Jason at Abby naman ay ilang taon nang sumusubok na magbuntis, ngunit bigo sila dahil sa sakit ni Abby.

Sa pagdaan ng mga araw, mahuhulog ang loob nina Jason at Dennis sa isa’t-isa, at di magtatagal ay bibigay din sila sa tawag ng kanilang katawan. Ngunit magiging magulo ang lahat sa pagkakatuklas ni Abby sa kanilang lihim na relasyon, at mahuli sila sa akto ng pagtatalik. Mas magiging malala ang sakit ni Abby at kakailanganin niyang madala sa hospital. Ngayon, kakailanganing mamili ni Jason kung mananatili siya sa tabi ni Abby o sasama siya kay Dennis. Anuman ang kanyang piliin, siguradong may isang masasaktan.

Nagbabalik ang award-winning director na si Brillante Mendoza sa pelikulang “SISID,” na hindi lang puno ng maiinit na eksena, kundi puno din ng nagbabagang mga emosyon at drama. Para sa pelikulang ito, kinuha ni direk Brillante ang mga hottest young stars ngayon gaya nina Paolo gumabao, Vince Rillon, Christine Bermas at Kylie Verzosa.

Panoorin ang mga komplikadong emosyon ng mga relasyon sa “SISID.” Tunghayan ang kanilang Digital World Premiere ngayong January 18. Sa halagang 499 pesos, mauuna mong mamalas ang natatanging kwento ng SISID at makipagpakamustahan sa mga cast at sa director nito sa isang espesyal at exclusive one night event. Kinabusakan, January 19, mapapanood na sa Vivamax Plus, ang bagong pay-per-view service ng Viva. Sa halagang 249 pesos, mapapanood mo na ang bagong obra maestra ng internationally-acclaimed director na si  Brillante Mendoza.

Magsisimula naman ang regular streaming ng SISID sa March 18 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at America.

 Pumunta lamang sa web.vivamax.net at hanapin ang Vivamax Plus para makapurchase ng inyong tickets.

 Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

 Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

 Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

 Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna.

 Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., Sky Cable, Fiber, BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect at Zenergy Cable TV Network Inc.

 Ginawa ring mas affordable ng VIVAMAX ang panonood ng inyong mga paboritong pelikula dahil ngayon, sa halagang P29, maaari ka nang mag-watch all you can for 3 days! At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting.

 Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

No comments:

Post a Comment