ERIC QUIZON, EPI QUIZON AT VANDOLPH MGA BIDANG AKTOR SA QUIZON CT GAG SHOW NG NET 25

Mga anak ng the "King of Comedy", nag LET'S NET TOGETHER na!

Ito ang pinakabagong gag show ng Net 25 na tiyak na sasakit ang panga mo kakatawa dahil sa kakulitang ipapakita sa inyo ng buong bida ng mga bida!

Mga classic pinoy jokes ang ating mapapanood sa Quizon CT na talaga namang mapapagulong ka sa saya at mapapahalakhak ka sa katatawa.

Hindi na nga paaawat pa sina Epi Quizon, Eric Quizon at Vandolph, tatlong anak ng Comedy King na si Mang Dolphy sa kanilang bagong gag show sa bakuran ng Net 25. 

Ayon sa tatlong bida, may formula na kasi sila sa pagpapatawa kaya nung inilatag nila ang kanilang konsepto sa network, agad itong nagustuhan ng management at kaagad nag-taping na ang buong cast nito. 

Sa kanilang naging pilot episode last Sunday, June 9 sa Net 25 ay nagbigay ito ng mataas na ratings sa mesa ng Net 25 programs. 

Inulan  ng papuri ang Quizon CT na ikinatuwa naman ng cast, staff and crew nito. Mismong si CRV na ang nagsabing it got the highest ratings sa lahat ng kanilang bumabanderang shows sa network. 

Naitanong din during the said virtual presscon kung posible bang gagawa na rin  ng pelikula sa bakuran ng EBC Films ang magkakapatid, kaagad namang sinagot ito ni Direk Eric Quizon. 

Aniya, posible ang lahat dahil nasa bakuran naman na sila ng nasabing network. May mga ideya na rin daw siya at madali naman daw kausap ang Net 25.

QUIZON CT!  Sunday, 8:00 pm on NET25

No comments:

Post a Comment