BAGONG GAG SHOW NG NET25 NA QUIZON CT NGAYONG JANUARY 9 NA!

Ang  ‘Quizon CT’ o  Quizon Comedy Theater’, ang pinakabagong gag show ng NET25 na punong puno ng mga nakakatawa at nakakaaliw na jokes at punchlines, ay aarangkada na sa January 9, 2022, tuwing Linggo, 8:00 PM.

Literal na pinagsama ang ‘laugh’ at ‘trip’ sa comedy show na ito na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy.

Pinagbibidahan ito ng mga anak ni “King of Comedy” Dolphy, na sina Eric, Epi Quizon at Vandolph Quizon.

Kabilang din sa main cast ng programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon.

Tampok din sa gag show sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson.

Ang naturang palabas ay sa direksyon nina Eric Quizon at Epi Quizon. 

Bagong taon, bagong barkada ang magpapatawa sa inyo linggo-linggo!

Tumutok na sa January 9!

#ComedyKingSon

#Quizonbrothers

#QuizonCT

No comments:

Post a Comment