SEAN DE GUZMAN NAKAGAWA NG 8 MOVIES SA LOOB NG ISANG TAON

Tuloy-tuloy lang ang pag-ariba ng kanyang career simulang mailunsad si Sean De Guzman bilang Anak Ng Macho Dancer na sinundan ng mga pelikulang Lockdown, Nerisa, Taya, Huling Baklang Birhen, Mahjong Nights, Bekis On The Run at Hugas. 

Just imagine kung gaano kasipag si Sean at kung gaano siya kamahal ng mga taong nakakatrabaho niya. Sa loob lamang ng 1 taon ay 8 pelikula na ang kanyang nagawa.

Masuwerte siya dahil sa dinami-rami ng potential actors sa bakuran ng Viva Artist Agency ay lagi siyang napipisil for a project. Yan yung sinasabi kong pakikisama at higit sa lahat ay attitude towards work at sa mga nakakasalamuha sa industriyang ginagalawan niya.

Masasabi nating umariba nga siya this year sa kanyang showbiz career na mula sa simpleng pagsasayaw noon sa mga out of town shows at iba pang karaketan bilang miyembro ng grupong Clique V na mina-manage ni Len Carrillo ng 316 Events And Talent Management ay ayan na siya, kilala na rin sa mundo ng pelikula bilang isang celeberity. 

Wala naman kaming ibang wish kay Sean kundi ang pagtuloy-tuloy ng suwerteng dumating sa kanya at sana huwag na huwag niya itong pakakawalan.

No comments:

Post a Comment