RAYVER CRUZ HATAW ANG CAREER SA KAPUSO NETWORK

Kahit nung nasa Kapamilya Network palang si Rayver Cruz ay todo suporta na ako sa kanya. Todo na rin ang paghanga ko sa kanya bilang isang magaling na aktor at performer. What happened was hindi talaga siya nabigyan ng pagkakataon that time, for years na nasa network siya, dahil na rin sa dinami-rami ng mga artistang nakapulupot sa ABS at nade-deadma na ang ibang mas may potential pa huh!

Hanggang magdesisyon na si Rayver at ang kaibigang manager nitong si Kuya Albert Chua na tanggapin na ang offer ng GMA Kapuso Network at tuluyang nagpaalam ng maayos si Rayver at naging Kapuso Star na!

Agad-agad ay binigyan ng magagandang projects si Rayver mula sa mga teleserye ng Kapuso, sa singing career nito at higit sa lahat ang kanyang hosting skill na talagang pinatunayan naman niyang may ibubuga siya sa lahat ng kanyang gustong gawin at ginagawa na.

Sa kasalukuyan ay maituturing na siyang isa na rin sa maipagmamalaking talento ng Kapuso network at ayon sa aming nabalitaan ay naglalakihang upcoming projects pa ang nakahilera para kay Rayver Cruz.

Yan ang sinasabi kong good karma for Rayver dahil nakaalagwa na ang iniidolo naming aktor sa kanyang showbiz career na ipinagdamot sa kanya noon sa Kapamilya network! Making waves na si Rayver at tama lang ang naging desisyon nilang lumipat na siya.

Hindi ko maiwasang hindi purihin si Rayver sa totoo lang dahil isa siya sa mga artistang never kong narinig na nag-reklamo. Never din nagkaroon ng isyu. Naghintay talaga siya ng tamang panahon para umariba sa kanyang karera.

Higit sa lahat, isa si Rayver among male celebrities na may pinakamagandang mukha, tangkad at napakabuti ng puso! Tunay na lalake at alam kung sino ang mga tunay na nagmamahal sa kanya. Actually, titigan mo si Rayver mula ulo hanggang paa, total package na siya! Guwapo at matipuno at punong-puno ng talento! Marespeto pa! Just like his brother Rodjun na pinalaki talaga silang low profile lang at alam mong may mga pinag-aralan! 

Ang aking patuloy na pagpuri kay Rayver at patuloy na pagpalakpak sa kanyang showbiz career! More blessings Rayver Cruz! Pakahusay mo naman talaga! 

No comments:

Post a Comment