Isa itong virtual concert kung saan magsasama sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa. Ang AWIT SA PANDEMYA ay fundraising concert na hindi lang layon ang makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood kundi para makalikom din ng halaga dahil ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members lalo na ang mga senior at may sakit na miyembro nito.
Pangungunahan ng mga singers at artists na Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela , Gerald Santos, Ima Castro, Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma. Kasama pa ( in alphabetical order) sina JV Decena , Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy, and the Zcentido Ska Band.
Ang proyektong ito ay pinangunahan ng SPECIAL PROJECT COMMITTEE ng PMPC na binubuo nina Over-all Chairman/ at President ROLDAN CASTRO , Chairman/ VICE PRESIDENT FERNAN DE GUZMAN , Co-Chairman ROMMEL PLACENTE at ang mga miyembro nito na sina RODEL FERNANDO, BOY ROMERO, MILDRED BACUD, TIMMY BASIL at JOHN FONTANILLA.
Tumulong din ang iba pang PMPC Officers at Members sa Publicity at Promotions ng "AWIT SA PANDEMYA. Mabibili na ang tiket sa ticket2me.net. Stay safe at the comfort of your home and enjoy the show.
No comments:
Post a Comment