MAGALING SIYA BILANG BAGUHAN--JOEL LAMANGAN ON CLOE BARRETO

Isang bagong mukha ang ilulunsad ni Direk Joel Lamangan at ng 316 Media Networks sa psychological sex drama movie na SILAB. 

Her name is Cloe Barreto, 19 years old, from Roxas, Oriental Mindoro, member ng all-female sing and dance group na Belladonnas.

In SILAB, Cloe is Ana, isang babaeng merong obsessive-compulsive neurosis na isang mild mental disorder characterized by excessive anxiety, insecurity, or obsession, usually compensated for by various defense mechanisms.

  Ayon sa dalaga, napakahirap ng ginampanan niyang role sa SILAB.

“Napaka-complex nung character ko. Paiba-iba rin yung emotions na kailangang ilabas ko, but I’m happy kasi nagawa ko naman siya nang maayos,” lahad ni Cloe.

Puring-puri rin ni Direk Joel ang performance ni Cloe sa pelikula.

“Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose nung nagsisimula siya sa pelikula,” papuri niya sa dalaga.

Dalawa ang leading man ni Cloe sa SILAB – sina Jason Abalos at ang newbie hunk actor na si Marco Gomez. Parehong magkakaroon ng malalim na kaugnayan ang karakter ni Cloe sa dalawang kapareha.

Kasama rin sa pelikula ang mga seasoned actresses na sina Ms. Chanda Romero at Lotlot de Leon.

Ang SILAB ay sinulat ng award-winning scriptwriter na si Raquel Villavicencio na sumulat din ng mga  pelikulang Kapag Langit Ang Humatol, Sa Ngalan ng Pag-ibig, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Abandonada, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Hihintayin Kita sa Langit, Batch ’81, among others.

Bukod sa ganda ng script, direction at superb acting ng cast ng SILAB, maganda rin ang cinematography ng pelikula.

AWIT SA PANDEMYA NGAYONG APRIL 18 NA

Isa sa pinakamatinding tinamaan ng pandemya dulot ng Covid-19 ay ang entertainment industry.  Natigil kasi ang mga live events at wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik sa normal ang lahat. Kaya naman ang The Philippine Movie Press Club (PMPC), ay bumuo ng virtual concert titled   “AWIT SA PANDEMYA .... A PMPC BENEFIT CONCERT“ na magaganap sa sa April 18, 2021 (Sunday), ticket2me.net platform, 8:00 PM  (PHST & SGT), 5:00 AM  (PDT).


Isa itong virtual concert kung saan magsasama sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa.  Ang AWIT SA PANDEMYA ay fundraising concert na hindi lang layon ang makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood kundi para makalikom din ng halaga dahil ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members lalo na ang mga senior at may sakit na miyembro nito.  

Pangungunahan ng mga singers at artists na Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela , Gerald Santos, Ima Castro,  Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma. Kasama pa ( in alphabetical order) sina JV Decena , Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy, and the Zcentido Ska Band. 

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng SPECIAL PROJECT COMMITTEE ng PMPC na binubuo nina Over-all Chairman/ at President ROLDAN CASTRO , Chairman/ VICE PRESIDENT FERNAN DE GUZMAN , Co-Chairman ROMMEL PLACENTE at ang mga miyembro nito na sina RODEL FERNANDO, BOY ROMERO, MILDRED BACUD, TIMMY BASIL at JOHN FONTANILLA. 

Tumulong din ang iba pang PMPC Officers at Members sa Publicity at Promotions ng "AWIT SA PANDEMYA. Mabibili na ang tiket sa ticket2me.net. Stay safe at the comfort of your home and enjoy the show.

SEAN DE GUZMAN RATSADA ANG FILM AND TELEVISION PROJECTS

Masuwerte nga si Sean De Guzman dahil pagkatapos siyang mailunsad bilang bidang aktor sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ng GodFather Productions ay nagsunod-sunod na ang kanyang proyekto mapa-telebisyon at pelikula. Aminado si Sean na hindi rin siya makapaniwala sa pang-arangkada ng kanyang karera ngayon. Tulad nitong pelikulang Ang Huling Berhing Beki Sa Balat Ng Lupa ng Heavens Best Productions. Hindi man bida kundi supporting actor sa pelikula ay sobrang ramdam namin ang saya sa puso ni Sean.  Isang comedy movie ito starring Edgar Allan Guzman, Teejay Marquez and Mimi Juareza.  Also starring Lou Veloso, Rosanna Roces, Sunshine Garcia, and Dave Bornea, with Jim Pebanco, Alexis Yasuda, Bo Tejedor, Kristine Bermas, and Phillipe Palmos.  

Sinulat ni Afi Africa at Joel Lamangan. Kung saan si  Harlene Bautista ang executive producer at idinerehe naman ni Joel Lamangan.

In the remote town of Balat-Lupa where being gay is a curse and considered crime, three boys from different families are abandoned.  They are adopted by their parish priest who becomes a father figure to them.

They become altar boys, serve the church, and promise each other to be loyal friends.  Even though they grew up filled with love and understanding, they are not perfect.  They have secrets that no one should ever know – that all of them are gays.

Si Sean De Guzman ay contract star na rin ng Viva Artist Agency na-co-management naman with Len Carrillo ng 316 Events And Talent Management. 

Nagsimula si Sean bilang regular member ng all male group na Clique V.

Any moment ay lalarga na rin ang kanyang television project.

We love you Sean!