Si Karl Aquino kaagad ang napansin ko nung unang araw na makita ko siya at makatsikahan sa isang music video shoot ng grupo niyang Clique V sa Tagaytay. Sabi ko, guwapo, matangkad din, iba kung ngumiti at malambing. Ilan sa mga katangiang meron dapat ang isang naga-artista. Mga katangiang kapag nakita ka ng isang tao ay tatatak yun sa kanila. Hanggang sa hinawakan na nga namin ang PR ng grupong Clique V magpahanggang ngayon. Honestly, kitang-kita ko kung gaano ka-dedicated si Karl Aquino sa kanyang trabaho. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal sa kung anuman ang kanyang ginagawa. Sabi ko, he'll go places. Ngunit paano nga ba siya nag-umpisa sa showbizlandia?
" Naku. Mahabang kuwento Tito. Bale, may isang kaibigan po kaming handler si Kuya Christian. Pinapunta niya ako sa may Scout Borromeo para mag-audition sa isang pageant. Noong una ay ayaw ko pa nga dahil broken hearted ako that time. Ha! Ha! Ha! Tapos ayon, sabi ko sa sarili ko, para maka-move on ako ay sasali ako sa pageant na Circle of 10. Hindi man po ako pinalad manalo, doon naman po kami na-discover ni Nanay Len at doon na rin po nabuo ang Clique V. " kuwento pa sa akin ni Karl.
Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataong makuha siya sa Starstruck Season 7 ng GMA Channel 7 last year at pinalad na mapabilang sa Final 12 nito. Just last year lang din ay kinuha na rin siya ng GMA Artist Center kasabay ng kanyang pagpirma ng kontrata kasama ang kanyang 316 Events And Talent Management.
Ano naman ang kanyang pakiramdam na hindi lang siya ganap na magaling sumayaw at medyo tuma-timing din sa pagkanta kundi isa na rin siyang ganap na artista kung tutuusin dahil kabilang na rin siya sa grupong QT's ng GMA-7 na napapanood every Sundays sa All Out Sundays?
" Sobrang saya ko po Tito Doms. Nangingibabaw po! Actually hanggang ngayon po ay hindi pa rin po ako makapaniwala na nasa GMA Artist Center na ako. Sobrang thankful at grateful po ako kasi lahat ng mga pinaghirapan ko ay unti-unti ko na natutupad. Siyempre po, hindi ko matutupad yun kung hindi dahil sa suporta ng aking family, parents ko na napaka-supportive po nila sa akin, mga kaibigan po, mga fans na nagkaroon ako na talagang suportado po nila ako at siyempre dahil po yan sa 316 ETM family ko po. Kay Nanay Len. " aniyang mahabang tsika pa sa akin.
Ngayong napapanood na siya sa mukha ng telebisyon, obcourse, pamilya ang tuwang-tuwa! Ano naman ang reaksiyoin ng kanyang buong pamilya this time?
" Sobrang proud po sila Tito na nakikita na nila ako sa tv. Ha! Ha! Ha! Nangungulit nga sila kung kelan naman daw nila ako mapapanood sa mga teleserye, sabi ko, in the near future kasi sa ngayon po ay umna-attend po akong acting workshops pa para po mas lalo pa po akong matuto sa pag-arte ko. Para po kapag may paglalagyan napo sa akin, siyempre, ayaw ko rin po mapahiya sa management ko, lalo napo ang mga taong magbibigay ng tiwala sa akin. " pagtatapos pa ni Karl Aquino.
Basta kaming lahat sa 316 Events And Talent Management family mo ay masayang-masaya para sa iyo Karl Aquino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
Goodluck s career mo Karl, always give your very best in everything you do and we will support you all the way
ReplyDelete