JUSTINE VASQUEZ KINANTAHAN SI MAGUI FORD SA DEBUT NITO


 Hindi namin maipinta ang saya sa pisngi ng pangatlong anak ni Queen Mother Karla Estrada kay Mike Planas na si Magui Ford nang pumasok na ito sa venue habang pinapalakpakan siya ng mga imbitadong bisita sa kanyang debut. Parang diyosang bumaba mula sa kalangitan si Magui suot ang napaka-eleganteng gown. Inumpisahan ang event sa pamamagitan ng pagsasayaw sa kanya ng kanyang amang si Mike Planas. Sinundan ito nina Daniel Padilla, JC Padilla at tatlo pang kapatid ni Magui sa side ni Mike at panghuli ang pinsan nitong si Jordan Lim na anak naman ni Ana Marie Liza Lim na half-sister ni Karla sa ina. Nagbigay naman ng isang kanta si Queen Mother Karla para kay Magui. Nagbigay din ng kanyang pasasalamat na message si Magui sa kanyang classmates, friends, family and relatives. Naging makulay lalo ang gabi na sa kalagitnaan ng selebrasyon ay biglang pinutol ito at sorpresang nakita ni Magui sa centerstage ang kanyang youtuber idol na si Justine Vasquez na nagbigay sa kanya ng tatlong kanta na ikinakilig naman ni Magui. Tuwang-tuwa si Magui at ramdam naming kumpleto na ang kanyang debut habang nakabantay naman kay Magui sina Daniel at JC kasama ang dalawang kapatid pang lalake ni Magui huh! Spotted din ang mga kaibigan ni Karla na sina Ruffa Gutierrez, Vina Morales, Jackie Foster. Nakisaya rin sina Kalad Karen, Momshie Melai, Momshie Jolina, Kathryn Bernardo, Patrick Sugui, Dominic Roque, RJ Padilla, Ralph Padilla, Vice Ganda, ABS-CBN Exec Cory Vidanes at marami pang iba. Balita namin ay tuluyan na yatang pasukin ni Magui ang showbiz within the year dahil pina-plantsa na ang kanyang kauna-unahang proyekto sa Kapamilya Network.

No comments:

Post a Comment