SALAMAT KAPUSO NETWORK SA KATATAPOS LANG NA CHRISTMAS PARTY FOR THE PRESS


Isang masayang pa-christmas party for the press naman ang naganap kamakailan lang sa bakuran ng GMA Channel 7. Ginanap ito sa studio 7 ng network. Dinaluhan ito ng mga executives ng Kapuso Network. Pinakinang din ng mga Kapuso Stars ang naturang gabi. Bongga rin ang pa-lafang sa press. Nagkaroon ng pa-games at kung anu-anong kasiyahan pa. Bumaha rin ang pa-premyo sa press at this time ay walang umuwing luhaan! Lahat ay nagwagi at maganda ang naging sistema nila huh! Taon-taon ay hindi nakakalimot ang Kapuso Network na lahat ay kumbidahin para sa naturang gabi. Congrats sa GMA Corporate Communication Group sa katatapos lang na Christmas Party for the Press! Talagang love shines Kapuso! Salamat!

No comments:

Post a Comment