DIMPLES ROMANA MAY HAMON PARA I-LEVEL UP ANG KAPASKUHAN KASAMA ANG CDO PREMIUM HOLIDAY HAM!


DIMPLES ROMANA, MAY HAMON PARA I-LEVEL UP ANG KAPASKUHAN KASAMA ANG CDO PREMIUM HOLIDAY HAM!

Malamig na ang simoy ng hangin, kaliwa’t kanan na ang mga kumukutitap na dekorasyon, at abala na ang mga tao sa pamimili ng regalo—mga patunay na nalalapit na ang Pasko!
Habang sinasalubong ang nalalapit na Kapaskuhan, naghahanda na rin ang bawat Pinoy ng espesyal na handang pagsasaluhan sa Noche Buena.
Para sa aktres na si Dimples Romana, ang pinakabagong brand Ambassador for CDO Premium Holiday Ham, hinding-hindi dapat mawala ang ham sa handaan para sa Noche Buena. 
Hindi buo ang Christmas handa naming kapag wala ang CDO Premium Holiday Ham. Yung salo-salo na sama- sama kayo, magdarasal kayo, kakain kayo, parang parte na rin talaga to have that ham there.” 
Bahagi na raw ito ng tradisyon na kanyang kinalakihan, na patuloy niyang ginagawa ngayong may asawa at dalawang anak na siya. 
Kung titingnan ang kanyang social media accounts, mapapansin na ang kanyang pamilya, ang mga Romana at Ahmee, ay laging sama-sama tuwing Noche Buena. 
Sa katunayan, taun-taon daw ay sinisiguro nila na may tema pa ang kanilang pagdiriwang sa Noche Buena. 
Minsan Pinoy, minsan Spanish, pero ang hindi nababago, yung CDO Premium Holiday Ham. Favorite siya no matter what theme we do for Christmas.”
Hindi rin daw masyadong mapili si Dimples pagdating sa kung anong ibibigay niya sa kanyang pamilya. 
Kung siya ang papipiliin, pasok na pasok daw sa panlasa ni Dimples ang smoky flavor na may pineapply sweetness flavor ng CDO Premium Holiday Ham, na gawa sa malambot na karne mula sa pigi ng baboy, ang pinakamainam na karne para sa paggawa ng ham; at siguradong walang halong anumang extender. 
Bukod pa rito, siguradong ASF-safe ito dahil ang karne ay galing sa credible meat supplier!
Para sa katulad ni Dimples na maalam sa kusina, labis niyang ikinatuwa nang malaman niyang pina-level up pa ang CDO Premium Holiday Ham dahil mas marami na itong pineapple glaze!
Sabi niya, “You don’t need to bother boiling CDO Premium Holiday Ham in pineapple juice as it has already been cooked in the sweet indulgence of pineapple.”
Kaya naman nang mag-shoot para sa commercial ng CDO Premium Holiday Ham, hindi ang pag-arte ang kinasabikan ni Dimples, na isa sa mga kinilala sa Asian Academy Creative Awards para sa role niyang Daniela sa Kadenang Ginto.
Siyempre, ang pinakaunang tinanong ko, meron po bang CDO Premium Holiday Ham sa TVC shoot? Ha ha ha! Naghanap talaga ‘ko.”
Dagdag pa ng aktres, na certified foodie rin, “Hindi ko alam if it’s the Kapampangan in me, bukod sa masarap akong magluto, masarap din akong kumain. 
Iba kasi kapag ine-enjoy mo talaga. It shows how passionate you are about things. Not only for food but for life. Alam mong ine-enjoy mo ang buhay mo at kumakain ka ng gusto mong kainin at nasi-share mo sa pamilya mo.” 
Yan si Dimples Romana. Isang premyadong aktres na ang nais lamang ay best para sa kanyang career at sa kanyang pamilya.  Bilang bagong endorser ng CDO Premium Holiday Ham, ibinahagi niya ang paraan para mag-stand out at mag-level up Noche Buena ngayong taon. 
Ang CDO Premium Holiday Ham ay isang dekalidad na produktong gawa ng CDO Foodsphere, Inc. na tamang-tama para ibahagi sa pamilya at iba pang mga mahal sa buhay. A quality that is simply the best.
-30-

No comments:

Post a Comment