SA HIDWAAN NINA CLAUDINE, MARJORIE AT GRETCHEN SINO NGA BA ANG UUWING TALUNAN?

Grabe kung grabe ang bangayan na naman ngayon ng magkakapatid na Barretto. Maraming ugat ang malalim nilang hidwaan. Away magkakapatid na hindi maiwasan. Mga sugat ng kahapon at ngayon na hindi mapaghilom ng panahon. Sino nga ba ang nag-umpisa? Sino nga ba ang dapat magpakumbaba? Magkakapatid na babae na tila malaki ang galit sa isa't isa? Sa latest issue, pagarbohan ng pasasabuging bomba ang bawat kampo. May kanya-kanyang eksplinasyon sa bawat kuwentong naglabasan at pinagpiyestahan ng publiko sa buong mundo! Maraming kuwentong totoo ba o hindi ito? Maraming komentong pabor sa bawat isang sangkot sa isyu! Kung susumahin mo, minsan mag-iisip ka kung totoo bang nag-aaway talaga sila o sinasadya nilang gawin ang mga bagay-bagay para maging laman sila ng usap-usapan at maging nasa kontrobersya palagi? Personally, wala akong kakampihan sa tatlo. Hindi naman natin alam ang pinag-ugatan ng lahat at higit ay wala tayo sa posisyon upang husgahan ang tatlong sangkot. Away magkakapatid at away pamilya ito na bilang indibidwal at tsismosa ay bantayan nalang natin kung anu-anong pasabog ang mangyayari. Huwag nang magbigay hayag o komento dahil buhay nila ito at wala tayong karapatang laitin sinuman sa kanila! Tao lang din sila na may pinagdadaanang krisis sa kanilang pamilya at igalang natin yun bilang mga tsismosa! Nakakaawa sila personally dahil pinag-uusapan sila instead na manahimik sa kani-kanilang magagandang buhay. Pero anong magagawa natin bilang mga tsismosa? Siyempre, maki-tsismis lang tayo at hanggang doon lang dapat! Uulitin ko. Huwag tayong manghusga! Away ng pamilya yan! Abangan nalang natin kung sino ang magwawagi sa away nila. Pero sa awayan, walang nananalo! Lahat yan talunan! So sa talunan nalang tayo mag-aabang! Yun na! 

No comments:

Post a Comment