SANTIGWAR ang latest film na tinatapos ngayon ni Direk Joven Tan under Horseshoe Studios na ire-release naman ng Reality Entertainment ngayong October 30 in cinemas nationwide. Interesting ang title ng movie na pinagbibidahan ni Alexa Ilacad na bale launching movie na rin nito.
What is Santigwar Direk?
" Manggagamot siya sa Bicol. Nilagyan namin ng horror element. Isa siyang salitang Bicol na ang ibig sabihin ay parang yung nagtatawas, yung ganoon. Parang espiritista. Sa Bicol ko unang narinig nung napunta ako doon. Sabi ko, parang maganda pakinggan. Yung kahit hindi mo alam ang meaning, kapag narinig mo, parang may dating siya. " bulalas pa ni Direk Joven Tan nang sadyain namin ang location shoot nito sa Bulacan.
Bago pa man nakilala si Direk Joven Tan bilang isang busiest film director ay umariba na rin siya sa mundo ng musika. Bilang isang composer at record producer. Bumulaga na rin sa music industry ang mga kantang pinasikat niya tulad ng Anong Nangyari Sa Ating Dalawa interpreted by Aiza Seguerra at ang Pare Mahal Mo Raw Ako naman ni Michael Pangilinan na parehong umariba sa patimpalak na Himig Handog. For the record ay halos nakaka-100 daang kanta na pala si Direk Joven. At sa kanyang pagiging aktibo ngayon sa paggawa ng pelikula ay iniintriga naman siya. Hindi raw kumikita ang mga pelikulang ginagawa niya? Narito po ang kanyang pahayag.
" Okey lang! Sino ba yung kumikita palagi yung pelikula? Tsambahan yan eh. Kumbaga kung merong tao, producer o direktor na alam ang formula, walang malulugi. Pero kung alam mo ang ang negosyo, na alam mo na dapat ganito lang ang puhunan, so, patuloy kang magkakaroon ng project. Hindi nila alam yung mathematics eh. Isipin mo nalang yung logic na, kung hindi kumikita, bakit siya gawa parin ng gawa? Bakit may nagpapagawa parin sa kanya? " aniya.
" Kasi transparent ako. Kumbaga, kapag sinabing ito ang budget, ito ang budget! Kapag sinabing iluto mo akong kare-kare, iluluto kitang Kare kare pero ito yung kare kare! Kung gusto mo namang espesyal yung kare kare na may mga toppings pa, maglalagay tayo ng additional budget. Ganoon lang siya eh! Kumbaga, ang point, gagawa tayo ng pelikula, alam naman natin ang takilya na tsambahan na hindi lahat Jowables na ganyan, diba? Yun ba may nag-expect na kikita? Tapos hindi pa ganoon ka-kilala ang ano, pero gladly kumita sila, diba? Kahit yung Kita Kita noon, diba? Hindi ka naman gumagawa ng pelikula para i-please yung mga taong may sinasabi sa iyo. Basta nagtatrabaho ako ng maayos, nasusunod ko yung kasunduan namin ng producer, nai-deliver ko ang dapat kong i-deliver kaya trabaho nalang ako ng trabaho. " mahabang tiktak pa ni Direk Joven.
Nasasaktan ba siya sa mga sinasabi ng iba sa kanyang trabaho?
" Noon! Pero sabi ko nga, kapag inintindi ko ang sinasabi ng iba, madi-diskaril ang diskarte ko. So keysa bigyan pansin sila, focus nalang ako sa trabaho na gusto ko at pagbutiha ko pa. " aniyang pagtatapos pa sa aming panayam.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment