Hindi namin maipinta ang tuwang nararamdaman ngayon ng guwapong Clique V member na si Gelo Alagban under the management of 316 Events And Talent Management. Dahil sa puntong ito ay nagbunga na nga ang kanyang pagpapakitang gilas bilang miyembro ng grupo. Baguhan man sa mundong kanyang tinatahak ay tila pasok na rin sa kanyang kokote na dapat tiyagaan lang ang labanan sa showbizlandia. Habang busy sa kanilang mga out of town shows ay naging bahagi rin ng Starstruck 2019 bilang Final 14 si Gelo. Hindi man pinalad manalo, naging maboka naman ang binata sa pagsasabing isang napakalaking achievement na para sa kanya ang mapabilang sa naturang nationwide talent search ng GMA Channel 7.
Kamakailan lang, mismong ang manager na nilang si Ms. Len Carillo ang nagbalita sa aming pumirma na nga sa bakuran ng Kapuso Network ng 5 years contract si Gelo Alagban kasama si Karl Aquino na kinakapatid nito sa Clique V na nakasabayan niya rin sa Starstruck 2019.
" Nung pumirma po ako ng kontrata sa GMA Artist Center, wala na pong mas hihigit pa sa ligaya na naramdaman ko Tito. Yung tipong dati, pangarap ko lang siya. Dati parang kathang-isip lang, parang ganoon na masayang-masaya po ako dahil nagbubunga napo yung mga pagsisikap ko sa mga auditions na nagtiyaga rin po ako tapos heto na po. " aniyang mensahe pa sa akin nang tsikahin ko sa messenger ang papasikat na artist ng 316 Events And Talent Management.
Gelo is only 18 years old at ipinanganak sa Iloilo City sa Visayas.
Anu-ano naman ang kanyang inaasahang mangyari sa kanyang showbiz career bilang miyembro ng Clique V at bilang pumirma na rin sa Kapuso?
" As of now po, hindi po talaga ako nagi-expect ng kung anuman po. Mas iniisip ko po yung ma-improve papo ang skills ko, yung ma-enhance ko pa po yung sarili ko, alam ko pong napakarami ko pa pong hindi alam na kailangan pag-aralan kopo at paghandaan na kapag isinalang napo nila ako ay makakaya kong makipag-sabayan na. Yung handang-handa na ako at walang masabi yung ibang tao sa akin. Am taking it slowly naman po. " aniyang muli.
Kadalasang nangyayari kapag nagkakaroon na ng kanya-kanyang karera ang miyembro sa isang grupo tulad ng Clique V ay nagkakaroon na ng inggitan. Kamusta naman ang suporta sa kanya ng kanyang mga kapatid sa Clique V?
" Wala naman po akong nararamdamang ganoon Tito. Wala naman akong naramdamang inggit na nanggagaling sa grupo namin. Sila pa nga po yung mas masaya dahil sa mga bagong hakbang namin na unti-unti naming nabubuong lahat. Masaya po kami Tito sa bawat success po ng bawat isa sa amin. Sinusuportahan po namin ang bawat isa. Mas masaya po kapag ganoon. Basta happy lang po kami para sa lahat. " aniyang pagtatapos pa!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment