HINDI MATATAWARAN ANG PAGIGING CLASSY AT ELEGANTE NI KIM CHIU

Saludo ako sa mga celebrities na marunong tumanaw ng utang na loob at tumutulong sa kanilang mga katrabaho sa industriyang ito. To tell you, iilan lang sila! Mga artistang kapag kawanggawa na ang pag-uusapan, ready sila to do their part. Sa katatapos lang na ABS-CBN Ball, isa sa sasaluduhan namin ay si Kim Chiu. Dahil sa isinuot niyang evening gown that night na naging kontrobersyal at nagkaroon ng maraming memes ay nakatulong siya sa young designers natin sa showbizlandia. Alam niyo ba yun? Hindi, diba? Well, kilala namin si Kim sa pagiging tahimik lang nito lalo na sa kanyang mga ginagawang pagtulong. Hindi niya naging ugali ang mag-broadcast ng kanyang pagkakawanggawa sa madlang pipol. Tahimikang ito. Kaya sa mga nanlait at pinaglaruan ang kanyang gown, sorry po ha, pakitanong po sa inyong mga sarili kung may nagawa napo kayong mabuti sa inyong kapwa. Whatever it is, natatawa nalang kami personally sa mga nilabas nilang kesyo gamit na at nanalo na sa isang beauty pageant ang naturang gown na sa naging pahayag naman ni Kim ay nilinaw niya naman ang history ng naturang gown and that's it! Sa larawang yan ay makikita natin ang pagiging consistent ni Kim bilang isa sa mga best dressed simula 2015 hanggang ngayon. Patunay lang ang na walang kapantay ang kanyang kagandahan. Kahit anong ipasuot mo sa kanya, basahan man yan o pranela, kusang lumalabas ang kanyang pagiging elegante na ilang beses na nitong pinatunayan! Every year, glamorosang-glamorosa si Kim at marami siyang kinakabog, it's a fact! Hindi niyo puwedeng kontrahin ang kanyang pagiging sopistikada at hindi mapapantayang kagandahan. Isa si Kim sa mga female celebs na kapag dinamitan mo na, tulala ka talaga dahil iba ang kaledad ng salitang bearing sa kanya, ilalampaso ka niya! Sa dinami-rami ng fashion designers na nakatrabaho niya dahil sa totoo lang ay kinukuha talaga siya at gustong-gusto siya ay sila mismo ang magsasabing nabibigyang buhay at panalo ni Kim ang bawat creations ng designers! Sorry! Hindi lang deserve ni Kim ang ma-memes kasi aminin nating talaga namang kumakabog siya at yun ang totoo! Okey?

No comments:

Post a Comment