LIZA SOBERANO HAPPY TO BE HOME
" So happy to be home " Litanya ng Kapamilya Star Liza Soberano sa kanyang instagram account. Yes. Finally ay nasa Pinas na ang sikat at magandang aktres pagkatapos ng ilang buwang pananatili sa ibang bansa ayon na rin sa operasyong ginawa sa kanyang daliri. She's finally back para tapusin ang ilan nitong nabinbing commitments at hindi para tapusin ang Darna! Joke lang! Naga-gandahang proyekto pala ang nakalaan kay Liza sa Kapamilya Network ayon pa sa aming nabalitaan kaya naman bilang fan ni Liza ay happy at excoited kami sa kanyang pagbabalik! Happy din kaming ibalita na much stronger ang relasyon nila ni Enrique Gil dahil full support naman talaga si Quen kay Liza mula Pinas hanggang Amerika! In fairness kay Liza, walang masamang tinapay sa sikat na aktres dahil nang mabalitaan niyang si Jane De Leon na ang gaganap bilang Darna ay naging vocal ito sa pagsasabing susuportahan niya ito at bukas siya sa anumang kailangang suporta ni Jane! Well, all is well para kena Liza at Enrique at mabuhay ang LIZQUEN!
JULIA BARETTO AT GERALD ANDERSON NA NGA BA?
Trending na ngayon ang pangalan ni Julia Baretto na siyang pinag-uusapan sa twitter, instagram at facebook na siyang diumano ang sinasabing 3rd party kung bakit naghiwalay daw sina Gerald Anderson at Bea Alonzo! Masasakit na salita ngayon lalo na sa twitter ang ibinabato kena Julia Baretto at Gerald Anderson na mukhang galit na galit sa kanilang dalawa ang buong mundo! Makahulugan ang binitiwang salita ni Bea sa kanyang instagram account ngayong gabi kung saan sinabayan pa nito ng black blank color ang kanyang pinost na para sa akin ang ibig sabihin ng black is death and tapos na! Marami ang nagsabing nag-ugat diumano ang lahat nang gawin nina Gerald at Julia ang pelikang Between Maybes sa isang liblib na lugar sa Japan. Sa puntong ito, kung totoo man ang lahat ay si Bea Alonzo parin ang Big Winner para sa amin! Kawawang Bea! Sa ganda mong yan Teh? Nag-message na rin ako kay Julia about this issue para naman mailathala din natin ang kanyang side about this issue na siya ngayon ang binabato!
BEA AT GERALD NAGHIWALAY DAW DAHIL SA 3RD PARTY
Wala pang kumpirmasyon mula sa kampo nina Gerald Anderson at Bea Alonzo kung hiwalay na sila o nagkakalabuan lang! Nabulabog ang showbizlandia nitong gabi lang, July 21, 2019 nang magpost si Bea Alonzo ng black blank color sa kanyang instagram account at may nakalitanyang nagsasabing " ginawa mo na minsan, at kung ginawa mo pa sa ikalawang pagkakataon, hindi na ito pagkakamali, it's a choice at tama na! " na mukhang patutsada na niya sa kanyang current boyfriend na si Gerald Anderson. Kaagad namang nagbigay ng kanyang simpatiya si Kris Aquino sabay sabing " i had to check on you. Thank you for replying. Im your Ate for life who will always love you and care about you. " mensahe pa ni Kris Aquino na pinasalamatan naman ni Bea Alonzo. Pero ang weird comment na nabasa namin sa thread ay ang isang komento ng fan saying " marz ito na nga nangyare na. Confirmed may namamagitan ( wow lalim ) kay Budoy at Julia B. On a roll ang Ate mo Bea ig stories puro hugot at naglalike pa pati post ng fan at comment " sez @mitchiechochangchai
Nakakalokaaaaaaa! Sinong Julia B kaya ito? Third party hiwalayan ba ito? Sino itong Julia B na sinasabing salarin? Naku! Naku! Naku! Kakalokaaaaa!
Nakakalokaaaaaaa! Sinong Julia B kaya ito? Third party hiwalayan ba ito? Sino itong Julia B na sinasabing salarin? Naku! Naku! Naku! Kakalokaaaaa!
KYLE LUCASAN, GELO ALAGBAN AT KARL AQUINO TULOY PARIN ANG SHOWBIZ CAREER
Kahit nagtapos na ang kanilang journey bilang hopefuls, naging top 14 at naging top 12 sa ongoing reality competition na StarStruck ng GMA Kapuso Channel ay tuloy na tuloy parin ang kanilang journey sa kani-kanilang career ang tatlong anak-anakan namin sa 316 Events And Talent Management ni Len Carillo. Ito ay sina Kyle Lucasan, Gelo Alagban at Karl Aquino na mga miyembro ng sikat ng grupo ng all male and female sing and dance group na Clique V at Belladonnas. Ayon sa aming tatlong alaga, napakalaking bagay na para sa kanila ang mabigyang-pansin sila sa naturang patimpalak ng GMA Network. Isang oportunidad diumano ito na hindi lahat ng nangangarap ay nabibigyang pansin at pagkakataon. Ayon naman sa 316 Events And Talent Management, patuloy ang pagpursige ng mga bagets sa kanilang pangarap. Hindi diumano nagtatapos ang kanilang paglalakbay kundi naniniwala ang 316 Events And Talent Management na mas maraming oportunidad pa ang dumating sa kanila. Naging positibo ang aming taong anak-anakan na ang pagkakapisil sa kanila sa naturang reality show, hindi man pinalad ay magbubukas ito ng mas magandang larawan para sa kanilang pangarap makilala sa mundo ng showbizlandia! Ratsada naman ang Clique V at Belladonnas ngayon sa kanilang out of town shows commitment!
BEA ALONZO AT GERALD ANDERSON NAGKAKALABUAN NA NGA BA?
" You can't make the same mistake twice. The second time you make it, its not a mistake anymore, it's a choice. "
Ito ang bumulaga sa instagram post ngayong gabi ng magaling na aktres na si Bea Alonzo. Kasabay ng litanyang ito ay ang black color blank sa kanyang wall. Nang basahin namin ang ang naging komento at damdamin ng netizens sa comments section ng kanyang instagram account ay mukhang nagkakalabuan ngayon sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ayon pa sa isang komento ng isang netizen, hayaan nalang daw ni Bea ang lahat at mas deserve nitong maging single siya keysa may nagbibigay ng sakit sa ulo sa kanya. Hindi na ako nabigla sa kaganapang ito kung ito man ang dahilan dahil sa showbiz naman ay jowa mo ngayon pagtalikod mo ay jinowa na rin pala ni ganoon! Ganoon talaga sa industriyang ito. Gamitan at pasa-pasa lang! Sabi nga nila, who can argue with LOVE! Well! Sana mali ang hula ko at reaksiyon ng sambayanan sa post na ito ni Bea Alonzo. Sayang naman!

BARBIE IMPERIAL GUSTONG MAKILALA BILANG VERSATILE ACTRESS
Isa si Barbie Imperial sa may pinakamagandang mukha sa loob ng showbiz. Sopistikada at palaban ang kanyang aura. Kumbaga sa pongkayan, marami kang puwedeng gawin sa kanyang mukha at bumubulaga! Kaya naman nung magkita kami sa Manila Domestic Terminal 4 patungong San Vicente, Palawan via SkyJet Air para sa inaugural flight nito ay walang kiyeme kong pinuri ang kagandahan ng aktres. Sa totoo lang, napaka-PR ni Barbie Imperial at madali mo siyang mahalin dahil napaka-totoong tao niya at mapagkumbaba. Habang nasa Club Agutaya, San Vicente, Palawan kami, nagkaroon kami ng pagkakataong tsikahin kahit sandali si Barbie. Masarap kausap ang dalaga na aminadong masaya na sa kanyang pribadong buhay. Unang bulalas sa tsikahan ay nagpahayag naman ng kanyang pagkagalak si Barbie ng malaman niyang si Jane De Leon na nga ang gaganap bilang Darna at Narda movie project ng Star Cinema. Pinuri pa nga ni Barbie ang kagandahan ni Jane sabay sabing bigyang chance si Jane dahil naniniwala naman daw si Barbie sa kakayahan ng baguhang Darna star! Nang banggitin namin kung sakaling mapunta ang role na Valentina sa kanya bilang kontrabida, agad namang bukad palad itong tinanggap ni Barbie at why not kapag ibinigay sa kanya. Hindi diumano biro ang papel na Valentina sa istorya ng buhay ni Darna kaya naman interesting ito para sa kanya. Inamin naman nitong may nagsabi sa kanya noong mag-audition for Darna role kaso lang hindi na nito itinuloy. In-fairness, kapag mabigyang-pansin si Barbie bilang Valentina, siya na ang pinakamagandang Valentina sa buhay ni Darna! Bagay na bagay kay Barbie ang Valentina role, sa totoo lang huh! Infer! Isang Iwant series naman ang kanyang ginawa with Elisse Joson na isang action movie naman! Mas gusto diumano niyang makilala bilang isang versatile actress sa kanyang henerasyon!
ARA MINA MASAYA NA SA KANYANG BUHAY BILANG ISANG INA AT BUSINESSWOMAN
Halos tatlong araw din namin nakasalamuha ang aming kaibigan at binansagang The Sex Goddess of Philippine Cinema na si Ara Mina o mas kilala namin bilang si Hazel Reyes. Mula sa imbitasyon ng kaibigang Dodj Mallari at SkyJet Air ay kasama naming lumipad patungong San Vicente, Palawan si Ara Mina. Halatang happy naman si Ara Mina sa kanyang private life at nakita naming nag-enjoy naman siya kasama namin sa Long Beach, San Vicente, Palawan. Sa aming pakikipagtsikahan sa kanya, may mga nagpaparamdam sa kanya pero kinumpirma nitong mas mahalaga sa kanya ngayon ang kanyang anak at ang pag-asikaso sa kanyang mga negosyo na ngayong July 31 ay maglulunsad na naman siya ng kanyang sariling signature cosmetic products. She's already 40 and marami pa rin daw siyang gustong gawin sa kanyang buhay. Sa larawang ito ay kitang-kita namang she has maintained her sexiness at body beautiful pa rin siya kasama na ang kanyang flawless skin huh! Well, happy life diumano ang kanyang sikreto at ang pagiging kuntento sa kung anumang meron siya ngayon. Isa si Ara Mina sa mga nakilala naming celebrities inside showbusiness na never nagbago sa kanyang pakikitungo sa entertainment media mula noon magpahanggang ngayon at saludo kami sa kanya bilang kaibigan! Kahit busy diumano siya sa kanyang private life at business ay sinisigurado diumano niyang nasa limelight pa rin siya at hinding-hindi mawawala.
SKYJET AIR NOW FLIES 4X A WEEK TO SAN VICENTE, PALAWAN
Umaga ng July 16, 2019 nang lumipad kami from Manila Terminal 4 lulan ng Sky Jet Air patungong San Vicente, Palawan. Isang chartered flight ito na kinabibilangan ng mga entertainment press, bloggers, vloggers at celebrities ayon na rin sa imbitasyon ng kaibigang Dodj Mallari at pamunuan ng Sky Jet Air kasama ang Department of Tourism MiMaRoPa. Inaugural flight ito ng Sky Jet Air sa San Vicente, Palawan na simula ngayon ay meron na silang 4 times a week direct flight mula Manila non-stop to San Vicente, Palawan. Pagdating namin sa napaka-cute na domestic airport ng San Vicente ay nasaksihan namin for the first time ang sinasabi nilang water salute. Nagkaroon ng simpleng programa sa loob ng airport at ribbon cutting kasabay ng aming lunch! Doon namin nakilala si Sir Patrick Tan, ang CEO ng Sky Jet Air na as of presstime ay magiging lima na ang kanilang unit mula sa dalawa lang! Hindi lang ang inaugural flight ng Sky Jet Air sa San Vicente ang aming nasaksihan kundi naranasan din namin ang isang napakagandang accomodation sa Club Agutaya sa San Vicente, Palawan. Nalasap namin ang masasarap na seafoods mula breakfast hanggang dinner nang dalhin kami sa Turublien Resort na nasa bandang dulo na ng Long Beach, San Vicente, Palawan. Nakita namin ang virginity ng San Vicente pagdating sa kanilang napakagandang Long Beach na pinong-pino ang buhangin at preskong hangin at napakasarap na daluyon sa karagatan! Isang libreng bakasyon na sa loob lamang ng tatlong araw ay napamahal na sa amin ang San Vicente dahil napaka-accomodating nila. Nais naming pasalamatan unang-una ang kaibigang Dodj Mallari, ang Sky Jet Air na mas maraming destinasyon pa sa Pinas soon at abroad ang kanilang liliparin, ang Club Agutaya na bonggang-bongga ang wifi, ang Department of Tourism MiMaRoPa especially kay Sir Domenic Cartas, Kay Sir Justine ng Sky Jet Air, ang buong San Vicente LGU, lalong-lalo na kay Sir Patrick Tan! Maraming, maraming salamat po sa oportunidad na ito! Hanggang sa muli pinakamamahal naming San Vicente, Palawan, your destination of choice! Kaya fly Sky Jet Air na! Visit the Long Beach sa San Vicente, Palawan, Philippines! Congratulations Sky Jet at Mabuhay ang Turismo ng Pilipinas!
HELLO, LOVE, GOODBYE NG KATHDEN BUONG MUNDO ANG NAKAABANG NA
Buong mundo na ang nakaabang sa showing ng pelikulang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Mukhang kikita ito sa takilya dahil unang-una ay first time magsama ng dalawa sa isang project. Pangalawa ay parehong malakas ang supporters ng dalawa worldwide. Pangatlo ay napakaganda ng istorya ng HLG. Pang-apat ay isang magaling na Direk Cathy Garcia-Molina ang nagmaneho nito. Panglima ay magagaling pareho sina Alden at Kathryn sa movie na umaani naman ngayon ng papuri mula sa netizens. Pang-anim ay pinagbuklod-buklod na kuwento ng pagiging isang OFW ang pelikula na 90% ng mga eksena nina Kathryn at Alden ay sa HongKong kinunan kung saan they stayed there with the whole production team ng almost 1 month! Naku! Gigil na rin akong panoorin ito. Promise! July 31 in cinemas nationwide! Mabuhay ang Star Cinema for always making as laugh and cry sa bawat proyekto nila!
TANONG NG NETIZENS, KELAN DAW MAGPAPAKASAL SINA ION AT VICE?
Ano pa bang kailangang patunayan nina Vice Ganda at Ion Perez sa larawang ito? Na ang pag-iibigang bakla at lalake ay tunay at wagas? Na ang pag-iibigang bakla at lalake ay wagas at walang sinumang makakahadlang? Na ang pag-iibigang bakla at lalake ay dapat ipaglaban? Well, sa larawang ito ay makikita mong both parties are okey and most of all ay happy sa togetherness. Meaning, panalo ang mindset at understanding between the two lovers in the wind! Maraming netizens ang natuwa sa aribang ito na naman ng mga taong tuwang-tuwa! Pero may mga nagsabing hanggang kelan ba sila magmamahalang dalawa? Hanggang kelan nila mapanindigang sila na nga forever? But the thing is, ganyan magmahal ang mga bakla. Lalo na't both camps showed their love and respect kaya waging-waging si Vice! Sabi nga nila, walang pakialamanan ng trip! Sabi naman ng mga etchoserang pala na destiny daw talaga ang pagmamahalang Ion at Vice! Naku! Tigil-tigilan niyo nga ako sa mga ka-charatan ninyo mga bakla! Basta love is love is love! Kayang-kaya namang suportahan ni Vice ang kanyang jowang si Ion dahil milyonarya naman siya, sabi niya, divaaaa? So why not! Mga inggitera lang kayong mga intrigera kayo! Hulaan natin! Maniniwala nalang akong trulaley na talaga ang love nila sa isa't isa kapag naglabas ng larawan si Ion or Vice na nagli-lips to lips sila! Yun ang pinaka-hinihintay ko! Mismong-mismo! Basta! Love wins! Diba!
JANE DE LEON MAY KARAPATANG MAGING BAGONG DARNA
May hawig si Jane De Leon kena Angel Locsin at Liza Soberano. Siya ang bagong gaganap bilang Darna sa kontrobersyal na pelikula ng Star Cinema after mag-back out ang naunang direktor nito at inayawan na ni Liza Soberano! Yes! May karapatan si Jane dahil fresh face at hindi pa ganoon ka-exposed sa ahowbizlandia. Tama lang ang naging desisyong ito ni Mr. Johnny Manahan. Dapat talaga morena beauty at bagong mukha at bagong mamahalin! Obcourse! Biglang kasikatan ito at malaking prebelihiyo para kay Jane De Leon na mukhang excited ng gawin ang naturang pelikula! Marami actually ang nag-react nang i-announce ng Star Cinema na isang Jane De Leon ang napili nila. But in this business, lalong-lalo na ang Kapamilya Network ay napaka-expiremental nila and everybody deserves a break! Nagkataon lang na para talaga kay Jane De Leon ang role at sadyang nakatakda talaga para sa kanya dahil sa dinami-rami ng nagkukumahog maging bagong Darna ay napagwagian niya ito! Bongga! Hindi pa namin alam kung kelan ang start ng shooting ng movie! Hayaan niyo at malalaman din natin! Kahit ako ay excited na rin! Yun na!
THE PANTI SISTERS NINA PAOLO BALLESTEROS, CHRISTIAN BABLES AT MARTIN DEL ROSARIO PINALAKPAKAN!
Kakaiba ang karisma ng pelikulang " The Panti Sisters " ni Direk Jun Robles Lana na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Martin Del Rosario at Christian Bables. Sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019 Grand Media Launch ay pinalakpakan ang nasabing movie ng Black Sheep. Winner na naman sa palagay namin ang Gay Sisterhood movie na ito ngayong taon. Sa trailer palang ng nasabing pelikula ay mukhang ito ang magta-top grosser ngayong September sa mga sinehan nationwide! In The Panti Sisters, Martin, Christian and Paolo play three gay brothers brought together by their dying father only to find themselves in a difficult situation when their father asks each of them for a grandchild in exchange for an extravagant inheritance. The three must set aside their differences and realize the true meaning of family in this comedy about acceptance, respect and loving your own skin no matter what color of Panties you wear. The film is also made in collaboration with ALV Films and Stars John Arcilla, Rosanna Roces, Carmi Martin and Roxanne Barcelo.
Naku! Panalong-panalo nga ang pelikulang ito dahil hindi lang ito nakakatawa, napakaganda pa ng tatakbuhing istorya nito! Aliw kami sa totoo lang! Jun Robles Lana brings three of the most beautiful faces to the big screen together sa pelikulang ito! Promise yan!

SUE RAMIREZ POKPOK SA CUDDLE WEATHER NG REGAL FILMS
" Pokpok ako dito. This is the most fearless role that i've taken on. " says Sue Ramirez in the upcoming movie Cuddle Weather na pinalad mapasama ngayong taon bilang ofticial entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino ng FDCP! Nag-trending nga ang nilabas na poster at teaser ng pelikula nina Sue Ramirez at RK Bagatsing sa socmed kung saan nagpakita ang dalawa ng intriguing poster na napaka-daring naman ng kanilang posisyon! Huwag na tayong maloka pa dahil the movie tackles a sensitive topic but which is also exists in the community. Parehong nasa prostitution industry ang role ng dalawang bida sa movie.
But despite the seriousness of the film's subject, it falls under the romantic-comedy genre.
" It's a different side of me. It's something that iam afraid of, but kinagat ko and kapag nandun kana, you're gonna have that urge to do well at it. Kasi kapag may tinanggap akong mga bagay sa buhay ko, gusto ko fight ako talaga. " paglalahad pa ng palabang Sue Ramirez sa pelikulang ito.
Nang tanungin naman ang sikat na aktres kung hanggang saan ang kaya niyang ipakita sa mga future films niya...
" As far as they need me, and as far as Star Magic will allow me. " aniyang walang kiyemeng sagot.
" Cuddle Weather " is the first collaboration of Regal Entertainment Incorporated and Project 8 San Joaquin mula sa direksyon ng hugot writer na si Rod Marmol.

FDCP PISTA NG PELIKULANG PILIPINO FINALLY LAUNCHES 7 FEATURE FILMS, 3 SANDAAN FILMS AND 9 SINE KABATAAN FILMS 2019!
Get ready for this year's biggest film festival in the country. Ten films have completed the slate for the Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 as announced by the Film Development Council of the Philippines during the PPP 2019 Grand Media Launch today, July 11 at Sequoia Hotel, Quezon City. Lahat ng 10 PPP feature entries ay magkakaroon ng Philippine Premiere simula September 13 to 19 in all theaters nationwide composed of 7 PPP feature films and 3 PPP Sandaan Showcase in line with the 100 Years of Philippine Cinema. Abangan na ang pelikulang " Cuddle Weather " nina Sue Ramirez at RK Bagatsing sa direksyon ni Rod Marmol. Nandiyan din ang pelikulang " LSS " nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa direksyon ni Jade Castro. " The Panti Sisters " nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin Del Rosario mula sa direksyon ni Jun Robles Lana. Ang pelikulang " G! " ni Dondon Santos na pinagbinidahan nina Macoy De Leon at Jameson Blake. Ang pelikulang " I'm Ellenya L " na pinagbibidahan nina Inigo Pascual at Maris Racal. Ang " Open " ni Andoy Ranay na pinagbibidahan nina RC Munoz at JC Santos. Ang " Watch Me Kill " naman ni Jean Garcia mula sa direksyon ni Tyrone Ancierto. Kasama ang pelikukang " Circa " nina Anita Linda at Gina Alajar sa direksyon ni Adolfo Alix. Ang " Lola Igna " nina Yves Flores at Meryl Soriano sa direksyon ni Eduardo Roy at ang " Pagbalik " nina Gloria Sevilla, Suzette Ranillo mula naman sa direksyon ni Hubert Tibi and Maria Ranillo!
Narito rin ang listahan ng mga pelikulang kasama sa Sine Kabataan 2019 sa ikatlong taon. Nandiyan ang pelikulang " Pinggu, Puwede Na " nina Elle Ubas at Johanna Valdez, " Magna " nina Geoffrey Solidom, Alexis Siscar at Stanley Barroga. " Kalakaro " ni Rodson Verr Suarez, ang " Chok " nina Richard Jeroui Salvadico at Arlie Sweet Sumagaysay. Ang " Baon " ni Czareena Rozhiel Malasig, ang " Tinay " nina Andre Jacques Tigno and Angelo Fernando, ang " Atchoy " ni Regin De Guzman, ang " Kanlungan " ni Leslie Ann Ramirez at ang " Toto, Tawag Ka Ng Ate Mo " ni Mary Franz Salazar.
The PPP 2019 Grand Launch is presented by FDCP in partnership with the Cinema Exhibitors Association of the Philippines ( CEAP ) and sponsored by CMB Films Services. Other sponsors include Fire and Ice Productions. ThinkBIT Solutions and Sequoia Hotel with Media partners Inquirer.net, InqPOP! and Solar Entertainment!

WCOPA TEAM PHILIPPINES..BUKAS NA ANG ALIS PAPUNTANG HOLLYWOOD, CALIFORNIA
Bukas na ang alis patungong Hollywood, California, araw ng Miyerkules, July 10 ng halod isang daang participants ngayong taon para sa WCOPA Team Philippines. Sa katatapos lang nitong Blue Jacket Ceremony kahapon na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura ay naging emosyonal ang lahat nang isa-isang tanggapin ng mga participants ang kanilang blue jacket, backpack at plane tickets patungo sa pagtupad ng kanilang pangarap.
" Sobrang touching ang Blue Jacket Ceremony na ito which is ginagawa namin talaga every year bago kami lilipad ng buong delegasyon to compete. We want them feel loved and importante sila dahil ang tataas ng pangarap ng mga ito. We always tell them, every year, iba-ibang delegasyon na never stop dreaming and fulfilling their dreams! We open doors for them and it's up for them to continue and push whatever they want to do para makuha nila ang mga pangarap nila." Paglalahad pa ni Tita Annie Mercado ng GM Proponents.
" We want them to have confidence! And at the same time, were not only building talents but characters. We make it sure that after the competition, we have inculcate into them the values of himility, perserverance and gratitude! " aniyang paglalahad pa sa amin.
Nagmula sa iba't ibang bayan sa Pilipinas ang mga talentong sasabak ngayong taon para sa WCOPA. Ayon pa kay Tita Annie, sinuyod nila ang buong bansa mula sa ibat ibang rehiyon para lang makakuha ng mga talentong hindi mahalaga ang hitsura ng mga ito kundi ang talentong taglay nila at galing!
" Una naming hinanap sa kanila ang talent. Every year yan. Obcourse yung character. Pangatlo nalang ang looks. So talent, character and looks. Yan ang pangunahing hinahanap namin every year and nakita niyo naman ang nangyayari every year, lagi tayong may naiuuwing medals and awards and hindi kami hihinto dahil for the past 2 decades already, nagkaroon na ang WCOPA ng mga produktong sikat na ngayon. Si Jed, produkto ng WCOPA! Marami pa! And were so proud and thankful sa aming mga sponsors na hindi rin sila nagsasawang sumuporta sa amin every year! " paglalahad pa ni Tita Annie Mercado.
Umaasa diumano ang WCOPA Team Philippines na this year ay sisiguraduhin nilang makukuha nila ang kampyonato!

JOHN LLOYD CRUZ MAYAMAN PA RIN!
Ano nga bang gustong patunayan ni John Lloyd Cruz sa pagkakaroon ng imaheng estranghero? Reaksiyon at tanong yan ng ilang tagahanga niya ayon na rin sa paglabasan ng kanyang latest pic na mukhang tinatamad mag-ahit at magpagupit. Sabi pa ng isang manlalait ng aktor na wala na raw bang pera si Lloydie pambili ng pang-ahit at pampa-gupit? Mukhang dugyot na raw ang sikat na aktor simulang mas piliin nitong manahimik ang tutukan ang pamilyang binuo nila ni Ellen Adarna sa Cebu!
Well, mali kayong lahat sa inyong akala dahil kahit ganyan ang hitsura ni Lloydie ay napaka-bango pa rin niya at lalong naging yummy huh! Ang akala niyo ay wala siyang pera? Naku, hindi totoo yan dahil kahit hindi na magtrabaho ang aktor ay limpak-limpak na ang kanyang pera at maraming naipundar sa buhay. Sa kalalait ninyo ay ayan tuloy, mas maraming blessings ngayon ang dumarating sa aktor at nandiyan na naman ang endorsement niya noh! Kung makapanghusga naman kasi kayo! Sabi nga nila, wala namang ginawang kabalbalan sa showbiz si Lloydie lalo pa't napakagaling niyang aktor noh! Kaloka! Basta! Anupaman yan, mahal na mahal namin si JLC!

NEIL ARCE AT ANGEL LOCSIN PANG-FOREVER NA!
Isa kami sa natuwa nang makita namin ang socmed post ni Angel Locsin na engaged na sila ng kanyang dating kaibigan at jowa na ngayong si Neil Arce! Finally ay masasabi naming magiging happy na naman this time ang lovelife ni Angel. Happy kami because isa lang si Angel Locsin sa mga artistang mahal na mahal namin kahit hindi kami close. Heard a lot of good things and good deeds about her at bilang tao at katrabaho sa industriyang ito ay appreciated much ang mga ganoong bagay. Kaya huwag na tayong magtaka kung bakit nagtatagal siya sa showbiz industry! Patuloy namang umaariba sa ratings kahit papano ang kanyang teleseryeng The Generals Daughter sa Kapamilya Primetime ng ABS-CBN Channel 2. Wala kaming ibang hangad at wish this time kundi sana ay natagpuan na ni Angel ang totoong pag-ibig na panghabang-buhay!
KYLE LUCASAN MULING LALABAN SA STARSTRUCK WILDCARD!
She's finally back bilang second chance holder ng Starstruck Season 7! Ito ang masayang announcement na ginawa ng host na si Jenelyn Mercado last Sunday sa Starstruck na ikinaiyak pa ng isang Judge na si Cherie Gil. Yes. Isa si Kyle Lucasan na lalaban for the second time around. Siya ang kauna-unahang female contender na tinanggal nung first week ng show kung saan maraming netizens ang nag-react kung bakit siya natanggal sa kabila ng pagiging competitive nito. At ngayon, handang-handa na si Kyle upang lumaban muli para masungkit ang isang spot na iiwanan ng matatanggal ng dalawang nasa Final 14 this Sunday! Kahit kami ay naniniwalang deserving siyang manatili sa Top 14 dahil iba ang karisma ni Kyle para sa amin. Kapag tiningnan mo kasi siya, hindi man siya ganoon ka-tangkad ay artistahin talaga siya at talented pa. Total package na nga siya para sa amin kaya nanindigan kaming dapat lang na pasok na pasok siya! Hindi magiging madali ang pagdadaanang artista challenge this time ni Kyle o Quin ng Belladonnas ng 316 Events And Talent Management. Pero kilala namin ang dalagang palaban at binibigay ang kanyang best sa kanyang ginagawa. We're hoping for the best para sa aming alaga under the management of Ma'am Len Carillo! Goodluck Kyle and We Love You!
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...