SKYJET AIR NOW FLIES 4X A WEEK TO SAN VICENTE, PALAWAN
Umaga ng July 16, 2019 nang lumipad kami from Manila Terminal 4 lulan ng Sky Jet Air patungong San Vicente, Palawan. Isang chartered flight ito na kinabibilangan ng mga entertainment press, bloggers, vloggers at celebrities ayon na rin sa imbitasyon ng kaibigang Dodj Mallari at pamunuan ng Sky Jet Air kasama ang Department of Tourism MiMaRoPa. Inaugural flight ito ng Sky Jet Air sa San Vicente, Palawan na simula ngayon ay meron na silang 4 times a week direct flight mula Manila non-stop to San Vicente, Palawan. Pagdating namin sa napaka-cute na domestic airport ng San Vicente ay nasaksihan namin for the first time ang sinasabi nilang water salute. Nagkaroon ng simpleng programa sa loob ng airport at ribbon cutting kasabay ng aming lunch! Doon namin nakilala si Sir Patrick Tan, ang CEO ng Sky Jet Air na as of presstime ay magiging lima na ang kanilang unit mula sa dalawa lang! Hindi lang ang inaugural flight ng Sky Jet Air sa San Vicente ang aming nasaksihan kundi naranasan din namin ang isang napakagandang accomodation sa Club Agutaya sa San Vicente, Palawan. Nalasap namin ang masasarap na seafoods mula breakfast hanggang dinner nang dalhin kami sa Turublien Resort na nasa bandang dulo na ng Long Beach, San Vicente, Palawan. Nakita namin ang virginity ng San Vicente pagdating sa kanilang napakagandang Long Beach na pinong-pino ang buhangin at preskong hangin at napakasarap na daluyon sa karagatan! Isang libreng bakasyon na sa loob lamang ng tatlong araw ay napamahal na sa amin ang San Vicente dahil napaka-accomodating nila. Nais naming pasalamatan unang-una ang kaibigang Dodj Mallari, ang Sky Jet Air na mas maraming destinasyon pa sa Pinas soon at abroad ang kanilang liliparin, ang Club Agutaya na bonggang-bongga ang wifi, ang Department of Tourism MiMaRoPa especially kay Sir Domenic Cartas, Kay Sir Justine ng Sky Jet Air, ang buong San Vicente LGU, lalong-lalo na kay Sir Patrick Tan! Maraming, maraming salamat po sa oportunidad na ito! Hanggang sa muli pinakamamahal naming San Vicente, Palawan, your destination of choice! Kaya fly Sky Jet Air na! Visit the Long Beach sa San Vicente, Palawan, Philippines! Congratulations Sky Jet at Mabuhay ang Turismo ng Pilipinas!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment