Bukas na ang alis patungong Hollywood, California, araw ng Miyerkules, July 10 ng halod isang daang participants ngayong taon para sa WCOPA Team Philippines. Sa katatapos lang nitong Blue Jacket Ceremony kahapon na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura ay naging emosyonal ang lahat nang isa-isang tanggapin ng mga participants ang kanilang blue jacket, backpack at plane tickets patungo sa pagtupad ng kanilang pangarap.
" Sobrang touching ang Blue Jacket Ceremony na ito which is ginagawa namin talaga every year bago kami lilipad ng buong delegasyon to compete. We want them feel loved and importante sila dahil ang tataas ng pangarap ng mga ito. We always tell them, every year, iba-ibang delegasyon na never stop dreaming and fulfilling their dreams! We open doors for them and it's up for them to continue and push whatever they want to do para makuha nila ang mga pangarap nila." Paglalahad pa ni Tita Annie Mercado ng GM Proponents.
" We want them to have confidence! And at the same time, were not only building talents but characters. We make it sure that after the competition, we have inculcate into them the values of himility, perserverance and gratitude! " aniyang paglalahad pa sa amin.
Nagmula sa iba't ibang bayan sa Pilipinas ang mga talentong sasabak ngayong taon para sa WCOPA. Ayon pa kay Tita Annie, sinuyod nila ang buong bansa mula sa ibat ibang rehiyon para lang makakuha ng mga talentong hindi mahalaga ang hitsura ng mga ito kundi ang talentong taglay nila at galing!
" Una naming hinanap sa kanila ang talent. Every year yan. Obcourse yung character. Pangatlo nalang ang looks. So talent, character and looks. Yan ang pangunahing hinahanap namin every year and nakita niyo naman ang nangyayari every year, lagi tayong may naiuuwing medals and awards and hindi kami hihinto dahil for the past 2 decades already, nagkaroon na ang WCOPA ng mga produktong sikat na ngayon. Si Jed, produkto ng WCOPA! Marami pa! And were so proud and thankful sa aming mga sponsors na hindi rin sila nagsasawang sumuporta sa amin every year! " paglalahad pa ni Tita Annie Mercado.
Umaasa diumano ang WCOPA Team Philippines na this year ay sisiguraduhin nilang makukuha nila ang kampyonato!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment