SETH FEDELIN...KOTSE ANG REGALO SA AMA!

Nitong araw ng Sunday, June 23, 2019 ay tuluyan na ngang nakuha ni Seth Fedelin ang kanyang kauna-unahang sasakyan. 
Ang ikinaluha namin ay nang malaman naming sorpresang regalo pala ito ni Seth sa kanyang Tatay. Kung ating matatandaan, naudlot noon ang pagkakaroon ng sariling sasakyan ng kanyang Ama dahil nagkasakit ito at na-ospital kaya naman pinagsikapan ni Seth na magkaroon ng katuparan ang pangarap ng kanyang pinakamamahal na Ama. 
" Regalo yan ni Seth sa kanyang Tatay. At the same time, hanggat hindi pa siya nakakabili ng kanyang sariling sasakyan ay yan muna ang magiging sasakyan niya sa mga work niya. " kuwento pa sa akin ni Mark Coleta.
Napag-alaman naming isang mamahaling cellphone din ang niregalo ni Seth sa kanyang kapatid na si Sofie kaya naman apaw-apaw ang saya sa puso ni Seth lalo na kaming isa na rin sa mga nakapaligid sa kanya.
Pinagsikapan talaga ni Seth ang mga regalong ito sa kanyang Ama at Kapatid. Inuna pa ni Seth ang magiging kaligayahan ng kanyang Ama at Kapatid bago ang kanyang pang-sarili! Nakakatuwa! More blessings to come sa batang ito! Nakaka-proud ka Nak Seth Fedelin ganoon din ang iyong Primetime Events And Talent Management! Kaya naman suportahan natin si Seth sa kanyang patuloy na paglakbay sa mundo ng showbiz! 

1 comment:

  1. Go seth. !!! More blessings to come... wag magbago.. we love you seth God bless

    ReplyDelete