MELIZZA JIMENEZ...BEAUTY AND BRAIN!

Hindi lahat nabibigyan o nabibiyayaan ng oportunidad sa showbizlandia. Bihira o iilan lang da mga kumakatok ang napagbubuksan ng pinto para pumasok. Mahigpit ang kumpetisyon saang larangan man ang iyong papasukin. Kaya sabi namin kay Melizza Jimenez who's just 18 years old, masuwerte siya dahil as of presstime ay unti-unti na rin nitong naaabot ang kanyang pangarap. Yes. Siya po ay kabilang sa Star Circle Batch 2019 na kamakailan lang ay inilunsad ng Kapamilya Star Magic. Bago pa man ang lahat ay dumaan sa kung anu-anong workshops si Melizza. 
" I can say that lahat naman kami ay may kanya-kanyang taglay na uniqueness or qualities. Am not saying that i have it all but i can act and sing and i can write songs. " bulalas pa sa amin ng maganda at seksing aabangan natin for stardome!
Yes. Dalawang kanta na sinulat ni Melizza ang ipinarinig sa amin mismo ng kanyang Daddy na dating modelo. Napa-wow kami huh! Sabi ko nga, ang linis ng kanyang boses at tunog foreigner. Ang sarap sa tenga ng kanyang boses sabay biro namin sa kanyang kailangan hawakan na siya ng Star Music at hindi dapat pakawalan dahil promise, ang galing niya!
Aside from that ay lumabas na rin sa big screen si Melizza kung saan gumanap na siya noon bilang nakababatang kapatid ni Kathryn Bernardo sa pelikulang Barcelona. Naisabak na rin sa isang episode ng Wansapanataym, Maalaala Mo Kaya at sa FPJ Ang Probinsyano. 
" I love what iam doing now. It's a dream come true kasi gusto kopo talagang makapagpasaya ng tao. That's why am trying my best sa acting career ko and at the same time yung love ko sa music. " aniya pa sa aming intimate tsikahan with Melizza.
Ano naman ang masasabi niya sa loveteam? Okey ba sa kanya?
" I want po. Pero the management knows whats best for me o sa mga artist nila and sila napo nakakaalam. Bast ako, am.willing to do my best as a talent and hoping for the best po ako. Happy lang po. " aniyang muli.
Hindi lang po basta isinalpak sa showbiz si Melizza huh! Nakitaan din kasi siya ng potensiyal kaya ayan, gow girl! You can make it! Actually, she's not just talented, napaka-witty pa ni Melizza kung saan nakita namin sa kanya ang dati naming ala-alagang si Heart Evangelista! 

No comments:

Post a Comment