DIREK NIEL DE MESA NG PELIKULANG KONTRADIKSYON MAGANDA ANG LAYUNIN SA PELIKULA
Ipapalabas na ng Bell Films ang KontrAdiksyon ni Niel De Mesa na pinagbibidahan nila Jake Cuenca, Kris Bernal, Katrina Halili, Ritz Azul, Paolo Paraiso, Arnold Reyes, Elizabeth Oropeza, Odette Khan, Jojo Alejar, Lou Veloso, Jong Cuenco at marami pang iba. Napaka-kontrobersyal naman nang kuwento nitong KontrAdiksyon. Parang double meaning ang ang title ng movie na maaring ang ibig sabihin nito ay kontra sa adiksyon o kontradiksyon. Si Alexis Borlaza ( Jake Cuenca) ay isang aktibistang naging PDEA agent pero vigilante sa gabi na nakipagtulungan kay Jessica Puyat ( Kris Bernal ) na isang drug pusher at adik. Hitik na hitil sa mga special appearances din ang iba pang sikat na artista sa pelikula na ikatutuwa ng masa bukod pa yan sa mga eksenang ma-aksyon, ma-drama at iiyak ka. Sexy ang dating ng mga Kapamilya at Kapusong artista na sina Jake Cuenca, Kris Bernal, Ritz Azul at Katrina Halili sa trailer palang. Lalo pang naging mas kapana-panabik nang inendorso pa ng mismong Pangulo ang pelikula. Gayunpaman, lahat ng opinyon patungkol sa kanpamya kontra-droga ng pamahalaan ay nilalahad sa pelikula pati ng mga ayaw rito. Hinahayaan nito na pumili ang madla kung anong katuwiran ang mas matimbang. Isa pang kakaiba sa pelikula ay ang wala itong malinaw na bida o kontrabida. Parang sa totoong buhay na ang bawat tao ay may sariling opinyon na magkakasalungat at doon nagmumula ang problema sa pagkakaiba ng paniniwala. Pero sa dulo nilalayon ng pelikula na magkaisa ang lahat at magkaroon ng kapayapaan sa ating bayan. Palabas na sa June 26, 2019 sa lahat ng sinehan sa buong bansa ang KontrAdiksyon. Tiyak na kagigiliwan ng maraming Pilipinong nahumaling sa " Ang Probinsyano " itong pelikula dahil ang KontrAdiksyon rin ay magpapakita ng mga napapanahong isyu na pinag-aawayan sa social media. Ayon sa Palanca Award winning Writer-Director na si Niel De Mesa, layon niya sa pelikula na buksan ang puso at pang-unawa ng bawat Pilipino para hindi na magbangayan at bagkus ay magtulungan para mabigyang solusyon ang problema ng droga sa ating bansa. Sana maging daan ang pelikula para ang mga mag-asawa o magkakaibigang nag-aaway tungkol sa isyu ay magkabati na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment