BIDANG AKTOR NG PELIKULANG KONTRADIKSYON, NAGSALITA PATUNGKOL SA DRUG ADDICTION SA ATING BANSA!
Very refreshing ang tema ng pelikulang KontrAdisyon ni Niel De Mesa. Isang pelikulang tatalakay sa isang lipunang talamak sa droga. Isang napapanahong pelikula ayon pa sa direktor nito na sinang-ayunan din ng apat na bidang aktor nito tulad na lamang ni Katrina Halili. Naging maboka si Katrina na sa isyu ng droga sa lipunan ay dapat lamang itong sugpuin at bigyang pansin at hindi ipagsawalang bahala. Ayon sa sikat na Kapuso Actress, matigas man at sensitibo ang usapin ng bayan patungkol sa drugs, nanindigan itong nakasuporta pa rin siya sa pamamahala ng ating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon naman kay Jake Cuenca na aminadong hindi botante, bilang mamamayang Pilipino, dapat lamang daw na sundin natin ang batas ng ating bansa at sundin ang isinusulong ng Presidente. Ayon naman kay Ritz Azul, malala na talaga ang ating bansa pagdating sa droga pero deretsahang sinabi nitong kailangan itong sugpuin dahil kawawa naman daw ang mga inosenteng mamamayang nagiging biktima nito. Sa kanilang apat ay bukod-tanging si Kris Bernal lamang ang walang kiyemeng nagsabing nasa gitna lamang siya ng sitwasyon at hindi kailangang mamili kung kanino papanid dahil naintindihan daw nito ang mga biktima ng drogang kumakapit sa patalim para lang mabuhay sa isang lipunan. Aniya, balanse lang dapat ang tema sa pagsugpo ng droga sa isang lipunang salat sa kahirapan. In fairness, maganda talaga ang tema ng pelikulang ito ng Bell Films. Kino-konsiderang isa sa pinaka-malaking pelikula ngayong taon ang KontrAdiksyon kung saan naglalakihang aktor natin sa showbiz industry, in fairness, ang mga bida rito. Aside from the four lead actors ng movie, magpapakitang gilas din sa pelikula sina Arnold Reyes, Paolo Paraiso, Elizabeth Oropeza at Odette Khan. Para lang may ideya tayo sa tatakbuhing kuwento ng pelikula, si Jake Cuenca bilang si Alexis Borlaza sa pelikula ay isang staunch huuman rights activist who ends up becoming an undercover drug enforcement agent--but is actually a vigilante killer by night. Trying to figure out a murder while eradicating the drug problem on his own, he then enlists the help of Jessica Puyat played by Kris Bernal na isa namang call center agent at single Mom na isang drug pusher. Together they form a bond that is both poignant and shocking--pushing the theme of contradictions further. Hindi naman kaya may pinapaburan ang pelikulang ito? Sa tao ba o sa gobyerno? Naku! Sasagutin yan ng pelikulang ito kaya sabay-sabay nating panoorin sa June 26 na in cinemas nationwide handog sa atin ng Bell Films!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment