ARJO, JOROSS AT KETCHUP PAG-AAGAWAN SI JESSY MENDIOLA

Sa pinakaunang pagkakataon ay sasabak sa comedy movie ang Reality Entertainment via TOL. Patatawanin ka nina Arjo Atayde, Joross Gamboa at Ketchup Eusebio sa kanilang mga kalokohan mula naman sa direksiyon ni Miko Livelo na siyang gumawa ng mga pelikulang Unli Life at I Love You To Death. Istorya ito nina Lando, Dimitri at Arthur na simula pagkabata ay solid na sa kanilang sinumpaang pangako na walang iwanan kahit na ano pa mang pagkakataon ang sumnubok sa kanilang pagkakaibigan. Ngunit ito ay nagbago nang bumalik ang kanailang childhood crush na si Elena na ginagampanan naman ni Jessy Mendiola. Dito na magsimulang magtagisan ng diskarte ang tatlo para subukang mapasagot ang kanilang first love. May the best TOL wins nga ba o friends forever pa din ang mangyayari? Gagampanan ni Arjo ang karakter ni Lando ang certified Mama's Boy ng grupo na dadaanin sa dimples ang charm. Si Joross naman bilang si Dimitri ay hindi mauubusan ng tricks dahil likas sa kanya ang pagiging magikero. Samantalang si Ketchup bilang si Arthur na kahit maliit pero hindi na-short sa kaniyang mga pakulo sa panliligaw. Riot sa katatawanan ang movie kaya sugod na tayo sa mga sinehan sa buong Pinas simula January 30! Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino!

GELLI AT ARIEL TOGETHER SA " ANG SIKRETO NG PISO "

Ang Sikreto ng Piso” (The Secret of the Philippine Peso) is a family-oriented comedy inspired by actual events on the smuggle of the Philippine peso coin in 2006.

Ronnie (Ariel Rivera) has to make sacrifices to save up for the future of his wife (Gelli De Belen) and only daughter.  He is forced to accept an odd job that promises higher income--one that requires him to gather as much one-peso coins has he could. It is only a matter of time when he discovers why these coins are being smuggled abroad.  What secrets do these coins hold? Kasamang bida sa pelikula sina Bea Binene, Angelica Ulip, Nico Nicolas, Lou Veloso, Long Mejia, Ricky Rivero, Beverly Salviejo, Wacky Kiray, Ernie Garcia, Raphael Robes, Amberlicious and Joyce Penas Pilarsky na siya ring executive producer ng movie. Ito ay mula naman sa direksiyon ni Perry Escano handog sa atin ng MPJ Entertainment Productions at JPP Dreamworld Productions. Showing napo ngayong January 30 ang pelikula nationwide! This is Ariel at Gelli's comeback movie together after nilang magsama noon sa pelikulang Ikaw Pala Ang Mahal Ko 22 years ago!

ARIEL AT GELLI...BIBIDA SA PELIKULANG ANG SIKRETO NG PISO

Nakakatawa ang pelikulang ito! Yes! Back na back ang real-life couple Ariel Rivera at Gelli De Belen sa big screen via #AngSikretoNgPiso after 22 years pagkatapos nilang magsama sa pelikulang #IkawPalaAngMahalKo noong 1997. Isang family oriented movie ito mula sa direksiyon ni Perry Escano under MPJ Entertainment Productions and JPP Dreamworld Productions. Showing na ngayong January 30 sa buong Pilipinas ang movie! Kasama rin sa cast sina Bea Binene, Angelica Ulip, Nico Nicolas, Lou Veloso, Long Mejia, Ricky Rivero, Beverly Salviejo, Wacky Kiray, Ernie Garcia, Raphael Robes, Amberlicious and Joyce Penas Pilarsky na mismong executive producer ng pelikula!

FDCP FILM AMBASSADORS NIGHT 2019

The Film Development Council of the Philippines (FDCP) will kick off the year by hosting the fourth FDCP Film Ambassadors’ Night on February 10, 2019 at the Samsung Hall at SM Aura Premier in Bonifacio Global City. This annual event is an evening of celebrating the victories of Filipino films, filmmakers, producers, and artists who received accolades and recognition from international film festivals last 2018.

FDCP will recognize eighty-five (85) who brought honor to the country by championing Filipino culture and stories through cinema. Among them are filmmakers who received awards from A-list film festivals, which include Shireen Seno (Nervous Translation), Treb Monteras II (Respeto), and Brillante Mendoza (Alpha, The Right to Kill).

THIS IS ME...BACK TO BACK CONCERT NG CLIQUE V AT BELLADONNAS NGAYONG FEBRUARY 23 NA!

Makikanta with Clique5’s latest single “Sana Naman” soon on FB and Youtube...
Official Lyric Video composed by Marlon Silva, produced by 3:16 Events and Talent Management Company. Sa dinami-rami ng pinagdaanang kontrobersiya last year ng mga bagets ay hindi ito naging hadlang upang magpatuloy sila sa kanilang pangarap. Buong-buo pa rin ang grupong Clique V at ngayong February 23, 2019 ay isang anniversary concert ang kanilang pasabog back to back with Belladonnas na may titulong THIS IS ME! Produced ito ng 316 Events And Talent Management Company ni Ma'am Len Carillo. Patunay lang na buo pa rin ang loob ng parehong grupo na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Ang magbigay ng magagandang awitin at pagsayaw sa magandang tugtugin. Mabuhay ang Clique V at Belladonnas! Kitakits po tayo ngayong February 23 sa SM North Skydome! Goodluck mga Anakshies!

WILBERT TOLENTINO LAUNCHED THE EVOLUTION OF ENTERTAINMENT INDUSTRY!

Wilbert launched the evolution of entertainment industry
Successful businessman and Mr. Gay World-Philippines 2009 Wilbert Tolentino launched the evolution of entertainment bars which is highlighted by the one-of-a-kind 24 production numbers he conceptualized… perfect for the millennials!
These fabulous performances are definitely world-class and are featured in THE ONE 690 (located at #39 Roces Ave. in Quezon City, infront of Amoranto Sports Complex) .
Since 1972, Club 690’s entertainment definitely showcases quality diversion and recreation.
Already in business since the Martial Law and when curfew hours were strictly imposed, when women were not yet allowed to enter the club.
Founded by Boy Fernandez and managed by Raoul Barbosa, the entertainment club closed temporarily until Wilbert opened it again with co-owner/ manager Genesis Gallios.
The two partners also are the brains behind the concept of the evolution of their shows.
According to Wilbert…
“At ang trivia, since 2004 binigyan ako ng basbas na ipagpatuloy ang 690 ni Boy Fernandez dahil nakita niya ang passion ko sa entertainment industry… and the rest is history!”
As time passed by, women started to patronize the entertainment bar and other clubs with similar theme.
At present, the club is definitely no longer "for gays only"; people of all gender, people from all walks of life patronize the bar without any hesitation, whatsoever.
The awesome Las Vegas-type production numbers and amazing costumes are praised and enjoyed by everyone.
The club features Las Vegas-type shows and numbers that are comparable to Broadway (in New York) and Moulin Rouge (in Paris). 
Of course, the hunky and good-looking male models are still the main attractions of the club.
“The entertainment bar business has definitely evolved and is in tune with the modern times,” says Wilbert.
And the good news; Wilbert is gearing up to put more establishments that will  cater to the general public and will surely add glitter to the  field of entertainment this 2019.
From underground to mainstream, as a new millennium begins, the gay bar industry is indeed becoming more open and welcoming to the public, as  more and more guests come to visit THE ONE 690 and  Apollo World Class Male Entertainment & KTV Bar (in 717-B Roxas Boulevard) in Baclaran.
.
“We levelled-up The ONE 690 with our regular Girls Night Out which is trending among female millennials. We also have many bookings of bridal shower parties!
“Open-minded na ang society ngayon compared noong 70’s 80’s & 90’s na henerasyon. Kaya ginat namin ang tagline na “IT’S QUALITY MEN ENTERTAINMENT”.
Wilbert further added...
"’Old school gay bar' no more!"
THE ONE 690 is dubbed as “THE CLUB THAT STARTED IT ALL” of the Philippines and the very first gay entertainment bar to have a billboard in EDSA and highways.
This is also one of the reasons why the management of Wilbert & Genesis decided to put up APOLLO WORLD CLASS MALE ENTERTAINMENT & KTV BAR.
Bolder. Wiser. Sexier.
These are probably the adjectives to best describe THE ONE 690 ENTERTAINMENT BAR.
Visit their website at www.690manila.com

***
Inilunsad ng   matagumpay na negosyante at Mr. Gay World Philippines 2009 na si Wilbert Tolentino  ang evolution ng entertainment bar. Kakaiba ang  24 production number na inihanda  na swak  sa mga millennial.
Level up na ang mga masasaksihang palabas sa The One 690  na matatagpuan sa  39 Roces Ave., Quezon City infront of Amoranto Sports Complex.
Iba na ang kalidad na mapapanood ngayon  sa apat na dekada ng The One  690.
Nagsimula ito noong 1972. Naabutan pa ang martial law  na kung saan ay may curfew . Bawal pa pumasok ang mga babae noon. Itinayo  ang Club 690 ni Boy Fernandez at pinamahalaan  ni  Raoul Barbosa. Pansamantala itong nagsara  hanggang muling binuksan ni  Sir Wilbert katuwang   ang co-owner manager na si  Mami Genesis  Gallios. Tinawag na itong The One 690. Sila rin ang nagkonsepto ng  ebolusyon ng show.
“Since 2004 binigyan ako ng basbas na  ipagpatuloy ang 690 ni Boy Fernandez sa akin dahil nakita nya ang passion ko sa entertainment industry & the rest is history,” paglalahad ni Sir Wilbert.
Sa pagdaan ng panahon babae na ang nagsusulputan sa ganitong klaseng entertainment bar. Hindi na solo  ng mga kabadingan.Puwede na  sa lahat ng gender.Hindi na kailangang magdalawang isip pa ang mga babae para pumasok.
So , The One 690 ang  ang unang magsi-set ng high standard caliber ang entertainment sa henerasyon ngayon.
Inihain nila ang makabagong production number na pasado sa panlasa ng mga kababaihan at sangkabekihan. Mas fabulous., amazing ang show na pasabog ang costume. Nandiyan ang Las Vegas-type shows,  Broadway sa New York at Moulin Rouge sa Paris. Pang-world class talaga.
Of course, hindi pa rin nawawala ang mga seksi at guwapong modelo sa kanilang katakam-takam na performance.
“ ‘Yung  24 production  number ay  teaser pa lang . Inimbitahan ang mga committee , press, bloggers para makapanood at makapagbigay ng pointers, score at survey para sa unang pasabog ng THE ONE 690 step up 2019 & LEVEL UP Millennials production show. Ang One 690 ay  tinatawag  na “THE CLUB THAT STARTED IT ALL ng Pilipinas . Siya rin  ang kauna-unahang gay bar entertainment bar na may billboard sa EDSA at sa mga highway,” bulalas pa ni Sir Will.
“Ni-level up namin  ang The  One 690 dahil girls night out na ang trending sa millennials.Maraming ganap na rin gaya ng bridal shower party.
“Open minded na ang society ngayon compare sa 70’s 80’s & 90’s na henerasyon Sumasabay na ang entertainment bar sa makabagong panahon,” sambit pa niya.
Nagpasalamat din siya  sa mga taong naniniwala sa kakayahan nila ni  Genesis sa entertainment industry at  sa suporta nakukuha nila sa mga parokyano.
 Bolder. Wiser. Sexier kung isasalarawan ang  THE ONE 690 ENTERTAINMENT BAR. May tagline  din ito na IT’S QUALITY MEN ENTERTAINMENT . Bisitahin ang kanilang  website na www.690manila.com
Bukod  dito, nag-decide sina Wilbert at Genesis na magtayo pa rin ng  bagong entertainment bar  na  APOLLO WORLD CLASS MALE ENTERTAINMENT & KTV BAR. Matatagpuan naman  ito sa  717-B Roxas Boulevard,  Paranaque City (malapit sa Baclaran). Gaya sa The One 690 mapapanood din dito ang mga pasabog na production show.
"’Old school gay bar' no more!," pagtatapos ni Sir Wilbert.

CINCO AT UNO NGAYONG MAY 12 NA!

This is just a dream 10 months ago and now they’re going to celebrate their first year anniversary. 

They have guested 8 concerts, more than 30 out of town shows and 5 shows in Japan. This promising boyband group is now ready to conquer their own concert. 

An all new performances that you’ve never seen before. Plus a lot of surprise guests. 

CINCO AT UNO on May 12, 2019 at SM Skydome North Edsa! Complete details will be posted soon!

DANIEL AT KATHRYN...BALIK JAPAN NGAYONG GABI!

Balik Japan ang KathNiel ngayong gabi, January 12, 2019! Yes! Pagkatapos mag-celebrate doon ng pasko sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama ang kanilang buong pamilya ay balik Land of the Rising Sun naman ang dalawa. Ito ay may kinalaman sa kanilang tungkulin bilang kasalukuyang Japan's Tourism Ambassadors. Mananatili ang pinakasikat na loveteam sa Japan ng halos isang linggo to fulfill their respective duties doon. Nakakatuwa that after LizQuen ay KathNiel naman ang napili ng Japanese Government at napakasuwerte nila huh! Ayon sa aking kausap, hindi biro ang tawaging Tourism Ambassadors dahil napapaloob diumano rito ang dapat ay pagmamahal sa trabaho at responsibilidad hindi lang sa Japan kundi lalo na sa ating bansa. Pagdating naman ni Daniel ay maaring magsimula na ang isang sitcom na last year pa namin nabalitaan kung saan niya makakasama sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. What a wow 2019 para sa KathNiel! 

JOSH...BALIK CLIQUE V!

Isa ako sa pinaka-masaya nang mabalitaan kong babalik sa grupong Clique V ang original member nitong si Josh. Hindi ko na kailangang banggitin ang naging dahilan ng kanyang pagkawala ng ilang buwan sa grupo. Maliit na problemang kapata-patawad naman dahil sesentro ka pa rin sa pag-uugali ng binata na isang mabait at masunurin. Bitbit ni Josh ang kanyang magulang nang sadyain nila ang 316 Events & Talent Management upang pakiusapan ang kanyang management na ibalik ito sa grupo. Madaling kausap si Len Carillo kaya naman naging madali ang pagbalik ng binata sa Clique V. Ikinatuwa naman ito ng mga kasamahan niya at ratsada na ngayon ang 7 members ng Clique V kasama ang 6 members ng Belladonnas para sa kanilang nalalapit na big concert sa SM North-SkyDome ngayong February 23! Maaring umpisahan na rin this month ang gagawin nilang Indie Film na ipo-produce mismo ng 316 Events & Talent Management. Nasa digital world na rin ang 2nd single ng Belladonnas titled Sa Una Pa Lang kasabay ng kanilang ginawang music video. Napapanood ang Belladonnas sa Kapamilya show na Banana Sundae! 

CLIQUE V AT BELLADONNAS....PATULOY ANG PAGKINANG!

Pagkatapos mag-celebrate ng grupong Clique V at Belladonnas ng Christmas at New Year ay kaagad silang rumatsada nitong January 1, 2019 sa Bayanan Fiesta sa Muntinlupa City. Naniniwala ang manager nilang si Maam Len Carillo na owner at manager ng 316 Events & Talent Management na suwerte ang nagtatrabaho sa unang araw ng taon. Nakatakda na ring gawin ang isang indie movie ng Clique V at Belladonnas ngayong buwan ng Enero pero wala pang nilalabas na saktong petsa ang 316. Maaring unahin muna ng talent management ng grupo ang nalalapit nilang big concert ngayong taon na gaganapin sa Skydome ngayong February 23, 2019. Ayon sa Clique V at Belladonnas, masaya sila dahil hindi sila nawawalan ng trabaho sa kanilang management na talagang inaalagaan sila sa lahat. Nitong araw lang ay nailunsad naman ang official music video ng grupong Belladonnas sa digital world na may titulong ' Sa Una Pa Lang ' bilang 2nd single nila. Napapanood na rin regularly sa Banana Sundae ng Kapamilya Network ang Belladonnas! May mga pinagdaanan mang problema sa talents ang management nila ay matibay pa ring nakatayo ang dalawang grupo at patuloy ang kanilang pagkinang sa mundo ng showbiz industry!