PANINIRA RAW NI DIREK TOTO NATIVIDAD KAY COCO MARTIN...KALAT NA!

Sabi ko na! May taong gumalaw kamakailan lang para sa isang demolition job against Coco Martin at sa top-rating show nitong FPJ's Ang Probinsyano. Walang usok kung walang apoy sabi nga nila. Isang demolisyong hindi nagwagi dahil alam nating hindi maganda ang hangarin kundi paninira sa aktor. Yes. Name names na nga ika nga nila. Sino ba ang umalis na direktor sa serye? Hindi ba si Direk Toto Natividad lang and the rest ay masaya pa ring nasa show at happy set lang sila? Nagtatanong po ako mismo kung totoo bang sinisiraan ni Direk Toto Natividad si Coco Martin ayon na rin sa mga naglabasang espekulasyon?
" Wala siyang utang na loob. Sa totoo lang ay wala siyang pangalan until Ang Probinsyano got him at yan pa ang isusukli niya? Take note, ikinampanya siya ni Coco, yan ba ang may integridad na sukli? Kapag tamad at pabaya ang direktor at hindi swak sa propesyonalismo ni Coco na isa rin namang direktor the fact na si Coco naman talaga ang think thank and main brain ng Ang Probinsyano, aba, teka, siguro naman ay may karapatan siyang pumalag! Diba? Come to think of it. Bakit nasa serye pa rin si Malu Sevilla and others? " bulalas pa ng kausap naming nakakaalam sa paninirang isyu na ito ni Toto Natividad.
" Hindi lang bidang aktor si Coco Martin ng Ang Probinsyano, siya rin po ang main think thank (Creative) at direktor ng show. Aba naman, natural lang na hindi uubra ang tamad. Natural lang na magkakaroon ng disagreements sa execution ng story at mounting ng eksena. Pero kung tamad ka, mabagal, mapagiiwan ka bilang co-director. Trabaho lang ito, nakatrabaho mo e perfectionist, hindi pwedeng pucho pucho lang kay Coco. Kung di ka makasabay, quit! Kaya, mabuti na din at nag resign na si Toto Natividad sa show. Baka nga sa GMA shows siya bagay. Huwag na nating pagusapan ang utang na loob niya kay Coco, kasi hindi rin naman niya ito kikilalanin. kahit iisa-isahin namin." Dagdag pa ng aming nakausap! 
Nakakaloka talaga noh! Hay! 

No comments:

Post a Comment