JOAO AT SUE....MAG-ON NA NGA BA?

Sila na nga ba? Mag-on na nga ba sina Boyband Joao at Sue Ramirez? Magkasintahan na ba sila? O nanliligaw palang si Joao kay Sue? O maaring nasa stage of knowing each other palang ang dalawa? Well! Just today dated November 30, 2018 nang palabas ako mula sa isang tindahan ng damit sa loob ng isang mall ay kitang-kita ko ang dalawang celebrity na magkasama. Parang may hinahanap na tindahan inside the mall si Sue na nung makita ako ay deadma pero alam kong namumukhaan niya rin ako. Si Joao naman ay parang nakilala ako na isang entertainment columnist dahil ilang beses ko na rin kasi siyang nakaharap sa mga presscon. Wala akong ibang masabi kundi bagay sila! Parehong guwapo at maganda noh! Go na go ako sa kanilang dalawa kung anuman ang estado nila ngayon! Sa isip ko lang, mukhang sila na nga. Kasi silang dalawa lang naman talaga ang nakita kong magkasama at wala namang mga alipores sa gilid-gilid nila! Whatever it is, nanliligaw man si Joao kay Sue, why not! May karapatan ang bawat isa sa ating magmahal noh! Sa aking nakita, hindi kopo kinukumpirmang sila na. Maaring oo o hindi! Si Sue ay napapanood sa teleseryeng Ang Probinsyano at si Joao naman ay napapanood sa seryeng Ngayon At Kailanman! 

No comments:

Post a Comment