We saw him first appeared sa teleseryeng The Good Son ng Dreamscape na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Jerome Ponce at Nash Aguas kung saan ginampanan ni Kyle Velino ang role ng isang kaibigan ni Jerome Ponce sa naturang serye that ended months ago. First impression namin sa kanya, mukhang suplado. Pero nung ipinakilala siya sa akin personally ng kaibigang Avel Bacudio, he's not suplado kundi napakabait bilang newcomer sa showbiz industry. Unang napansin ko kay Kyle Velino physically ay ang kanyang boses. Lalaking-lalake na dinagdagan pa ng kanyang napaka-perfect na hugis ng ilong, ang kanyang nangungusap na mga mata at ang kanyang mapupulang labi!
" Actually po, yan po palagi nilang napapansin sa akin, ang mata at labi ko. Asset ko napo yan Tito Doms! " unang sambit pa sa akin ng 18 years old na binata. When it comes to height, well, hindi rin pahuhuli si Kyle. Mukhang blessed physically ang baguhang aktor dahil wala ka talagang maipipintas sa kanya. Pero paano nga ba nagbukas ang mundo ng showbiz sa kanya?
" I was studying then. Bale last year po. Bale 2nd year college napo ako taking-up Export Management. Since wala naman akong ginagawa that time, kasi marami napo talaga sa mga kaibigan ko ang nagsabi sa akin na subukan kong pasukin ang showbiz. First, medyo nag-isip po ako. Hanggang sa mag-workshop napo ako sa Star Magic because of Tito Avel Bacudio. Pero before that po, nag-audition na rin po ako that time for PBB, ang sabi stand-by ako para ako ang ipapalit kung sakali na merong mag-back-out! Hindi napo ako nakapasok doon kasi wala namang nag-back-out. Hanggang sa yun nga po, pumirma na ako sa Star Magic after several meetings. Ang suwerte ko nga po eh dahil hindi naman po lahat ay nabibigyan ng ganitong chance. Hanggang sa nagkaroon napo akong first tvc! Yun yung kasama kopo sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo for ABS-CBN Mobile! Ang happy ko po that time! Na-starstruck ako sa KathNiel!" masayang kuwento pa ni Kyle sa akin.
Papano nga ba siya napasok that time sa The Good Son kung saan napansin kahit papano ang kanyang ability sa pag-arte?
" Actually po, nag-audition po ako! Napili po ako bilang bestfriend ni Kuya Jerome Ponce sa TGS. While doing TGS po, pumasok rin po yung isang project ko na Ipaglaban Mo! Tapos right now ay taping napo ako with Donny Pangilinan for PlayHouse series under GMO Unit po! " bulalas pa nitong kuwento sa akin.
Hindi nakapagtataka kung sa ngayon palang ay sunod-sunod nang proyekto ni Kyle Velino. Nasa puso na nito ang showbiz the fact na sa ngayon palang ay nagi-enjoy na siya at niyayakap na nito ang industriya ng pelikula at telebisyon!
Pero balita namin ay showbiz crush pala ng binata si Kisses Delavin? How true?
" Hahahaha! Crush lang naman Tito Doms. I mean, i admire her. She's not just so pretty, she's intelligent and mabait siya! Normal lang naman na mapapansin mo talaga siya. Hanggang doon lang naman. Crush lang! " agad naman nitong depensa sa akin.
Sabi nga nila sa showbiz, willing ba siyang hintayin ang kanyang moment to shine?
" Yes po! Slowly but nasa direction. Am willing to wait naman po. Kaya po siguro ako ganito ka-pursige now dahil gusto ko po talagang may marating po ako. I'll try my best. Hoping for the best po! " aniya pa sa aking panayam.
Sa aking pakikipag-usap kay Kyle Velino, bigla lang akong nalungkot with what i have heard about his family lalong-lalo na ang kanyang pinagdaanan sa buhay since 3 months old palang siya. Pang-MMK ang naging buhay ni Kyle at maiiyak ka! Ayaw ko lang muna ikuwento because it was not a fair game for Kyle. Mabuti nalang, napakabait ng Diyos sa kanya! That's why, ibinigay sa kanya ang mabubuting tao kaya lumaki siyang mabait, makatao, makapamilya at maka-Diyos!
Bilang baguhang aktor sa kanyang henerasyon, samahan lang ng dasal, tiyaga at pagmamahal ang mundong ginagalawan niya ngayon, sigurado akong sisikat ang bagets na ito! Goodluck Kyle!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment