MY PERFECT YOU...SHOWING NA BUKAS IN CINEMAS NATIONWIDE!

Gusto ko kung papano in-execute ni Direk Cathy Garcia-Molina ang pelikulang My Perfect You! Sa trailer palang ng pelikula ay ramdam ko na ang substance ng movie. It's very light and impressive because the story itself, naku, maaaliw ka sa bawat karakter nina Burn at Abi played by Gerald Anderson and Pia Wurtzbach. Although, during the shoot, according to Direk Cathy ay napakarami nilang pinagdaanan but the ending, super satisfied ang lahat because Gerald and Pia delivered kung anuman ang hinihingi ng kanilang karakter! Sa nakita naming trailer, wow, nagpasilip ng kanyang puwet si Gerald na according naman kay Pia ayon narin sa trailer ay napaka-puti ng puwet ni guwapo! Pia's character is so bagay sa kanya. She can act truly. Pia's great in this film at wala sa ayos niya sa pelikula ang pagiging Miss Universe niya. Well, this is a Cathy Garcia movie kaya aangal kapa ba? Ayokong magkuwento about the film. Basta ako, aminado akong this movie will make it sa box-office. Tonight pala mangyayari ang red carpet preem ng movie sa ABS-CBN Dolphy Theatre! Bongga! Kikita ang pelikulang ito! Beautiful ang movie! That's a promise!

BUGOY CARINO...AMA NA?

A month ago nang lumabas ang tsikang may isang miyembro diumano ng bagong batch ng Showtime's Hashtags ang nakabuntis sa diumano'y isang volleyball player. Pinag-usapan ito kaya naman nag-ala-Madame Auring kami mahulaan lang sana kung sinong Hashtag ito at kung sinong volleyball player ito! Tumamlay ang naturang isyu dahil wala namang nagkumpirma nito. Hanggang sa nitong nakaraang araw lang ay isang larawan naman ang lumabas sa social media partikular sa facebook nina Bugoy at EJ Laurente---ang diumano'y babaeng nabuntis ni Bugoy! Nung kalalabas lang ng naturang isyu ay tandang-tanda ko pa ang textback sa akin ng ina ni Bugoy na nagsasabing hindi totoong nakabuntis ang kanyang anak at nirespeto namin ito. So anong totoo sa lahat nang ito after lumabas ang larawang pinag-uusapan? Personal kong opinyon, eh ano naman ngayon kung totoo mang nakabuntis si Bugoy? Eh ano naman ngayon kung ama na siya? Eh ano naman ngayon kung magkaka-baby na sila? Walang masama. Sinasabi kong walang masama dahil nagmahalan sila at pag-ibig ang nagbuklod sa kanilang dalawa kaya siguro magkakaanak na sila! Diba? Kakaloka! Isyu ba yan? Mawindang kayo kung ang bakang babae ay manganganak ng aso! Dun kayo mawindang at gawing isyu dahil kababalaghan yun! Kakaloka kayo! Tantanan niyo nga si Bugoy! Diba naman!

CLIQUE V...KASADO NA ANG NATIONWIDE TOUR!

Pagkatapos ng kanilang first major concert na ginanap sa Music Museum last February 27 ay besing-besi naman ngayon ang Clique V promoting their digital and physical debut album independently na mada-download sa Youtube, Spotify at Amazon at mabibili naman sa lahat ng Astroplus at Astrovision Music stores. Hindi pa man nagaganap ang kanilang first major concert ay planado na pala ang gagawing Clique V Nationwide Tour ng mga bagets. In fairness naman kasi, yung production value ng kanilang concert recently ay hindi naman matatawaran at nagpakitang gilas naman talaga ang 7 miyembro ng Clique V na sina Marco, Clay, Sean, Karl, Josh, Tim at Rocky. Sing and dance ang mga bagets kaya saklaw nila ang kislap ng entablado kapag pinakawalan mo na sila. Nakakabilib din ang pag-aalagang ginagawa ng 316 Events & Talent Management headed by Len Carillo and Kathy Obispo. Pansin namin ang mamahaling damit ng mga bagets during their concert mula ulo hanggang paa! Sa totoo lang, bago pa ang concert nila, kahit sa mga guestings nila sa radyo, telebisyon at ilang commitments, pansin kaagad ang pagdadamit nila kasabay pa ng kanilang naga-gandahang performances huh! Nothing to say but keep up the good work guys! Like what i told you, kaya niyong pataobin ang BoyBandPH noh! Congrats guys!

ANG PROBINSYANO...INAABANGAN NA ANG BOOK 3!

Talagang pinatunayan ng fans and followers ni Coco Martin ang kanilang matibay na pagsuporta sa Hari ng Primetime dahil sa halos dalawang taon ay hindi sila bumitiw sa teleseryeng Ang Probinsyano ng Dreamscape. Mula Luzon, Visayas at Mindanao ay pinatunayan ng seryeng ito ang kanilang pagiging number one sa ratings. Kasalukuyang tumatakbo sa local boobtube ang book 2 ng teleserye. Napakarami nang nangyari sa seryeng ito at napakaraming karakter na rin ang binuhay at pinatay pero sa totoo lang ay dito nagi-enjoy ang televiewers dahil sinaklaw ng naturang teleserye ang iba't ibang buhay at klase ng tao sa mundo partikular sa bawat karakter na ipinakita rito. Dreamscape truly handled everything dahil sa patuloy na kuwento ng serye ay napagtatagpi-tagpi mo parin ang mga karakter and everything. Marami ang natanong sa akin kung aabutin pa raw ng 2019 ang serye ni Coco. I answered them na hindi ko alam ang mga mangyayari sa teleserye ayon na rin sa paglalim lalo ng kuwento nito. Pero halatang mid of this month ay mukhang bubuksan na ang book 3 ng Ang Probinsyano na currently ay sa  Baguio City naman ang location nito ayon narin sa pagpasok ng mga karakter nina Dawn Zulueta, Edu Manzano, Rowell Santiago at Alice Dixon. Naku! Lalo tuloy akong na-excite dahil fan ako ng apat na bagong karakter sa serye na parehong beterano at magagaling na mga aktor! Patuloy na suportahan ang lalong nakakapanabik na eksena sa seryeng ito mula lunes hanggang biyernes sa Kapamilya Primetime Bida right after TV Patrol!

KC CONCEPCION...HAPPY LANG SA BUHAY!

For the past weeks ay naging maugong ang balitang hiwalay na sina Aly Borromeo at Kc Concepcion. Mapagmasid ang buong mundo ng social media at nakaabang sa buhay ng sikat na aktres. Konting kibot ay laglagan kaagad sa balita at paunahan sa istorya. Masaya sa showbiz, hindi ba? Well, kapag hindi ka sanay, you'll get affected. Pero kung lumaki kana sa mundong ito, alam mo na kung paano laruin ang isang sitwasyon lalo na kapag ikaw mismo ang involve sa isang isyu. Sa lahat ng naglabasang balita about the two lovers, just recently, sa isang tv interview kay KC, she admitted na kanya-kanyang buhay muna sila ngayon ni Aly. Sinabi ng magandang aktres na malaki ang respeto nilang dalawa sa isa't isa sa kung anumang mapag-desisyunan nila. Kailangan lang diumano yata nila ng space sa ngayon and that's it! Sa maikli at malamang sagot ni KC, maaring mabigyan na naman ng conclusion na hiwalay na nga sila! Pero sa palagay ko, personally, maaring hindi sila hiwalay, puwedeng cool-off muna sila because KC humbly said na nag-uusap naman silang dalawa ni Aly. Whatever it is, i salute KC dahil napakabuting tao niya talaga. The way she delivered her statement sa naturang short interview, napaka-edukadang tao at alam mong she has nothing to lose and taking things easy lang ang peg niya! Kaya mahal na mahal namin yan dahil napaka-sincere niyang tao just like her Mommy Mega and Daddy Gabo! Actually, hindi na kailangang magpaka-busy ni KC sa showbiz dahil she has everything in this world!

ALBERT MARTINEZ...RATSADA SA NAGLALAKIHANG TV PROJECTS!

Ibang klase ang kasipagan ng beteranong aktor na si Albert Martinez. Ratsada ito sa telebisyon. Hindi nawawalan ng proyekto. Mula sa mga teleseryeng Ang Probinsyano, La Luna Sangre at The Good Son ay kasalukuyan namang nasa supporting role sa pinag-uusapang Bagani teleserye ng LizQuen bilang Ama ni Enrique Gil. That's good in this business. Patunay lang na kapag magaling kang aktor, masipag at mahal mo ang iyong trabaho bilang isang artista, hinding-hindi ka talaga mawawalan ng trabaho and the network itself ay nakikita nila yun kaya favorite siya! Actually, bagay naman sila ni Enrique bilang mag-Tatay sa teleserye. Wala ka naman talagang maipintas sa beteranong aktor because he has proven a lot already pagdating sa kanyang craft. Multi-awarded actor and never mong naringgan ng negative issues that's why fully-booked siya palagi! Huwag na siyang kainggitan. Better do your own thing and prove that you're trustworthy actor also. Huwag na intrigahin dahil pakahusay niya naman talaga! Napapanood ang Bagani mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Primetime Bida!

JOSHUA GARCIA...NAGBAGO NA NGA BA?

For the past months ay hindi lang isa o dalawang tao ang nakapagsabing there's something wrong na with Joshua Garcia's attitude. Not that super bad thing naman kundi mga simpleng naging obserbasyon ng ilang tao sa sikat na aktor. Ayon sa unang nakausap ko, super feelingero na raw ang aktor. Feeling untouchable na raw ito. Feeling big na raw. Yung isang nakausap ko naman ay nagsalitang ibang klase na raw kung umasta ang binata at may konting hibang o palbot narin daw sa pananalita at gawa! May eksena pa raw itong ginawa sa Magandang Buhay na si Karla Estrada ang nagtatanong yata raw sa kanya pero sumagot siya at kay Melai tumitingin, parang ganoon daw ang eksena. Sinagot ko pa nga ang dalawang ito na tumiktak sa akin na mukhang hindi naman ganoon si Joshua dahil since nag-uumpisa palang yan ay kilala kona siya bilang isang napakasayahing tao at mabait. Sumagot pa nga akong baka naman hindi niyo lang talaga kilala si Joshua personally kaya naman ganoon nalang ang tingin ninyo sa kanya! Deadma nalang ako sa mga paunang tiktak sa akin hanggang sa lately ay may nagsabi na talaga sa akin na ibang-iba na ang ugali ng binata kumpara noong nag-uumpisa palang siya at maraming mali sa ikinikilos niya. Sabi naman nung pang-apat na kausap ko ay baka dahil naman sa in-love na in-love lang siya ngayon kaya naman nami-mis-interpret lang ang gestures ni Joshua! Well, there's nothing wrong sa pagmamahal. Kahit sinuman ay maaring magmahal ng wagas na kung yun man ang dahilan ng pagbabagong nakikita natin ngayon kay Joshua ay hayaan nating ma-experience niya yun na kapag hindi niya nakita ang kabilang epekto nito sa kanyang buhay kapag lumabis-labis ay wala siyang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili. Sariling akin lang, maaring ganoon nga ang nangyayari. But always remember Joshua that big dreams of yours kaya ka nandito ngayon sa showbiz! Magmahal ka, explore life to have everything in this world but never forget those who trusted you from day one till now! Kaya mong gawin lahat ng sabay-sabay pero look at your back kung sinu-sino ang nandiyan and give them the importance of your presence dear! Marami na kasi ang nakakarating sa akin personally Anak and don't let this salitang " Pakialam " ng maraming tao because it only means that napakarami ang nakatutok at nagmamahal sa iyo kaya binabantayan nilang lahat ang ginagawa mo. Am not telling you to give them the authority kundi lingon lang konti baka may nakakalimutan ka! Ang lagi ko namang sinasabi sa iyo noon ay stay humble. Ikaw pa rin naman ang Joshua Garcia na nakilala ko, it's just that, may nakakalimutan lang tayo at natural lang yan dahil tao lang din tayo! We love you Nak! Napakarami naming nagmamahal at sumusuporta sa iyo! Take things easy and do what's good and what you deserve! 

JEROME PONCE...PALABAN SA PAG-ARTE!

Hindi kami ganoon ka-close ni Jerome Ponce. But honestly, gusto ko ang pag-uugali niya dahil nakilala ko na siya nung nag-uumpisa palang siyang artista. I personally told him na he'll make it to the top. And now, i should say na isa na rin siya sa pinaka-magaling na aktor sa kanyang henerasyon. Bago pa man pumaimbulog ang kanyang kasikatan ay nag-umpisa lamang sa maliliit na roles si Jerome and now, see what's happening sa kanyang karera? He's doing good and great sa kanyang current teleseryeng The Good Son bilang supporting actor kay Joshua Garcia. Simulang mag-umpisa ang naturang serye ng Dreamscape, Jerome always nailed it! Sa lahat ng mga eksena niya ay kitang-kita ang pagiging mahusay niya bilang isang aktor. Allow me to say this " Pakahusay " niya talaga at sa ilang eksena nilang tapatan ni Joshua Garcia sa serye, most of it, pinapataob niya si Joshua huh! Hindi ko talaga alam kung saan at kung anong pinaghuhugutan nitong si Jerome. Ang mahirap lang diyan, what if after this serye ay hindi nasundan o nabigyan ng magandang role ulit ang binata? Anong mangyayari? Well, Kapamilya is Kapamilya. Kilala ko na rin kasi ang network pagdating sa kanilang talents. Once nakita nilang mahal mo ang iyong trabaho bilang artista at hindi ka sakit sa ulo ng management, wait kalang dahil ikaw na bilang artista ang susuko sa biyayang ipagkakaloob sa iyo! Ikaw na ang susuko! Hahaha! Well, sigurado akong Jerome Ponce will make it more pa to the top! Stay humble lang sa business na ito at huwag lumaki ang ulo! Watch The Good Son from Mondays to Fridays sa Kapamilya Primetime Bida!

DARNA NI LIZA...TULOY NA TULOY!

Naging usap-usapan nitong nakaraang araw lang ang diumano'y pagkaka-shelved ng pelikulang " Darna " na pagbibidahan ni Liza Soberano under Star Cinema. Naisulat na rin ito sa ilang tabloids and isang broadsheet. Maaring ikaka-dismaya ito ng fans and followers ni Liza around the world dahil hindi na tuluyang mailulunsad sa kanyang kauna-unahang solo film ang sikat na female star ng Kapamilya Network. Personally, nalungkot ako nung marinig ko ang balita because fan ako ni Liza Soberano at hindi ko ikinukubli yun! But just today, sa isang screenshot shot posted by Mico Del Rosario--Advertising & Promotions Head ng Star Creatives and Star Cinema ay pinatunayan nitong hindi totoo ang nasulat na balita about Darna movie. Hindi raw totoong shelved ang naturang movie ni Liza kundi nakapag-umpisang mag-shooting na nga raw ang movie. Mico simply answered na tuloy na tuloy na ang pagiging Darna ni Liza at walang katotohanan ang balita! Now it can be told! Si Liza na ang pinaka-magandang Darnaaaaaaaaa! Kasalukuyang napapanood si Liza kasama si Enrique Gil sa Kapamilya Primetime Bida serye na Bagani na patuloy namang umaani ng mataas na ratings! 

KIEL...HUGOT KING CONCERT NGAYONG MARCH 10 NA SA TEATRINO!

Nakailang concert shows na rin si Kiel simulang tinutukan nito ang kanyang singing career under the management of Frontdesk Entertainment ni Nanay Jobert Sucaldito. Ilang beses ko na rin siyang napanood kung paano siya kumanta ganoon din ang timbre ng kanyang boses. May recall ang boses ni Kiel. Kapag nagpikit-mata ka, pakinggan mo lang, alam mo nang siya ang kumakanta. Am not saying that napakagaling na niyang singer dahil ang bawat artist naman, habang tumatagal ay natututo at nagi-improve. Like what Kiel told me, hindi siya nagmamadaling makilala kaagad dahil aminado naman siyang until now ay pinag-aaralan niya pa rin ang bawat piyesang kakantahin niya. Kahit papano ay nakita na rin namin ang pagbabago ni Kiel---Hugot King compared nung nag-uumpisa palang siya. Nakaka-proud si Kiel dahil willing siyang pagbutihan pa ang kanyang trabaho. Eager to learn more para lang magkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap not only for himself kundi lalo na sa kanyang pamilya. Hayaan niyo akong purihin ko si Kiel. For the past years, naramdaman ko ang pagiging mabuting tao niya lalo na sa mga taong alam niyang nagmamahal din sa kanya at magandang senyales yan! Kaya naman ngayong March 10, 8pm ay magaganap naman sa Teatrino, Greenhills ang kanyang solo concert titled " Kiel " Hugot King Strikes A New kung saan nagagandahang awiting 70's 80's 90's and maybe current music ang ipaparinig niya sa atin ayon na rin sa areglo at direksyon ni Butch Miraflor! Ayon kay Kiel, excited na siya for March 10 dahil something new para sa kanya ang mga piyesa niya at kakaibang rendition niya! Goodluck Kiel! 

BAGANI...KAPURI-PURI!

Talagang hindi nagpaawat ang fans and followers ng LizQuen nang itinodo nila ang kanilang suporta last monday sa first airing day ng kaabang-abang nga namang latest serye ng LizQuen, Ang Bagani sa Kapamilya Primetime Bida after Ang Probinsyano! Trending worldwide ang serye. Patunay lang ito na napakarami talagang nagmamahal sa dalawang pangunahing bida ng teleserye. Medyo nagkaroon lang ng konting ingay lately about the said teleserye kung saan kinukuwestiyon ng ilang katutubong kapatid na Pilipino ang tama o wastong paggamit ng salitang Bagani. A day before the first airing nangyari ito kaya naman naglabas naman kaagad ng official statement ang ABS-CBN at mukhang pinag-uusapan na ito ngayon ng maayos! Anyways, ako mismo ay nakaramdam ng excitement sa muling pagpapalabas ng seryeng ito ng LizQuen. Hayaan niyo akong purihin ang dalawang bida dahil ibang klaseng atake naman sa kanilang bawat role ang ginagawa nila. Something new kasi sa dalawa ang kanilang roles bilang sina Ganda at Lakas! Hindi rin matatawaran ang ipapakitang galing dito nina Sofia Andres, Makisig Morales at Rayver Crus bilang mga nasa supporting roles. In fairnesa naman sa production design at direction ng teleserye, para kang nanonood ng isang napakalaking pelikula! Oo nga! Bakit hindi nalang ito ginawang movie? Yun na! Basta! Congratulations sa lahat ng bumubuo ng Bagani mula sa production staff ng Star Creatives, cast and crew! Ngayon palang ay masasabi kong you nailed it guys! Panoorin ang Bagani mula lunes hanggang biyernes sa Kapamilya Primetime Bida right after Ang Probinsyano ni Coco Martin!

FDCP CINE LOKAL PRESENTS SINAG MAYNILA 2018

FDCP Cine Lokal presents: Sinag Maynila 2018

Bilang bahagi ng kanilang programa na suportahan ang mga lokal na film festivals, nakikiisa ang Film Development Council of the Philippines sa Solar Entertainment Corporation para sa Sinag Maynila 2018 na magpapalabas ng kanilang mga pelikula sa Cine Lokal simula Marso 9, 2018 at magdadaos ng FDCP Film Talks sa Sinag Maynila.

Bigating mga pelikula ang pasok ngayon sa Sinag Maynila tulad ng 
Abonimation ni Direk Yam Laranas, Bomba ni Direk Ralston Jover, El Peste ni Direk Richard Somes, Melodrama/Random/Melbourne! ni Direk Matthew Victor Pastor at Tale of the Lost Boys ni Direk Joselito Altarejos. "Cine Lokal aims to be a venue for quality films to be made available to Filipino audience and by supporting Sinag Maynila, these creative and meaningful films will have a home and will be watched by not just film enthusiasts, but the general public" (Hangarin ng Cine Lokal na maging plataporma para sa mga dekalidad na pelikula para maging mas abot-kamay ito sa mga Pilipinong manonood, at sa aming pagsuporta sa Sinag Maynila, magkakaroon ng tahanan ang mga malikhain at makabuluhang mga pelikula na mapapanood ng hindi lang ng mga mahilig sa pelikula kundi ng mas maraming Pilipino rin,” ani ng FDCP Chairperson and CEO Liza Diño. 

Higit pa rito, itatampok ng Sinag Maynila ang FDCP Film Talks @ Sinag Maynila sa Marso 10, 2018 sa SM North Edsa Cinema 3 na magsisimula ng 1 ng hapon. Isa itong libreng forum para sa mga diskusyon kung paano maitatampok ang iyong pelikula sa International film festivals at madistribute sa ibang bansa. Maaaring mag pre-register ang mga nais dumalo. Mag email lamang ng inyong pangalan at contact number sa filmdevelopmentcouncil@gmail.com para makapagrehistro. Magbubukas ang SM North Edsa Cinema 3 ng 12:30 ng hapon.

Ang panel ay binubuo nina Jeremy Segay, Korea and South East Asia Representative ng Unifrance, Takeo Hisamatsu, Festival Director ng Tokyo International Film Festival at ang kinikilala sa buong mundo dahil sa kanyang mga pelikula, at co founder ng Sinag Maynila, Brillante Mendoza.

Ang pakikipag-ugnayan ng FDCP sa mga film festivals katulad ng Sinag Maynila ay bahagi na rin ng ika-sanda ng selebrasyon ng Pelikulang Pilipino. "This year and next year will be focused a on celebrating this milestone. We believe that this is the time to come together to commemorate this legacy, learn from our film history, and also look forward to the next hundred years," (Ngayon hanggang sa susunod na taon ay nakatutok sa selebrayon ng milya-milyang tagumpay na naabot ng Pelikulang Pilipino. Naniniwala kaming ito na ang pagkakataon para tayo’y magsama-sama upang ipagdiwang ang pamanang ito sa atin, matuto sa kasaysayan ng pelikula at harapin ang mga susunod pang taon ng pelikulang Pilipino,” dagdag pa ni Chairperson Diño. 

Huwag palagpasin ang mga pelikula ng Sinag Maynila sa lahat ng sinehan ng Cine Lokal sa Metro Manila ngayong Marso 9-15, 2018.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang Cine Lokal facebook at iba pang FDCP social media accounts.

MIN YASMIN...FINALLY LAUNCHED HER SOLO DEBUT PHILIPPINE ALBUM!

Vocally ay pinaghalong Bituin Escalante at Vina Morales ang boses nitong si Min Yasmin na isang Malaysian R & B Singer. Napaka-powerful at soulful ng kanyang boses na nakilala sa Malaysia bilang soundtrack Singer who appeared in numerous Malaysian OSTs, Teleseryes and Movies and she is among Malaysia's established singers under the record label JULFEKAR Music owned by her husband Julfekar who is a songwriter and producer. Pero sa kabila ng kanyang pagiging tubong Malay ay pusong pinoy naman siya dahil karamihan sa kanyang kantang napapaloob sa kanyang solo debut philippine album ay mga sikat na awiting pinoy kasama na rin ang ilang komposisyon ng Julfekar Music at ni Vehnee Saturno. Labas masok ng bansa ang ginagawang eksena ngayon ni Min Yasmin dahil busy siya promoting her album na magkakaroon ng series of mall shows dito sa Pinas. Hopefully daw ay maisagawa nila ang isang concert dito sa Pinas within the year! Min Yasmin has been awarded as an Outstanding Asian Singer 2015 by Gawad Sulo Ng Bayan Awards and was also chosen as a Music Ambassador 2015. This award was givren in Manila on November 2015!

SAM VERSOZA & RS FRANCISCO...BRAINS BEHIND THE SUCCESS OF FRONTROW UNIVERSE!

Hindi ko ma-explain ng maayos ang aking nararamdaman sa aking nasaksihang pasabog ng Frontrow Universe sa MOA Grounds kung saan tatlo ang nanalong agent nila ng mamahaling sports car. Nakakaloka talaga ang yaman nitong Frontrow Universe owned by Sam Versoza and my beshie RS Francisco na kasalukuyang nasa Portugal. 
" Grabe naman yan! Hindi naman sa ganoon. Sobrang nagpapasalamat lang kami sa lahat ng taong nagbigay ng tiwala sa aming produkto sa buong mundo. Kahit kami ni Sam, hindi namin inakalang lalaki ng ganito ang pamilya ng Frontrow at sobrang masaya lang kami dahil yung produkto talaga namin ang pinapangalandakan namin na matino kami at kami mismo ay ginagamit namin ang aming product and sell it! Ganoon kami! " sez RS Francisco. Nabatid din namin na nag-umpisa naman talaga sa isang very humble beginning ang Frontrow. 
" Habang nag-uumpisa kami, napakarami naming pinagdaanan sa Frontrow, hanggang sa nagtiyaga kami habang kinakaharap ang ups and downs, hanggang sa heto na! Blessed lang din siguro kami because minahal namin ang niyakap namin ng buong puso ang aming negosyo and right now, ayan, almost 20 thousand ang nandiyan ngayon sa field and ano pa ba?" aniyang muli. A day after the said car show ay nagkaroon naman ng thanksgiving day si RS Francisco para sa mga kaibigan niya sa entertainment media na ginanap naman sa Limbaga 77. Hindi matawaran ang saya ni RS that day dahil dumating lahat ng kanyang kaibigan mula sa entertainment media. RS thanked everyone at umaasa siyang patulong lang ang pag-unlad at pagkilala sa madla sa Frontrow sa buong mundo dahil isa lang naman daw ang kanyang mithiin ang makatulong sa karamihan at i-enjoy ang produktong meron sila na kasalukuyan ng kinagigiliwan ng buong mundo.

MIN YASMIN...R & B SOULFUL SINGER!

MIN YASMIN is a powerful and soulful Malaysian RnB singer. She is also better known as a Soundtrack Singer,
appearing in numerous Malaysian OSTs, teleseries & movies. Min launched her first successful international concert in
Zamboanga City on March 2017 and in Tawi-Tawi on August 2017, all in the Philippines. She is among Malaysia’s
established international singers under the record label JULFEKAR Music, fully owned and managed by songwriter and
producer, Julfekar.
Julfekar is a well-known, award-winning composer and producer in Malaysia. He is the Managing Director of
MillenniumArt and Julfekar Music. He traces his roots to the Philippines by having a Tausug maternal lineage, which
gave his songs a warm and heartfelt Filipino flavor. Through his works, Julfekar spreads his wings across the Philippine
music realm, thereby reconnecting his Tausug roots which made him fell in love with words and music in the first
place.
Julfekar made history by producing '2 VOICES', which is the first-ever full-album collaboration between a Malaysian
singer (Min Yasmin) and a Filipino singer (Nikki Bacolod). It was launched in Philippines last October 2015 and was a
groundbreaking success. The resulting hit single, 'SA IYO' reached the Top 10 charts and stayed for three months in
LOVE Radio, YES FM and several other Philippine radio stations.
A follow-up album for Min Yasmin will be released. The international ‘PANGARAP' debut solo album will contain 14
songs, mainly written in Tagalog. The other songs will be rendered in Filipino minor languages Tausug & Sama Bajau,
in addition to a couple of English and Malay songs. To seal its success, producer Julfekar collaborated with Philippines’
top hitmaker and producer, Vehnee Saturno, producing a powerful version and arrangement of the hits ‘Bakit Pa’ and
‘Kahit Konting Awa,’ Julfekar also collaborated with Filipino lyricist Roosevelt ‘Raz’ Itum for the Tagalog songs, Nelson
Dino for the Tausug songs and Andhee Basion for the Sama song. The album has already been fully-recorded and will
be released in both Malaysia and the Philippines. It is expected to become a major hit. We really hope Philippines will
support us and our music.
MIN YASMIN has been awarded as an 'Outstanding Asian Singer 2015' by Gawad Sulo Ng Bayan Awards and was also
chosen as a 'Music Ambassador 2015'. This award was given in Manila on November 2015.

SINESAYSAY DEADLINE..EXTENDED!

Deadline of Sinesaysay Film Doc Competition Extended 

Students and aspiring documentary filmmakers may still submit their application to the Sinesaysay Film Documentary Lab and Showcase until March 31, 2018.
Sinesaysay is organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) in partnership this year with the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) to encourage documentary filmmakers to explore Philippine often-unvisited historical events that helped shape the country today. 
Starting on the second quarter of the year, Sinesaysay will be divided into two categories: the Bagong Sibol Documentary Lab and the Feature Documentary Showcase.

Bagong Sibol is open to emerging filmmakers working on their first or second documentary full feature films. Six (6) projects and its fellows will undergo a series of workshops and consultations in developing their short documentary films. From these applications, two (2) projects will be awarded a P 700,000 grant to develop the full feature versions of their project.

For the Feature Documentary Showcase, interested filmmakers who have worked on at least two documentary full feature films will submit a 5-10 pitch trailer of the given topics. Four filmmakers will be given a co-production grant of P 1 Million to produce a documentary full feature project aligned with the themes of the program.

A school campaign to promote the Showcase and Docu Lab was held this February around Metro Manila, including Asia Pacific College, De Las Salle College of Saint Benilde, Mapua, University of Sto. Tomas, University of Asia and the Pacific and Ateneo de Manila.

Visit https://www.fdcp.ph/sinesaysay/ for the detailed requirements and mechanics or contact FDCP at (02) 256 99 08 local 103.

MA'ROSA KICKS OFF MARCH 2!


Ma'Rosa Kicks Off March FDCP Cine Lokal Films 

Renowned actress Jaclyn Jose made history in 2016 when she won the Palme D'Or for Best Actress for her performance in Ma'Rosa, the gripping film by Brillante Mendoza. This March, FDCP Cine Lokal brings this film which portrays the horrific realities of the slums and the broken system back to its theaters. 

The film centers on the family of Rosa (powerfully played by Miss Jose) who owns a small community convenient store connected to their home in the slums of Manila. Together with her husband, Nestor, they use their convenient store as cover-up for selling illegal narcotic, Methamphetamines, their fate changes one Saturday night when their neighbor Bong-Bong, who works as fly-by-night parking attendant, begs her to sell him a small pack of Methamphetamine without knowing that it’s a play for a pending buy-bust operation by the policemen waiting outside the community.

Watch ‘Ma’Rosa’ as it opens in the following cinemas starting this March 2 at SM Mall of Asia, Megamall, North Edsa, Fairview, Southmall, Bacoor, Sta. Mesa and Bacoor at 1:00pm,3:30pm6:00pm and 8:30pm.

CLIQUE V FIRST MAJOR CONCERT....SUCCESS!

Grabe na rin ang fans and followers ng grupong Clique V. Imagine. After ng kanilang successful first major concert na ginanap kamakailan sa Music Museum ay kasado na ang gagawin nilang nationwide concert tour na uumpisahan sa Cebu this summer! Yes. Katatapos lang magpakitang gilas ang pitong miyembro nitong sina Clay, Marco, Josh, Karl, Sean, Rocky at Tim kung saan naglalakihang production numbers ang kanilang ipinamalas sa lahat ng nanood ng kanilang concert. Mamahalin ang mga bagets that night dahil talagang hindi pinabayaan ng kanilang 316 Events & Talent Management ang kanilang kasuotan mula ulo hanggang baba. Naging palakpakan din ang individual spot ng pitong bagets that night. Ganoon din ang choreography ng kanilang bawat sayaw, naku, galing! Pakahusay na ng mga bagets at kaya na namin silang gawing pantapat sa Boy Band PH huh! Beautiful ang concert directed by Joven Tan. Happy rin ang management ng pitong bagets dahil more than sa ine-expect diumano nila ang ipinakita ng mga bata. Kasalukuyang nagpo-promote naman ang mga bagets ng kanilang digital and physical album independently na puwedeng-puwede ng ma-download sa Amazon, Spotify at Youtube. Mabibili na rin ang kanilang physical CD sa lahat ng Astrovision at Astroplus Music Stores!