FDCP Cine Lokal presents: Sinag Maynila 2018
Bilang bahagi ng kanilang programa na suportahan ang mga lokal na film festivals, nakikiisa ang Film Development Council of the Philippines sa Solar Entertainment Corporation para sa Sinag Maynila 2018 na magpapalabas ng kanilang mga pelikula sa Cine Lokal simula Marso 9, 2018 at magdadaos ng FDCP Film Talks sa Sinag Maynila.
Bigating mga pelikula ang pasok ngayon sa Sinag Maynila tulad ng
Abonimation ni Direk Yam Laranas, Bomba ni Direk Ralston Jover, El Peste ni Direk Richard Somes, Melodrama/Random/Melbourne! ni Direk Matthew Victor Pastor at Tale of the Lost Boys ni Direk Joselito Altarejos. "Cine Lokal aims to be a venue for quality films to be made available to Filipino audience and by supporting Sinag Maynila, these creative and meaningful films will have a home and will be watched by not just film enthusiasts, but the general public" (Hangarin ng Cine Lokal na maging plataporma para sa mga dekalidad na pelikula para maging mas abot-kamay ito sa mga Pilipinong manonood, at sa aming pagsuporta sa Sinag Maynila, magkakaroon ng tahanan ang mga malikhain at makabuluhang mga pelikula na mapapanood ng hindi lang ng mga mahilig sa pelikula kundi ng mas maraming Pilipino rin,” ani ng FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.
Higit pa rito, itatampok ng Sinag Maynila ang FDCP Film Talks @ Sinag Maynila sa Marso 10, 2018 sa SM North Edsa Cinema 3 na magsisimula ng 1 ng hapon. Isa itong libreng forum para sa mga diskusyon kung paano maitatampok ang iyong pelikula sa International film festivals at madistribute sa ibang bansa. Maaaring mag pre-register ang mga nais dumalo. Mag email lamang ng inyong pangalan at contact number sa filmdevelopmentcouncil@gmail.com para makapagrehistro. Magbubukas ang SM North Edsa Cinema 3 ng 12:30 ng hapon.
Ang panel ay binubuo nina Jeremy Segay, Korea and South East Asia Representative ng Unifrance, Takeo Hisamatsu, Festival Director ng Tokyo International Film Festival at ang kinikilala sa buong mundo dahil sa kanyang mga pelikula, at co founder ng Sinag Maynila, Brillante Mendoza.
Ang pakikipag-ugnayan ng FDCP sa mga film festivals katulad ng Sinag Maynila ay bahagi na rin ng ika-sanda ng selebrasyon ng Pelikulang Pilipino. "This year and next year will be focused a on celebrating this milestone. We believe that this is the time to come together to commemorate this legacy, learn from our film history, and also look forward to the next hundred years," (Ngayon hanggang sa susunod na taon ay nakatutok sa selebrayon ng milya-milyang tagumpay na naabot ng Pelikulang Pilipino. Naniniwala kaming ito na ang pagkakataon para tayo’y magsama-sama upang ipagdiwang ang pamanang ito sa atin, matuto sa kasaysayan ng pelikula at harapin ang mga susunod pang taon ng pelikulang Pilipino,” dagdag pa ni Chairperson Diño.
Huwag palagpasin ang mga pelikula ng Sinag Maynila sa lahat ng sinehan ng Cine Lokal sa Metro Manila ngayong Marso 9-15, 2018.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang Cine Lokal facebook at iba pang FDCP social media accounts.
No comments:
Post a Comment