ALL ABOUT LOVE NI JED MADELA.....FULL-PACKED!

As always, it was a success! Sabi nga nila, who can argue with success! Yes! Wala siyang katulad, walang papantay at nag-iisa lang siya! Kilalang world-class singer and performer. Yan si Jed Madela na kamakailan lang ay muling pinatunayang mapa-Pilipinas man o sa ibang bansa ay kayang-kaya niyang punuin ang isang tanghalan without using any other personalities sa kanyang field just to make it! Sa kanyang katatapos lang na All About Love--Valentine Concert na ginanap sa Kia Theatre, Jed Madela truly nailed it! Everytime! Anywhere! Yes. Being a fan and follower na rin ni Jed eversince, in every concert niya, wala kang ibang maririnig from the audience kundi lahat ay papuri sa kanyang angking galing sa pagkanta. Yung followers ni Jed, ibang level, may matanda, bata, pamilya, basta, saklaw niya lahat. Kahit ako, hindi ako manghihinayang sa libong ibabayad ko para lang mapanood siya. Dahil alam kong kulang pa ang halagang iyon sa performance na ipapamalas niya! Napanood ko ang buong concert show ni Jed. Mula sa unang kinanta ni Jed hanggang sa huling piyesa niya, as in, relate lahat ng taong nakapanood sa kanya. Nakakatuwa nga dahil everytime na matatapos ang isang kanta, since nasa dulong bahagi ako ng orchestra nakaupo dahil sinadya ko naman, yung mga tao, abangers kung anong susunod na kakantahin ni Jed huh. Alam mong lahat ng nanood sa kanya, mahal siya dahil everytime na magsasalita siya, nakikinig lahat sa kanya at yung palakpakan sa full-packed na venue, wow, grabe! Ganoon naman talaga tayong mga Pinoy, kapag gusto natin ang isang singer, hindi natin iisipin kung magkano ang ticket. Mahalaga sa atin ang makapiling siya at mapanood siya! Not only that! Iba kasi ang boses ni Jed. Everything ay kayang-kaya niyang awitin. Sabi nga ng isang couple sa likod ko that evening nung kantahin ni Jed ang isang Adele song, sisiw yan kay Jed! Kinilabutan ako sa tuwa and happiness dahil yes, i knew it, yun si Jed eh! Totoo yun! Sa kabuuan ng concert, behave ang audience sa panonood kay Jed at tutok silang lahat na halos wala na talagang tayuan at walang gustong mag-comfort room dahil baka nga naman may ma-miss sila! Ganoon ang hatak ni Jed Madela and so proud of this guy kaya mahal na mahal ko yan at marami at napakarami naman talaga ang nagmamahal sa kanya. One more thing, halos lahat ng kantang inawit ni Jed sa kanyang concert ay sinabayan lahat ng tao! Wow! Meaning, kahit si Jed, alam niya mismo kung anong dapat kantahin sa ganoon okasyon at hindi. Well, huwag na tayong magtaka kung one day, sa isang mas malaking venue like MOA and ARANETA ay gagawin na ni Jed ang kanyang solo concert na mismong siya na rin ang director and writer which he did na sa All About Love! Lastly, wala kasing yabang si Jed Madela. Yung character niya as a person, napaka-humble and low profile, yan din ang higit na minahal sa kanya ng tao. 
" It was my honor sharing a part of my life with you guys. Directing and writing it wasn't easy but it was all worth it. You would have spent your valentines somewhere else but you chose to spend it with me. My heart is full! " ang facebook message ni Jed a day after the concert!
Thank you sa Ang Mata Ay Alagaan Foundation kung saan naging first choice si Jed to produce a concert. Sa sponsors for the huge help in making everything possible. GM Proponents Of Artists Incorporated nina Tita Annie Tajanlangit and Gerry Mercado. ASAP. ABS-CBN. TNT. Star Music family, Ryan Panaligan, Patty Yap, Kay Ate Flor Paclib at Totong Abordaje, Tribe of Jed, Team Jed Madela, WCOPA Team Philippines. Kay Sarah Faye at Tim Pavino, sa buong Band Team ni Jed at sa lahat-lahat ng kanyang personal sponsors and friends! THANK YOU EVERYONE!

1 comment: