MACOY DE LEON...HUMUHUSAY NA BILANG AKTOR!

Napakasuwerte nitong si Macoy De Leon. Hindi kasi lahat ng nangangarap maging sikat sa industriyang ito ay nabibigyan ng break. Kumbaga, sa showbiz, kanya-kanyang suwerte yan at kanya-kayang panahon lang yan. Marami na ang sumubok pero karamihan sa kanila ay bigo. But Macoy did it! Kasalukuyang rumaratsada ang binata sa kanyang karera bilang isa sa pinakasikat na aktor ngayon sa kanyang henerasyon. Nabigyan ng magandang break sa telebisyon tulad nalang ng kanyang current teleseryeng The Good Son na napapanood natin sa Kapamilya Network. Macoy is doing great sa naturang serye ng Dreamscape at hindi na rin siya nagpapahuli sa kanyang mga ka-trabahong aktor sa serye kasama ang loveteam niyang si Elisse Joson. Lately lang ay napanood namin ang ilang matitinding eksenang ginawa niya sa TGS at nakakatuwang tingnan na palaban na rin ang young actor. Hindi lang pala ka-guwapuhan meron ang binatang ito kundi unti-unti na rin siyang umaayos sa kanyang karera at bilang baguhan. So happy sa bagets dahil wala naman daw talaga siyang ibang pangarap kundi ang makilala sa industriyang ito at mapagbuksan ng magandang oportunidad sa showbizlandia. Well, kapag may tiyaga ka naman talaga sa lahat ng bagay lalo na kapag gustong-gusto mo ito, difinitely ay makukuha mo ito. Mahalaga lang na kapag napasaiyo na ay yakapin mo ng buo at mahalin ang iyong trabaho at huwag magbabago sa ugali at pakikitungo sa lahat ng taong nakakasalamuha mo! More blessings para sa iyo Macoy! Stay humble Nak!

No comments:

Post a Comment