CLIQUE 5...RARATSADA NA NGAYONG 2018!

Sa ngayon palang ay marami na ang nakaabang sa naga-gandahang original compositions ni Joven Tan sa ilalabas na album ng newest boy group na Clique 5 ng 316 Events & Talent Management. Last December of 2017 lang ay naunang inilumsad ng Clique 5 ang kanilang christmas single na " Tuwing Pasko " via digital world at napakarami ang nagdownload nito. Ngayong January naman ay ilulunsad na ng 316 Events & Talent Management ang isang album kung saan kasama ang mga kantang " Ako Na Lang Sana " at " Puwede Ba, Teka Muna " na parehong OPM. Beautiful ang parehong kanta. Actually, lahat ng kantang napapaloob sa naturang album ay kagigiliwan mo talaga. Ang naging guestings ng Clique 5 sa Wish 107.5, Pinas FM at Unang Hirit ay buena mano naman sa kanilang umaangat na career ngayon bilang sing and dance boy group. In-fairness sa Clique 5, proud akong sabihing kahit abala sila sa kanilang mga commitments ay hindi parin nila pinababayaan ang kanilang pag-aaral at suportado sila ng kanilang management. Bilib din ako sa 316 dahil kitang-kita ko talaga ang suporta nila sa mga bata at tinututukan nila ang mga ito at nakita ko rin ang pagiging disiplinado ng mga bagets. Marami pang kakaining bigas ang mga bata pero sa ipinapakita nilang pagpupursige sa ngayon palang ay may mararating ang mga ito. Proud ako sa mga bagets dahil hindi lang mukha meron sila kundi ipagmamalaki mo naman talaga ang boses nila. Sina Tim at Rocky nga pala ang bagong miyembro ng Clique. Nangako ang magkapatid na Tim at Rocky na gagawin nila ang lahat para hindi diumano sila mapapahiya sa tiwalang ibinigay ng 316 sa kanilang kakayanan. Nagpapasalamat din ang dalawa dahil isang karangalan diumano ang mapabilang sila sa Clique 5! Baguhan man ang dalawa pero personal kong nakita ang kanilang pagyakap sa mundong pinasok nila tulad nina Karl, Sean, Marco, Clay at Josh! Keep your feet on the ground guys and embrace the opportunity and love the people around you! Gow gow gow Clique 5!

No comments:

Post a Comment